Chapter 9-Battle Royal

14 1 0
                                    


"WWWOOOOWWWWWW!!!! Ang ganda!!! School pa ba ito???" tumakbo ko papasok saka sumilip sa mga bintana at nakitang nag-iisnow ang labas. "Ang galing, para tayong nasa ibang dimension." sabi ko  habang manghang-mangha sa nakikita. Gusto kong lumabas at damahin yung snow.

Grrr.. kaso hindi ako handa! So lamig!

Inalis ko ang tingin sa bintana saka pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto.

The room that we're in is so spacious, sobrang elegant rin ng designs ng interior which is hindi ko ineexpect. Since Battle Royal siya, expected ko madugo at nakakatakot ito. Yung may mga bungo tapos kandila at lampara lang ang mga ilaw, may kadiliman at malamig rin ang hangin. Pero ito, para kong nasa lobby ng isang 7 star hotel dahil sa mga chandeliers na nakasabit sa kisame, kumikinang rin ang sahig na akala mo gawa sa diyamante, may mga mukhang mamahaling paintings rin na nakasabit sa walls, bongga ang design ng ceiling at may mga human size sculptures na mukhang mga gawa sa mga rare na bato na nakatayo sa apat na sulok ng room na ito.

"WOOOOOOOOWWWWWW!!!" sabi ko. Tila nalimutang kaya ako nandito ay para makipaglaban kay Devil.

"That stupid Casper!!! He left this room like this again." biglang sabi ni Devil, "Oy another stupid. I didn't bring you here for you to be amazed. Tell me what type of wizard you are." sabi niya sakin.

Tch. Another stupid??? Grabe siya makatawag ah!! Edi siya na ang matalino.

"I really am!" biglang niyang sabi.

Shems. Nababasa niya nga pala ang laman ng isip ko, pero bakit ako hindi ko mabasa ang iniisip niya??

"I'm asking you. What type of wizard are you???" sabi niya at nakakunot-noo na, mukhang galit na talaga siya.

Pero type of Wizard??

Alam ko nabasa ko na yun eh.. ah oo dun sa Laurelia Guide Book na kasama ng uniform at schedules na ibinigay sakin ni Mother Daisy.

Una sa lahat ay may 6 degree levels of magic pero hanggang 5th degree lang ang itinuturo sa school:

1st degree: Basic Magic (ito ang foundation ng lahat ng magic at spells, the beginner's guide.)

2nd degree: Light Magic (intermediate magic, kung may basic of course merong intermediate.)

3rd degree: Heavy Magic (advanced magic, these are magics that involves huge amount of magical energy and concentration, from the word itself heavy, its harder than the 1st and 2nd degree. For example, growing of plants using magic only, summoning creatures and creating clones of oneself, kasama rin dito ang specialization at mastery kung saan field ka, either healing, creation of tools, medicines, inventions, potion makings, etc.)

4th degree: Elemental Magic (dito itinuturo ang limang elemento ng magic pero depende sa kung anong type ng elemento ka, sabi nila you will be tested para madetermine ito, usually malalaman mo kung ano ka pagtungtong mo ng middle school.)

5th degree: Extreme Magic (the 2nd to last degree of magic, it may be dangerous or helpful or deadly depende sa kung paano mo ito gagamitin. At ang training ay depende rin sa kung anong type of element user you are.)

The Greatest WizardessWhere stories live. Discover now