Chapter 3 - 1st Anniversary

639 19 14
                                    

Gelo's POV

Eto na!!!OMG!!! Ngayon na yun. May nafefeel ako eh parang may mangyayari. Syempre marami mamaya..hihihi..Siguro yung suprise yun ni Mark sakin kaya ako kinakabahan.

*Text Message

From : Lalabs ko

Sa dating resto tayo magdiner mamaya ha. May sasabihin akong importante.

To: Lalabs ko

Sige labs, I love you <3 Happy Anniversary :)

Kinabahan naman ako. Hmmm..Erase bakit naman ako kakabahan...Baka magpopropose na siya sakin..hihihi...charot..


Dinner at **** Resto...

Nauna akong dumating sa resto. Na ipinagtaka ko kasi usually siya nauuna. Hmmm baka natraffic lang.

after 10 mins...

"Oh labs bakit ngayon ka lang?Oh pawis na pawis ka?" Sabay punas ko ng pawis ni Mark. Nagulat ako ng itinabig niya yung kamay ko.

"Ahh..na..natraffic lang ako. Sige kain na tayo." sabi niya na may tunong nagmamadali baka may pupuntahan pa kami. hihi..Naexcite naman si ako..hihi..

Nag-order na kami foods and everything ng bigla ko siyang binati.

"Labs Happy Anniversary! I love you." sabay ngiti ng matamis sa kanya.

"Ahhh..may sasabihin nga pala akong na importante sayo." sabi niya na may pagkaseryoso.

"Hmm sige ano yun go ahead." binigyan ko siya ng convincing na ngiti.

"Di ko alam kung san ako magsisimula pero.."

"Pero?"

"Pero gusto kong sabihin sayo na I'm sorry at di ko sinasadya." parang tumigil yung oras, at sa oras na yun alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Ang mga katagang di ko lubos maisip na sasabihin niya sakin.

"Break na tayo."

"Break na tayo."

"Break na tayo."

"Break na tayo."

"Break na tayo."

Natulala na lang ako at napakurap na lang.

"Bakit? Pano? Sabihin mo ng maintindihan ko kung bakit kelangan nating magbreak." kalmado kong sabi. Habang pinipigilan ang mapaluha.

"May nahanap na akong iba. Maniwala ka di ko ginustong mahulog sa kanya, di namin ginustong mainlove sa isa't isa ni Yel." Mas sumakit ang puso ng marinig kong ang ipinalit niya sakin ay ang bestfriend ko na para ko ng kapatid. Sobrang sakit pero wala akong nagawa kundi ang manahimik at pakinggan ang mga paliwanag niya.

"Makikipagbreak ako di dahil sa di na kita mahal, alam mo yan mahal kita. Pero kasi mas mahal ko siya." nagpaulit ulit lang yung huli niyang sinabi sa isip ko.

"Pero kasi mas mahal ko siya."

"Pero kasi mas mahal ko siya."

"Pero kasi mas mahal ko siya."

"At isa pa buntis siya, at ako ang ama, Gelo." mas lalong sumakit ang puso. kaya pala parang tumataba si Yel at mahilig na siyang magkakain ng kung ano ano.

"Kelan pa kayo?" sinisikap na di mautal sa harap niya.

"2 months na kami at 2 weeks pregnant na si Yel." ahhh kaya pala ganun na lang kung umiwas siya sakin nitong mga nakaraang buwan dahil pala kasi nagkikita sila ni Yel. Lalo lang kumirot ang puso ko.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan..

"Sige, pinapalaya na kita kahit masakit. Gusto ko pa ring mabuo kayong pamilya para sa baby nyo. Pero di pa kita mapapatawad sa ngayon, Mark." Pinipigilan ko pa ring mautal at umiyak sa harap niya.

"Naiintindihan ko Gelo. Gusto kong magpasalamat sa mga pinagsamahan natin at sa pagpapalaya mo sakin. Salamat talaga. Sana makahanap ka ng para sayo Gelo, yung mamahalin ka ng mas pa sa pagmamahal ko sayo at yung mas mahal ka. Sorry talaga. Sige alis na ako hinintay na ako ni Yel eh." sincere siya at dama ko yun. Kaya di ko rin mapigilang manahimik pero di ibig sabihin nun di na masakit. Ang totoo sobrang sakit.

Umalis na siya. Nakatulala lang ako. 

Mayamaya, bigla lang ako sinabihan nung waiter na magsasara na daw sila.

Di pa rin ako makapaniwalang nangyari sakin to parang binagsakan ako ng langit at lupa. Yung araw na inaasahan mong maging masaya ito pa pala yung araw na magiging malungkot.




My Gay Version of Revenge (Completed)Where stories live. Discover now