Chapter 10

58 7 2
                                    

Matapos umakyat ng kwarto ni Fran at maligo ay kinatok ito ni Jenny upang ayain sa tanghalian.

"Ma'am Franchesca, tanghalian na po. Kayo nalang po ang hinihintay." ang wika ni Jenny.

Binuksan naman ni Fran ang pintuan at sumalubong ang magandang ngiti ni Jenny.

"Susunod na ako," ang sabi ni Fran bago nito isinara ang pintuan upang muling balikan ang librong kanyang binabasa. Itinabi niya ito sa drawer at saka na ito bumaba.

"Ang akala namin ay hindi ka na bababa." ang sabi ni Laine sa pabirong tono.

"Kaya nga, ginutom mo ako sobra." ang dugtong naman ni Ran.

"Bakit sinabi ko bang hintayin mo ako?" ang bulong na sagot ni Fran ng makaupo na ito sa tabi ni Ran.

"Okay, now we can start to pray." ang sabi ni Ralph na pinasimulan ang pagpapasalamat sa pagkain.

Matapos itong magdasal ay nagsimula na ngang kumain ang lahat.

"Oo nga pala, Fran at Sofia isukat niyo yung mga gown na gagamitin niyo sa kasal ko. Ipapadala na nila bukas ng umaga. Tsaka yung pre-nup para sa kasal namin ay sa sabado na. Nakahanda na lahat ng susuotin natin." ang paliwanag ni Laine.

"And again, I just want to remind you guys that every person who has roles in our wedding will be here this coming Saturday just for a prenup. They will come back and stay for a night on 29." ang pagpapaalala ni Rio.

"Wait ate, ayoko ng maluwag sakin ah." sandaling tumigil si Sofia at muling nagsalita. "Di mo kasi kami sinabihan ng maaga e para nakapagdiet ako." ang dagdag pa nito.

"I already get your sizes from your personal assistant as well as Fran." ang sabi ni Laine na lumingon sa direksyon ni Fran na hindi man lang nagbigay ng tingin bagkus ay patuloy lang ito sa pagkain.

"Magdadiet ka pa ng lagay na 'yan, ang payat mo na nga." ang sabat ni Kenji.

"Excuse me, S-E-X-Y po." ang sabi naman ni Sofia rito na pinagdiinan pa ang salitang sexy.

Matapos ang mahabang pagpapalitan ng tukso sa pagitan nina Sofia at Kenji ay nagdeklara si Fran na tapos na siya sa pagkain.

"Mauuna na ako, may gagawin lang ako sa taas." ang paalam ni Fran sa mga kaibigan. Tumayo na nga ito at muling pumanhik patungo sa kanyang kwartong tinutuluyan.

Hindi mawala sa isipan nito ang mabilis na pangyayare. Ang pagkikita nilang muli ni Ralph ay isa paring mahabang panaginip sa kanya. Nagtuloy-tuloy sa lamesa si Fran kung saan niya ipinatong ang librong binabasa. Umupo ito at muling binuklat ang libro.

It is all about a 17 year-old girl who live in north part of america. Isang sikat na manunulat ang dad niya. 1 year ago nang mamatay ang mom niya kaya naman hindi nito matanggap ng wala pang isang taon ng magpakasal muli ang tatay sa ibang babae.

Bago pa matapos sa pagbabasa si Fran ay biglang may kumatok muli sa kanyang pintuan.

"Pasok." ang sabi ni Fran at kasunod nito ang pagpasok ni Jenny.

"Ate, gusto niyo po bang mangabayo?" ang tanong nito.

"Tuturuan mo ako?" ang giliw na giliw na tanong ni Fran at isinarado na ang librong binabasa. "Sandali lang, Jenny. Magbibihis lang ako at hintayin mo nalang ako sa baba." ang patuloy pa ni Fran na hindi na hinintay pa ang sagot ni Jenny.


Matapos magbihis ay dali-daling bumaba si Fran at nang makita nito si Jenny ay nagmamadali itong lumapit.

"Ma'am, nandun na po sila sa kuwadra. Sasamahan ko po kasi si Ma'am Laine sa pamamalengke po sa bayan."ang sabi ni Jenny ng makalapit na si Fran sa kanya.

"Sino naman ang nandun?" ang nacu-curious na tanong nito. Natatakot siyang naroroon si Ralph at ito ang magtuturo sa kanya sa pangangabayo.

"Nakalimutan ko po ang mga pangalan nila pero nandon po sila halos lahat, Ma'am." ang sagot ni Jenny bago ito tinawag ni Laine na nakasakay na sa isang tricycle at kasama rin nito si Rio. "Ah sige po at aalis na po kami. Ako po kasi ang magtuturo sa kanila kung nasaan ang bilihan ng mga baboy at gulay." ang patuloy na pagpapaalam ni Jenny kay Fran. 

Wala namang nagawa si Fran ng magwave na ng goodbye sila Jenny, Laine at Rio. Nagwave back nalang si Fran at nang makaalis ang mga ito ay agad siyang pumihit patalikod, babalik nalamang siya sa pagbabasa upang makasiguradong hindi niya makikita si Ralph.

"Naghihintay na ang mga kaibigan natin, hindi ka pa pupunta ng kuwadra?" ang sabi ni Ralph na sakay-sakay ng kabayo nito at nasa tapat ng bahay.

"Masama ang pakiramdam ko." ang dahilan ni Fran ng harapin niya muli ito. 

"Halika na, naikwento sakin ni Rio na gustong-gusto mong matutong mangabayo." ang sabi ni Ralph na hindi pinaniwalaan ang sinasabi ni Fran na masama ang pakiramdam nito.

"Masama talaga ang pakiramdam ko, sa ibang araw na lang." ang sabi ni Fran at tatalikod na sana ng biglang may magsalita sa gilid niya.

"O Ma'am nandyan pa po pala kayo," ang sabi ni Ate Jeanne at naglakad ito papalapit sa kanya. "Sinabihan ko po si Jenny na ihatid kayo, pasensya na po at ako nalang ang maghahatid sa inyo sa kuwadra." ang sabi niya at patuloy parin sa paglapit kay Fran.

Hindi siguro napansin ni Ate Jeanne si Ralph na may dala-dalang kabayo kaya itinuloy pa nito ang paglakad palapit kay Fran. 


Habang bumaba naman si Ralph sa kabayo nito at pinuntahan si Fran upang kargahin at dalin sa kabayong itinali nito sa puno. Ikinagulat ni Fran ang pangyayare at maging si Ate Jeanne, ngunit napangiti lamang si Ate Jeanne nang marealize na si Ralph ang bumuhat dito.

"Ibaba mo ako, sabi nang masama ang pakiramdam ko e." ang sabi ni Fran at nagpupumiglas sa itaas ng kabayo.

Bigla namang nagwala ang kabayo na ikinatakot ni Fran.

"Shhh..." ang sabi ni Ralph at hinimas-himas nito ang ulo ng kabayo. Nang kumalma ang kabayo ay tumingin si Ralph kay Fran. 

Ang mga tingin na iyon ang nakapagpawala sa sarili kay Fran, hindi niya maintindihan kung anong nanyayare sa kanya. Hindi niya mapigilang titigan ang taong unang nagparamdam sa kanya ng nararamdaman niya sa mga oras na ito.

*dugdugdugdug*

"Ayos ka lang ba?" ang mga salitang iyon ang nakapagpagising sa katotohanan kay Fran ng marinig niya ang halos bulong na salitang sinabi ni Ralph mula sa likuran ng kanyang tainga. Hindi man lamang nito naramdaman na nakasampa na pala ng kabayo si Ralph.

"Ah-hh..a-ano?" ang nauutal na sabi ni Fran.

"Ang sabi ko nanakawin muna kita ngayong araw lang." ang sabi ni Ralph na lalong nakapampalambot ng mga tuhod ni Fran. Mabuti na lamang ay nakasakay siya sa kabayo at nasa likuran niya si Ralph at kung hindi ay baka nahulog na ito sa sobrang pamlalambot na nararamdaman.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon