Chapter 8

381 11 1
                                    

Yona's POV

Isang buwan ko ng di nakikita si Gelo. Masama bang mamiss ko siya to think na ilang beses pa lang naman kaming nagkita. Ewan ko ba parang iba eh. Parang ang gaan lang ng feeling pag kasama ko siya. Woah.. Yona anung nangyayari sayo? Baka mainlove ka na naman tapos wala rin. Well baka nachachallenge lang ako sa kanya. Baka wala lang to.

Gelo's POV

Isang buwan akong di nagparamdam kay Yona. Naging busy ako sa pag-aaral at sa extracurricular  activities. Anyway, andito ako ngayon sa college nila Yona. Dadalawin ko siya pero syempre hindi dahil namimiss ko siya kundi dahil sa plano ko. 

"Gelo ikaw ba yan?" Oh kita mo nga naman andito na yung bruha.

"Yona, long time no see." 

"Oo nga, siguro may lovelife ka na kaya di ka nagpaparamdam noh?" namiss nga ako ng isang to.

"HIndi. Naging busy lang talaga ako." 

"Oh anung ginagawa mo dito?Siguro dinadalaw mo ba noh" 

"Ha? Hindi..Bakit mo nasabi?" Kunyaring tanggi ko.

"Ahh wala lang..no I was just joking ikaw naman." sus seryoso siya nun halata namang nalungkot siya ng sabihing kong hindi.

"Im joking also."

"Huh? What do you mean?"

"Ikaw talaga ang sadya ko. Yayain sana kita..kung pwede kitang Isama sa vacation trip namin. May reunion kasi kami ng mga highshool friends ko, pwede daw magsama ng kahit sino ng plus 1 haha. May plans ka ba sa December 16?"

"Hmm...pwede naman ako sa araw na yun. Pero bakit ako yung niyaya mo?" Syempre para sa plano ko diba.

"Wala lang nung sinabi nilang ayos lang magdala ng kasama, ikaw naisip ko."Totoo naman yun kasi naisip kong mas mapapalapit kami sa isa't isa ilang araw din yun noh.

"Ahh..nakakaflattered naman ako yung naisip mong isama. Sige pwede ako. Ilang araw ba?"  sabay ngiti niya sakin na kung lalaki ako ay maiinlove talaga sa ngiti na yun. Well eh bakla ako kaya para cute lang yung smile niya.

"Mga 4 days, so see you...here this is my number." sabay abot ko sa kanya ng papel na may number ko.

"Ahh oo ito rin yung number ko. See you." ngumiti na naman siya. Ang cute lang ng smile niya. Kaya nagsmile din ako sa kanya.

Pagkatapos ng usapan naming iyon nagpalaam na kami sa isa't isa. Hanggang pag-uwi ko nakangiti pa rin ako. Siguro kasi excited na akong makita yung mga highschool friends ko. matagal tagl na rin kasi kaming di pa nakikita. Ang totoo naman alam nung highshool ako na bakla ako. Si Yhel lang ang nakakaalam at ang parents ko. Ngayong college lang ako naging confident na ipakita sa iba yung totoo ako. (pasensya na di ko alam kung sinabi na ni Gelo to sa previous chapter. nakalimutan na ni author peace.)

December 16

Yona's POV

Andito na kami ngayon sa sinabing lugar kung saan ang meet up. Paalis na kami papuntang Tagaytay. At sobrang excited na ako di naman sa first time kong pumunta dun kasi pumunta na rin kami nila daddy dun. Siguro kasi first trip namin ni Gelo. hihi.. Naeexcite ako.

Sasakay kami ng van na pagmamay-ari daw ng isa sa mga friends ni Gelo, si Tyronne. May dalawang driver din kasama para daw palit sila kung mapagod ang isa. Andito kami ni sa likod na part ng van. 10 kami kasama yung 2 driver. Akala ko naman marami sasama. Sabi naman ni Gelo small group of friends lang daw talaga sila. Bukod kay Gelo, yung ka college ko na, Lester ang kakilala ko. Pinakilala naman ako ni Gelo sa kanila. Isaac at Philip ang mga pangalan nung dalawang driver. Lily, Des at Trish naman yung mga names nung nasa unahan part ng van. Nasa pangalawang part naman si Von, Fred and Lester. 

Ilang oras pa habang nasa byahe nagising na lang ako na nakahiga na yung ulo ko sa balikat ni Gelo. Namula naman ako bigla. Hala bakit naman ako mamumula baka nasandalan ko lang siya. Wait bakit ang parang may mabigat ng ulo ko. Pag tingin ko nakita kong ang natutulog na na si Gelo na nakasandal sa Ulo ko. Kaya naman pala. Natulog na lang ako ulit ng nakangiti. 

Gelo's POV

Nagising ang aking diwa dahil sa ingay ng mga kasama ko. Pero dahil tinatamad pa akong bumangon ay nakapikit ko silang pinakinggan.

"Ahh ang cute naman nila." - Trish

"Siguro sila talaga nahihiya lang magsabi si Gelo."- Lily

"Baka nga pero bakit siya mahihiya eh ang ganda naman ni Yona."- Von

Anu bang sinasabi nila. Idinilat ko ang ang aking mata. At bigla  ulit akong napapikit dahil sa flash ng camera.

"Des, anu ba!"dahil sa sigaw ko naalimpungatan si Yona.

"Sorry ang cute nyo lang kasing picturan." sabay pout, isip bata talaga.

"Oh wag kang maingay tulog pa si Yona."- Lester

"Kayo kasi. Bakit ba andito kayo sa likod?"Mas hininaan ang boses dahil baka magising si Yona.

"Ang totoo eh andito na tayo sa Tagaytay. Gigisingin na sana namin kayo kaso yun tulog na tulog pa kayo."Fred

"Sige bumaba na kayo at gigisingin ko na rin si Yona." 

Bumaba naman na sila. Pinagmasdan ko naman ang katabi kong nakasandal ang ulo sa balikat ko. Malapit ang aking mukha sa kanyang mukha kaya di ko naiwasang pagasdan siya. Ang mga kilay napakanatural sa pagkakaguhit, mga pilikmatang mahahaba na sadyang bumabagay sa kanyang mukha, ilong na matangos, labing mapula na parang malambot ang masarap halikan. Di ko napigilan ang sarili kong ilapit ang aking mukha at...



"Pre nakaorder na kami, breakfast na tayo..Ay sorry!!"sabi ni lester na sa sobrang gulat napabalik sa loob ng hotel. 

Nagising ako bigla. Ano yun? Sinampal ko ng mahina ang aking pisngi. Dahil siguro dun nagising si Yona. 

"Oh ayos ka lang bakit sisampal mo sarili mo?"

"Ahh ma..may lamok sa pisngi ko." Palusot ko.

"Ahh..oh bakit tayo na lang andito, asan sila?"

"Ahh naunana umorder at nagcheck in na sila."

"Ahh oh halika na punta na tayo? Nagugutom na rin kasi ako eh."

Lumabas na kami. Di maalis sa isip ko yung muntik kong ginawa..hahalikan ko ba siya nun? kaloka...bakit? nahuhulog na ba ako? hindi pwede baka naman hindi..baka di yun ang gagawin ko.

Buti na lang dumating si Lester. Kaso baka ipagsabi niya sa tropa ang nakita niya. Hala kakausapin ko siya.


Author's NOte:

Sorry po talaga. Hayy..sana matapos ko talaga tong story na to bago mag 2018.

Thanks for reading and see you sa next update. :)







My Gay Version of Revenge (Completed)Where stories live. Discover now