Prologue - Starting Anew

10 0 0
                                    

WARNING: Formatting will erase ALL data on this disk.
To format the disk, click OK. To quit, click CANCEL.

Makakabisa ko na ang mga salita sa screen ng laptop dahil sa pakikipagtitigan ko sa pop-up window. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang binabalak ko. Naguguluhan na ako.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa baba ng screen.

11:33 PM
12/31/2014

Mag-iisang oras na pala akong nakatunganga sa ‘OK button’. Kinusot ko ang mga mata ko dahil sumasakit na ito. Napaunat din ako ako sa pagkakaupo ko.
Panigurado, mayamaya lang tatawagin na ako ni m—

“Jaime!” sigaw ni mama habang kinakalampag ang pinto. “Bumangon ka na d’yan!”

Iba talaga si mama, ang lakas ng radar. Naiisip ko pa lang ‘yung ikikilos n’ya, nagawa n’ya na agad.

“Mag-aalas dose na oh. Talo ka pa ng mga kapatid mo, kanina pa nagtatatalon d’un,” paglilitanya n’ya pa.

Tamad na nilingon ko ‘yung nakasaradong pinto.

“Opo. Bababa na rin po ako,” sagot ko sa tonong kunwari inaantok pa.
Tinigilan n’ya naman ang pagkatok nang marinig ang sagot ko.

“Bilisan mo at tumulong ka sa paghain ng mga pagkain.”
“Opo,” mahina kong sagot.

Narinig ko na lang ang na papalayo na ang yabag n’ya sa tapat ng kwarto ko. Muli kong ibinalik ang pansin sa laptop at napatitig ulit sa screen.

Ifo-format ko na ba talaga? nag-aalangang tanong ko sa sarili ko.

I-format mo na, move on na nga di ba? sabi nung isang bahagi ng utak ko.

‘Wag! Sayang naman ‘yung mga memories d’yan. Trust me, ‘pag naka-move on ka paniguradong tatawanan mo na lang ‘yung pinagta-type mo dyan, sabi naman nung kabilang bahagi.

Eh pano makakapagmo-move on kung palagi mong binabalik-balikan ‘yung mga entry dyan? Gusto mo bang forever nang ma-stuck sa past? depensa ng kabila.

Pag binalikan, stuck na agad sa past? ‘Di ba p’wedeng babalikan mo lang ‘yung mga katangahan mo para ‘di mo na ulitin?

So, kailangan may written evidence pa nang katangahan? ‘Di pa ba sapat 'yung stock mo sa memory mo

Iba pa rin syemp-

Napatayo ako at napasabunot sa buhok ko dahil sa pagkainis. Nababaliw na naman ako.

Ba’t ba nakikipagtalo na naman ako sa sarili ko? Lumakad ako palayo sa desk, palayo sa laptop.

Mali. Mas tamang sabihin na ba’t ba ang hilig kong makipagtalo sa sarili ko?

Napabuntong-hininga ako.

Bahala na nga! Wala naman akong mapapala kong patuloy kung itatago ang mga bagay na dapat nang kalimutan.

Lumapit ako sa desk at itinapat ang arrow sa ‘OK button’.

Okay. Hinga, Jaime, hinga. Napapikit ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Letters to JaimeWhere stories live. Discover now