Chapter 4

86 29 21
                                    

"What are you doing here, Lady?" ang sabi ni Fran na gulat na gulat pa rin.

"I just wanna make sure that you will receive my special gift." ang sabi ni Lady dito na abot langit ang ngiti.

"But you are not the person I will be meeting today. Aren't you?" ang paniniguradong tanong ni Fran.

She want to make everything fast. Naghihintay kasi ang mga kaibigan nito sa kanya.

"Yup, I'm not the one. The girl says she will be calling her sir, so I think I'm not that 'sir' she supposed to mean because unfortunately I'm a girl." ang pilosopong sagot ni Lady sa kanyang pinsan na si Fran.

"Okay. So, what are you doing here exactly?" ang tanong ni Fran.

"Sinabi ko na diba? I said, I just wanna make sure that you will receive my gift. Let's say it is a sorry and thank you gift." ang pilosopong sagot parin nito.

"Okay. I really don't understand. I'm here to meet the vice chairman of the White. How come this is related to your gift?" ang naguguluhan na talagang tanong ni Fran. She kept thinking about the contract with White Inc. She want to go back to resort as soon as she can but here she is, talking to Lady with some gift thing she mention yesterday night.

"See for yourself! This is my time to leave, he'll be here soon. Just wait for few minutes, I think he'll be late. Bye!" Bago pa nga makasagot si Fran kay Lady ay nakalabas na ito ng pintuan.

Muling umupo si Fran at saka nito pinag-aralan sandali ang kontrata, ngunit bumukas muli ang pintuan. Agad tumayo si Fran.

"What again? I'm here to meet---" hindi na naituloy ni Fran ang paglilitanya dahil kaharap niya ngayon ang taong hindi niya inaasahang makikita niya pa, pagkatapos ng mahabang panahon.

"Hi, you must be the owner of Villa Lilia Resort?" Nakipagkamay ito kay Fran na agad namang tinanggap ni Fran.

Hindi agad nakapagsalita si Fran, nasa harapan niya ang taong nagdulot sa kanya ng matinding sakit sampung taon na ang nakakalipas

"Yes, I'm the owner of Villa Lilia Resort." ang sagot ni Fran nang makahanap ito ng lakas ng loob.

Tila normal lamang na nagpunta sa kaharap na upuan si Ralph. Tila ba hindi man lamang nito namumukhaan o nakikilala ang dalaga. Normal nga kaya ang kinikilos nito o nagpapanggap lamang ito gaya ng ginagawang pagpapapanggap ni Fran.

"You can sit, Miss?" ang sabi ni Ralph kay Fran na sinadyang putulun aat titigan si Fran kung anong epilyido nito.

Takang-taka na naupo si Fran at nagpakilala.

"Moretz." ang sakay ni Fran sa normal na akto nitong tila hindi ito kilala.

"Sorry, do you mind if I ask you about someone with the same last name. I am really looking for this girl, Franchesca Moretz. Do you know her?" ang dire-diretsong tanong ni Ralph kay Fran. Hindi nito maintindihan kung niloloko ba siya nito o seryoso itong hindi siya nakikilala.

"Sorry but I'm here for the contract. I will be meeting Mr. Vergara today." ang pag-iiba ni Fran sa usapan.

"Oh yeah. Donald Vergara will not gonna make it today. So instead, I'm here. I want to meet you officially for the contract. By the way, I'm Ralph Daniel Flores, the current CEO and owner of White Inc." ang pagpapakilala nito sa sarili na ikinabigla naman ni Fran. Hindi sobrang laking kompanya ng White pero marami na ring mga branches ng hotel and restaurant ito around philippines.

"Nice to meet you again, Mr. Flores." ang magalang na sabi ni Fran.

"I'm sorry, do you mind if you tell me your whole name. All I know is you're Ms. Moretz and that's all." ang sabi ni Ralph.

"I'm Franchesca Moretz." matipid na sagot ni Fran dito.

Hindi naman maipaliwanag ang reaksyon ni Ralph nang malaman nito kung sino ang taong kaharap.

"Wait, ikaw na ba talaga 'yan?" ang nagtatakang tanong pa ulit ni Ralph na tila hindi parin makapaniwala.

"Wow. May camera ba dito at ganyan ka umakto? Di mo talaga ako namukhaan o nakilala man lang? Ang galing." sarkastikong sagot ni Fran. Hindi nito alam kung paano siya magbibigay ng reaksyon sa kinikilos ni Ralph.

Hindi nito maintindihan ang nararamdaman, halo-halong emosyon ang nadarama nito. Lalo pa ngang umusbong ang galit, inis at pagkagalak nito nang makita ang taong nagkulong sa kanyang sariling kaligayahan sampung taon na ang nakakalipas.

"Fran..." tanging pangalan lamang nito ang nasabi.

"I don't want to lose this contract as you can see, pwede ba tapusin na natin ito?" ang seryoso na ngang sabi ni Fran.

Nagulat si Fran sa sunod nitong ginawa. Tumayo ito at pumwesto sa harapan niya at bigla na lamang itong lumuhod at umiyak.

"Fran, I'm sorry." nakayuko nitong sabi.

"Para saan pa, Ralph? Ang tagal na 'non. Kalimutan na natin 'yon." ang naluluhang sabi ni Fran. Pinipilit nitong maging malakas ngunit parang mabibilis na kabayo sa karerang nag-uunahang tumulo ang luha nito. Tumingala ito at umiwas sa direksyon ni Ralph upang hindi nito makita ang pagluha niya.

"Fran, I'm sorry." ang pag-ulit ni Ralph sa paghingi ng tawad.

"Ah..ahh san..dali lang mag...magbabanyo lang ako, Mr. Flores." ang pagpapaalam ni Fran dito.

Nakatayo na ito at palabas na ng pintuan nang pigilin sa kamay ni Ralph.

"Sorry, Fran. Hindi ko nasabi sayo ang lahat. Sorry, kung iniwan kita. Sorry, kung di man lang ako nagpaalam sayo. Sorry, kung di man lang kita nabalikan. Sorry, kung di ko man lang nakita yung pag-akyat mo sa stage at pagtanggap ng diploma mo. Sorry, Fran. Sorry, kung di ko natupad lahat ng mga pangako ko. Sorry, kung di kita nasamahan sa mga birthdays mo. Sorry, kung wala ako sa tabi mo nung panahong umiiyak ka at tumatawa. Fran, sorry." ang paghingi ng tawad ni Ralph kay Fran. Hindi alam ni Fran ang gagawin. Patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung bakit kailangan niya pang muling makita ang taong nang-iwan sa kanya. Ang taong sampung taon niya nang pinipilit ibaon at kalimutan.

Ang buong akala nito ay napatawad niya na ito ngunit andami nitong gustong sabihin, andami nitong gustong isumbat ngunit tanging pag-iyak lamang ang kaya niyang gawin sa harapan nito.

"Big...bigyan mo lang.. ako ng oras, Fran. Ipapaliwanag ko ang lahat. Please, nag...nagmamakaawa ako sayo. Please!"

Destiny: Franchesca Moretz(ONHOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon