Chapter 1-The Letter

42 7 0
                                    

1

"ZIA!!!!" *knock! knock!* "ZIA!!!!"

Nagising ako ng marinig ang boses na tumatawag sa akin at kumakatok sa main door ng aming bahay. Agad kong sinilip sa bintana ng kwarto ko ang babaeng nagtatawag.

"Aling Rosa!" tawag ko dito mula sa second floor ng mamukhaan ang babae.

"Zia!!!! Pasensiya na kung inabala ko ang pagtulog mo, kailangan ko kasi ang tulong mo." may halong pag-aalala sa kanyang boses.

Saka ko napansin ang hawak-hawak niya sa kanyang dalawang braso, nagaatubili kong isinuot ang sweater ko at nagmamadaling bumaba saka ipinagbukas ng pinto si Aling Rosa. Pinapasok ko siya sa loob saka niya inilapag sa lamesa ang dala-dalang aso.

"Masigla pa naman siya nung nakakaraang-araw, at nakikipaglaro pa nga sa mga anak ko, pero nung sumunod na mga araw ay naging matamlay na siya at hindi na masyadong kumakain. Nag-aalala kami na baka napano na siya at iyon nga itinuro ka sakin ni Mang Carlos, nakakapaggamot ka daw ng mga hayop sabi niya." bakas na bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha para sa kanyang alaga.

Ngumiti ako kay Aling Rosa, "Ako pong bahala. Gagawin ko po lahat para magamot ang alaga niyo." Hinarap ko ang aso, "Hi, I'm Zia, may nararamdaman ka bang masakit sa iyo? Pwede mo bang sabihin sakin kung ano?" kausap ko dito.

Yes, ako si Zia short for Zaniah, hindi ako magaling sa spells, hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing gagamitin ko ang magic wand at magsasabi ako ng spell palaging palpak ang kinalalabasan, kundi salungat sa gusto kong mangyari, nagkakaroon ito ng sariling buhay at guguluhin ang lahat pero madalas pagsabog ang nangyayari, hindi ko alam kung bakit, pero may isang bagay na kaya kong gawin, I can talk with animals, I can hear and understand them, at ginagamit ko iyon para makatulong sa mga hayop na nangangailangan ng tulong.

"Hi Zia, ako si Ash, sobrang sakit ng paa ko dito," iniangat ni Ash the dog ang paang iniinda niya, "..Habang nakikipaglaro ako kay Carl, nakatapak ako ng tinik, pilit kong tinatanggal pero lalo lang bumaon. Matutulungan mo ba kong maalis iyon?"

"Oo naman, wag kang mag-alala kahit anong mangyari, tutulungan kita, para gumaan na ang pakiramdam mo at ng makapaglaro na ulit kayo ni Carl." Ininspect ko ang paa niya at nakita ang malaking tinik na nakabaon, kakapiraso na lang ang nakaangat kaya siguro bigla na lang siyang nanahimik at nanamlay dahil sa sakit na iniinda.

Kinuha ko ang mga gamit ko at namitas ng halamang gamot sa mga tanim namin ni lolo, "Pasensiya na kung medyo masakit 'to masyado na kasing malalim ang tinik." kausap ko kay Ash.

"Naiintindihan ko." -Ash the dog.

"Zia, totoo bang naiintindihan at nakakausap mo ang mga hayop?" tanong ni Aling Rosa.

"Opo."

"Totoo nga pala ang sabi-sabi dito sa bayan natin. Mabuti na lamang at naituro ka sa akin ni Mang Carlos. Maaari mo ba saking sabihin kung ano ang kundisyon ni Ash? Kamusta na siya, ano daw ang problema??" nag-aalalang tanong ni Aling Rosa.

"Nakatapak po siya ng tinik, at malalim na po ang pagkakabaon nito."

Tila namutla ang mukha ni Aling Rosa dahil sa narinig, napakaswerteng aso dahil katulad nila Aling Rosa ang nag-aalaga sa kanya. "Maaalis pa ba iyon? Pakiusap tulungan mo ang alaga namin, parte na rin siya ng pamilya namin. Sobrang sakit para sakin ang makita siyang nagkakaganyan.."

The Greatest WizardessWhere stories live. Discover now