Chapter 6: The Unfolding Horror

49 7 1
                                    

Chapter 6: The Unfolding Horror

CHARM ACADEMY
MISS SERENA'S OFFICE 8:58 pm

COLLIN'S POV:

Natahimik at nabigla ang iba sa sinabi ni Dio. Ang iba naman ay para bang inaasahan na itong mangyayari. Kaagad pumunta si Miss Serena sa isang sulok ng kwarto at pumikit. Mind link. The council continues their discussion on how are they gonna defend the academy.

"Mas malakas na tayo sa mga oras na ito."

"Ang mga pinuno at mga nakaligtas na mga miyembro ng council ay nandidito pati narin ng ibang mga taga Mirandi at Greven. Buo pa rin ang pwersa nila Serena at di pa sila nasasalakay. May pagasa tayong manalo sa labang ito."

"Hinding hindi natin matatalo si Chaos hangga't di natin nalalaman ang kanyang kahinaan." Sambit ni Headmaster Cray at nanahimik ang lahat. 

Even the strongest Headmaster don't even know what are the primary steps that we'll take in this dreadlock situation. Nasa bingit ngayon ng katapusan ang Academy— at ang buong Magic Society.

Headmaster Cray finally stood up which caught everyone's attention. After a few moments Miss Serena came back this moment she doesn't wear her reassuring smile. "Wala ng balita sa Head ng Security Defense natin."

Nakita kong kinuyom ni Jett ang kanyang mga kamay at agad na lumabas ang naglalagablab na apoy dito. Agad itong napansin nila Sir Chase at pinagsabihan siya na huminahon muna.

"Wala tayong ibang magagawa kundi hatiin ang ating pwersa sa dalawa, kasama na roon ang lahat ng mga may kakayahang lumaban sa academy." Panimula ni Headmaster Cray.

"Ang unang grupo ay ang dedepensa sa mga lumulusob sa Academy, sila din ang bahala sa kaligtasan ng ibang mga estudyante na hindi pa kayang lumaban." Tumingin ito kila Dio at ilang mga kasama nito na taga-Magic Council.

"Dio, gusto ko na pamunuan mo ang pagdepensa sa lugar na ito, maaari mong isama ang ilan sa mga taga Greven. Makakasama mo sa misyong ito si Collin at ilang mga Seniors ng Academy." Utos ni Headmaster Cray. Agad tumutol si Jett sa naging desisyon ng Headmaster.

"Ako mismo ang tatapos sa kanila." Asik ni Jett.

"May mas importante kang mission Jett." Tinapik ng Headmaster ang balikat nito. "Siguraduhin mo ang kaligtasan ni Ariela. Kailangan niyong makalabas ng lugar na ito ng ligtas habang humihingi kami ng tulong sa ibang mga Academy."

Tumango ako kay Jett bilang sign para sa kanya na tanggapin na ang offer. Tiningnan din siya nila Sir Chase at ibang tao sa kwarto. Lumapit sa kanya si Sir Chase at inilapag sa lamesa ang hawak nitong libro.

"You're one of this Academy's Aces. Hindi ka namin kailangang ilabas sa mga oras na ito. You and Ariela are one of our trump cards to turn the tide of this battle. We can't afford to lose you this early. Besides, mas masisuguro namin ang kaligtasan ni Ariela pati ng charm niya kung ikaw ang kanyang kasama." Sabi ni Sir Chase.

"Wag na nating pahabain ang usapang ito Jett. Puntahan mo na si Ariela at umalis na kayo dito."  Dugtong ni Headmaster Cray.

Agad na lumabas ng kwarto si Jett at naiwan ako kasama ang ilan sa mga pinakaimportante at pinakamalalakas na magic user sa mundong ito.

"Wala na tayong oras. Nagsimula na sila. Kailangan na nating ipaalam sa mga estudyante ng Academy na sinasalakay tayo."  Sabi ni Dio habang nagsimula itong maglakad palabas ng kwarto. Nasa likuran niya ang ilan sa kanyang mga taga sunod. Tumango sila Miss Serena at Sir Chase.

UNITE: A CASOM AND TAOSA Story CrossOverWhere stories live. Discover now