Chapter 8: HEADMASTER'S FINAL WORDS

58 4 2
                                    

Author's Note:

Hi! Sobrang ikli lang ng chapter na to, the title says it all. Biro lang! Hahaha! Anyways, how's the story so far? Feel free to message me here or send some of your insights on my other social media accounts.

Special thanks to those who help me a lot lalo na sa pag translate ng english words to tagalog. And sa lahat ng nagbabasa nito! I do really appreciate it a lot.

Till next time!
Enjoy reading.

@dalematian

***

CHAPTER 8: HEADMASTER'S FINAL WORDS

CHARM ACADEMY
MELIORN'S HALLWAY, 11:27 PM

ARIELA'S POV

I rushed my way to the Sacred Sanctorium pagkatapos kong makita na papunta sa akin ang mga lumilipad na itim na tela. Things are getting more and more creepier. Hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa Academy as of now. Basta all I know is I'm in a big trouble.

I hurriedly looked at my back to know if sinusundan parin ako ng mga itim na tela. Pero this time, those stuffs are now out of my sight. I abruptly stopped, the moment na nawala sila. Lumingon lingon ako sa paligid para siguraduhing okay na ang lahat ng bigla nalang tumilapon ako papunta sa pader sa aking likuran.

Para bang may kumokontrol sa akin, hindi ko magalaw ang aking mga kamay. Sinusubukan kong i diffuse yung charm na kumokontrol sakin pero hindi ko kaya. Tiningnan ko ang paligid para malaman kung sino ang may gawa nito. Pero wala akong masyadong makita. Maya maya pa ay may naglalakad papunta sa aking direksyon. Isang bata, naka black itong coat, natatakpan ng hood nito ang pangtaas na parte ng kanyang mukha ngunit sigurado ako na maputi ito.

"Tulungan mo akong makababa." Tinatawag ko siya. Pero laking gulat ko ng malaman ko na walang lumalabas na boses sa aking bibig.

"Natagpuan din kita—Davis."




11:30 PM
SACRED SANCTORIUM

SNOW'S POV

Kasama na namin ng kambal ang mga freshmen at sophomores. The moment we got here we already started a headcount para malaman kung may naiwan ba kami o wala. Three hundred and thirty six dapat silang lahat.

Three hundred thirty four...

Mabilis kaming nakadating dito ng ligtas dahil narin sa tulong ng charm ni Layla. Naiwasan namin ang lahat ng lugar kung saan may pagsabog at tingin niya may kalaban. Astig din talaga siguro magkaroon ng pandinig na 10 kilometers yung radius.

Three hundred thirty five...

Pinahanap ko agad kay Lily si Ariela. Karamihan sa mga charmer na nandito sa Sanctorium ay nabigla sa pagdating namin—hindi na yun importante sa ngayon. Mamaya nalang namin ipapaliwanag sa kanila ang nangyayari.

Three hundred thirty six...

Kumpleto ang mga charmer. That exact moment na narinig namin ni Layla na sumakto ang bilang nila sa inaasahan namin, kaagad kaming nag apir at niyakap ang isa't isa. Success!

Sa mga oras na ito dapat nandidito na ang grupo ng Headmaster para gawan kami ng portal papunta sa kung saan namin maitatago ang mga batang ito ng ligtas. 11:30 ang napagusapang oras namin nila Sir Chase kanina. Pero ang nakakapagtaka lamang ay bakit sa mga oras na ito ay wala parin sila.

UNITE: A CASOM AND TAOSA Story CrossOverWhere stories live. Discover now