Chapter 9

354 9 3
                                    

Gelo's POV

After ng incident sa van, kumain na kami breakfast. Sabay na kaming kumain ni Yona dahil nauna ng kumain yung mga kaibigan ko, nahiya daw silang gisingin kami ni Yona. Hayy.. kami daw ang loveteam ng taon. Talagang siniship nila kami. Buti na lang wala lang kay Yona, di naman siya napipikon or what. Wala lang silang magpagtripan hayy naku. Pero ayos na rin pala na asarin nila kami, makakatulong naman yun sa plano ko. 

Balak kong kausapin si Lester, baka pinagkalat na niya yung nakita niya sa van kanina. Yung muntik ko ng..haistt..ayoko na nga yun maalala..anu ba yan. 

Tapos na kaming kumain medyo tahimik ako dahil iiniisip ko kung anung sasabihin ko kay Lester. Medyo kinakabahan ako ng kunti bakit kaya?

"Gelo ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik?" biglang tanong saking ni Yona

"Ahh wa,,wala naman siguro napagod lang ako sa byahe. Ikaw di ba ulit matutulog?"Sige na matulog ka na hahanapin ko pa si Lester.

"Ahh oo nga, inaantok pa nga ako. Ayos lang ba na matulog na muna ako?"

"Oo ayos lang yun ihahatid na kita sa kwarto mo."

"Sige salamat ha. Excited na talaga sa mga activities na gagawin nating lahat. Kelan pala yun magsastart?"

"Ah mamayang after lunch daw. Sige andito na tayo." Binigay ko na sa kanya yung maleta niya. Nagpaalamanan muna kami bago siya pumasok sa room niya. Yung kwarto ko pala malapit lang kila Lester at Yona.

Dali dali naman akong pumunta sa room ni Lester. Kumatok ako sa pinto at agad naman niya akong pinagbuksan. Inalok niya naman akong umupo sa sofa. Simple lang yung room pero may sala, at bedroom naman yung kwarto niya.

"Oh Gelo, ba't napadaan ka? may kailangan ka ba?"

"Ahh gusto ko lang sanang magexplain dun sa nakita mo kanina."

"haha. magexplain, pre di naman kita masisisi kung magkagusto ka kay Yona, maganda naman talaga siya ang dami kayang nagkakagusto dun sa college namin."

"Pre, di naman kasi yun yun. Wala akong gusto sa kanya. Pumunta ako dito para di mo mamisunderstand yung nakita mo at sana wag muna lang ipagsabi sa ibang mga kaibigan natin dahil aasarin lang nila ako at ayoko rin sanang makaabot kay Yona na yun."

"Huli ka na pre, nasabi ko na kanila pasensya ka na..haha..pero sige sasabihan ko silang wag sabihin kay Yona. Pero kilala mo naman ang mga yun hahaha."

"Hay, ba't mo sinabi?!ikaw na lang mag-explain tutal ikaw naman nagsabi sa kanila."

"Anung iexplain ko?"

"Na di ko naman talaga i..aanu..basta na wala namang ibig sabihin yun."

"Pre, feeling ko nasa stage ka ng sinasabi nilang indenial."

"huh?, hindi pre, nagkakamali ka. Hindi siya yung mga tipo ko." mga gwapong lalaki ang tipo ko kung alam mo lang

"Sige sabi mo deny mo pa..haha."

"Hayy..ewan bahala nga kayo."

Kung alam nyo lang na ginagawa to , hindi dahil gusto ko siya kundi gusto ko lang siyang gamitin para masaktan ang kuya niya. Tuloy pa rin ang plano.

Kaya Gelo medyo malapit na. Malapit na loob ni Yona sayo. Kunti panahon na lang maisasagawa ko na ang plano.

Yona' POV

May kakaiba sa mga kilos ni Gelo simula nung nagbreakfast kami. Anu kayang nangyari kanina sa van. Hmmm... Ewan di naman siguro yun importante.

Anyways I'm excited na sa activities na gagawin mamaya.

Biglang nagring yung phone ko. Tingnan ko kung sino ang tumawag. Si kuya lang pala

"Hello kuya, bakit napatawag ka?"

"Wala naman. Masama bang kamustahin ang prinsesa ko."

"Kuya di na nga ako bata para tawagin mo akong princess alam mo naman na ayaw ko na tinatawag ako ng ganyan may pangalan ako kuya
"Y-o-n-a" ang ganda kaya ng name na binigay sakin ni Mommy?"

"Oh sige na. Yona napatawag ako dahil gusto kong sabihin na malapit na kaming umalis ng mommy papuntang states. Ayaw mo talagang sumama pagisipan mong mabuti."

"Kuya diba sinabi ko na sa inyo nila mommy na di ako sasama kasi andito yung mga friends ko yung pag-aaral ko sayang naman alam nyo na naman na running for summa cum.laude ako
Diba. Alam nyo naman na pag transferee walang award kahit ni isa".

Author's Note

Pasensya na po ngayon lang nakaupdate matagal na po pala itong draft dinagdagan ko lang. Di po ako sure ang susunod na UD ko pero itry ko po next week.
Salamat po sa mga nagbabasa. :)





My Gay Version of Revenge (Completed)Where stories live. Discover now