"Si sir Tristan daw ang kakanta sa isang araw! Kyaaah!" kinikilig na sabi ni Christine habang nagpupunas ng baso.

"Waaaaah! Eggzoited na akooooo! Haaaay... ang gwapo talaga ni Sir," sabi ni Clarisa na pinupunasan naman ang pinggan. Kanina pa siya sa pinggan na 'yan ah. Haay.

"He is sooooo perfect talaga! Magandang mukha tapos magandang boses? Kyaaah! Marunong din kayang sumayaw si Sir Tristan?" sabi naman ni Kim.

"Waaaaah! Nai-imagine ko si Sir!" nagtititiling sabi ni Christine.

Napatingin naman ako kay Clarisa na parang tutulo na ang laway.

"Girls, naiisip niyo ba ang iniisip kooooo?" biglang sabat ni Kim.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napaisip na rin. Parang may malaking ulap sa ulo naming lahat.

IMAGINATION:

Sa loob ng puting kwarto ay biglang pumasok si Tristan nang nakasuot ng white tux. Palapit siya nang palapit sa 'min.

Isa-isa niyang tinatanggal ang butones ng kanyang damit habang gumigiling. Sakto naman na nag-play 'yung Careless Whisper.

*gulp*

Naka-sando na lang siya ngayon.

Nakita kong pinagpapawisan si Tristan habang patuloy na gumigiling. Unti-unti na niyang tinatanggal ang damit niya hanggang sa lumabas ang maganda niyang katawan na parang inukit sa sobrang perfect! OMG!

*PLOK!*

"Pwede bang bumalik na kayo sa trabaho niyo?!" sigaw ni Ira sa amin.

"Waaaaah! Bakit mo sinira imagination namin?!" sabi ni Clarisa sabay pout.

"Eh kasi naman, oras ng trabaho ngayon, hindi para sa ganyan! At huwag nga si Tristan ang pagnasahan niyo. Balik sa trabaho, bilis!" pagsusungit ni Ira.

Ano ba naman iyan! Hindi ko naman iniisip si Tristan pero para lang talagang may powers ang tatlong ito kaya nakita ko rin 'yung mala-ulap na imagination nila.

"At ikaw! Magtrabaho ka, hindi puro tsismis ang inaatupag mo dito! Hindi por que si Tristan ang nagpasok sa 'yo rito ay pa-easy easy ka lang!"

"Nyenyenye," sabi ko.

Pwede ko namang sabunutan ang bruhang iyon eh. Hindi ko lang magawa dahil ayoko ng gulo. Nakakahiya naman kasi kay Tristan. Okay na rin ang ganito kasi nakakatulong ako kay mama. Bakit ba naman kasi ako pinanganak na mahirap?

Ang daya talaga! Oh, life!

Masasabi kong sobrang ayos talaga ni Ira sa trabaho niya. Mukhang okay naman siya kung titingnan, napakagaling nga niya eh. Iyon nga lang, sobrang arte niya pagdating kay Tristan. Hindi niya pinapansin ang ibang bagay pero pag-involve na si Tristan, saka siya nag-iingay.

Nang maubos na ang mga customers ay naglinis na kami para makapagsara na. Ilang minuto na lang siguro at dadating na si Tristan. Ganun kasi siya, lagi kaming pinupuntahan kapag magsasara na tapos chine-check 'yung buong restaurant.

Minsan, siya ang naghahatid sa 'kin pero minsan si Moo. Minsan nga pareho sila eh. Pero gamit 'yung car ni Nathan, nakikisiksik lang si Tristan. Trip daw niya eh. Hahaha!

"Good evening, sir!" bati nilang lahat pagdating ni Tristan.

"Good evening."

"Sir, bakit ngayon lang kayo malimit napunta dito? Dati naman sa bar ah?" pang-uusisa ni Clarisa.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!