Chapter 3

82 30 14
                                    

"Did you have any idea what was that kid saying?" ang tanong ni Fran na naguguluhan dahil nakatutok dito ang ilaw.

She tried to ask her friends but even her friends didn't give any hint. Lesly give her a mic.

"What is this?" ang tanong ni Fran na hindi ginamit ang mic.

"I will give it to you tomorrow." ang sabi ni Lady. "Thank you everyone." patuloy na pagpapaalam pa nito sa lahat ng kanyang bisita.

Natapos ang programa sa malakas na palakpakan matapos magpasalamat ni Lady ngunit nakatayo parin si Fran at naguguluhan. Hanggang hinila na lamang ito ni Sofia para umalis na ng event center.

"What's wrong?" ang nag-aalalang tanong ni Sofia, naging kaibigan ito ni Fran sa highschool. Isang transfer student noon si Sofia, ang unang taong pinagtanungan at tinabihan nito ay si Fran kaya naman hanggang ngayon ay matalik paring magkaibigan ang dalawa.

"Naguguluhan kasi ako kay Lady. Wala akong ideya sa sinasabi niya." ang patuloy na litanya ni Fran na animo'y gulong gulo sa sinasabi ni Lady sa kanya.

"Wag mo na ngang masyadong isipin 'yon." ang sabi ni Laine na nakalabas na rin ng event center.

"Oo na nga. Sige na, bukas na lang tayo magkita-kita ng tanghali. Goodnight everyone." Matapos sabihin ito ni Fran ay niyakap niya sina Laine at Sofia. Samantalang, nagpaalam lamang ito kina Ran at Kenji.

Sabay-sabay na umalis na sina Laine, Sofia, Ran at Kenji papunta sa cabin ng mga ito. Samantalang, naiwan si Fran na nakatayo sa pintuan ng event center. Hinihintay nito si Lesly dahil sa schedules niya.

"The event was really good. Good job!" ang sinabi ni Fran sa sekretarya nitong si Lesly.

"Thank you, Ma'am." ang sabi ni Lesly na bahagya pa ngang nahiya sa papuri ni Fran.

"Ate Les, diba ang sabi ko tawagin mo nalang akong Fran. Antagal na nating magkakilala at kaibigan na rin ang turing ko sa iyo." ang sabi ni Fran kay Lesly na nakangiti lamang rito.

"Hindi parin ako sanay e." ang nakangiti paring sabi ni Lesly kay Fran.

"By the way, did the White called you about the meeting tomorrow?" ang pag-iiba ni Fran sa usapan nila.

"Yes, they told me that they will meet you by 8:30 in the morning tomorrow. They really need feedback before 10 pm this night because I told them that we have a big event today." ang propesyonal na sagot ni Lesly.

"Okay. I will meet White by 8:30 am tomorrow and please send Alicia to my friends and kindly explain that I will not come by 11. I need to meet someone, okay?" ang klarong sabi ni Fran.

"Okay." ang sagot ni Lesly.

"Please, take a rest. I need rest too. Goodnight!" ang paalam ni Fran.

"Goodnight! You did well today too!"  ang sagot ni Lesly.

Matapos magkapaalamanan ng dalawa ay dumeretso na sa cabin si Fran. Pagod nitong tinanggal ang suot na heels at mga alahas nito sa katawan. Umupo ito sa harapan ng salamin at isa-isang tinanggal ang kolereteng ikinabit nito sa kanyang mukha.

Nakapikit na ang mga mata ni Fran nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong sinagot nang hindi man lamang inaalam kung sino ito.

"Goodnight!" rinig ni Fran sa kabilang linya. Malakas na kabog ng dibdib ang pumaibabaw nang marinig nito ang boses ng tao sa kabilang linya.

Bago pa man makapagsalita si Fran ay agad na naputol ang tawag. Nagtatakang tinignan ni Fran ang kanyang telepono na 'no number' ang nakalagay sa huling taong tumawag sa kanya.

Hindi na ito inalintana pa ni Fran dahil iniisip nito na isa lamang ito sa mga scam at gustong makakuha ng pera mula sa kanya. Nakatulog naman ito nang mahimbing ng gabing iyon.

Villa Lilia Resort
September 18, 2018, 7:30 am

Nagising si Fran nang masikatan ito ng tirik ng araw mula sa babasagin salamin ng pintuan ng kanyang veranda. Una nitong tinignan ang orasan mula sa kanyang bedside table.

Nang makita nito ang oras ay agad siyang napabalikwas ng bangon at agad na pumasok ng banyo upang simulan ang kanyang paliligo.

Matapos nga ang ilang mga minuto ay lumabas itong nakabihis na ng kanyang kulay kremang blusa na nakapares sa kulay itim nitong pants.

"Are you ready?" ang pamungad ni Lesly nang makalabas si Fran ng cabin nito.

"Yes." ang sagot ni Fran.

"I was about to knock because it is unusual that you're almost late for your appointment." ang paliwanag ni Lesly na handa na nga talaga para sa pagkatok.

"Sorry, I miss my alarm. I can't remember what happen." Nagsimula na ngang maglakad si Fran papunta sa sasakyan nito. Sumakay ito sa driver seat at naiwan sa labas si Lesly.

"This is the contract that White Inc. want you to sign." Inabot ni Lesly ang folder na naglalaman ng kontratang nabasa na ni Fran noong isang araw pa dahil sa maagang pagpapadala nito sa email niya.

"Thank you, Lesly. Ikaw na muna ang bahala sa resort." paghahabilin ni Fran bago nito pinatakbo ang sasakyan nito. Binuksan naman nito ang radyo at nakinig ng mga worship songs habang sinasabayan rin niya ang bawat liriko.

Nakalipas ang ilang minuto ng byahe ay nakarating na nga sa isang Fancy Restaurant si Fran, kung saan nila napag-usapang magkita.

"This way, Mam." Sinundan naman nito ang babaeng nagdala sa kanya sa isang kwarto.

"Maupo muna po kayo, tatawagin ko lang po si Sir." Nagtatakang umupo at napatingin sa kwarto si Fran. Saradong kwarto kasi ito na may half circle na upuan at may lamesa sa loob. Sa unahan nito ay may full set up ng instrumento.

Ilang minuto pa ay bumukas na ang pintuan na nasa likuran ni Fran kaya naman napatayo ito at sinalubong ang taong pumasok rito.

"How are you doing, Ms. Moretz?" ang tanong ng taong nasa harapan ni Fran.

Hindi ito agad nakasagot bagkus, nanatili itong nakatayo at nakatitig lang sa taong nasa harapan niya.

(Until the next time 🌼 -AR)

Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon