Chapter LXXXIII: KOREAN RESTAURANT

Start from the beginning
                                    

"Guys, kung gusto nyong sumama tara na." Sabi ni Autumn.

Tumayo ako agad at saka ako sumunod sa kanila.

"What?? Sasama pa tayo?" Tanong sakin na mahina ni Clark.

"Sasama ako para bantayan si Elisha." Sabi ko.

"Naks!!" Sabi ni El.

Sabay sabay na kaming naglakad papunta dun. Medyo malayo din pala. Pero hindi naman nakakapagod yung paglalakad dahil puro naglalakihang mga buko yung matatanaw mo at napakalamig ng hangin.

"Ano ba yung restaurant na pupuntahan natin?" Tanong ni El.

"korean Restaurant." Sabi ni Autumn.

"Ah." Sabi ni El.

After ng ilang minuto, medyo natatanaw na namin yung Restaurant na may pangalan na "RAMYEON."

*ringggggggggggg*

*ringgggg*

Sabay sabay na nagtinginan sila Autumn,MM,at Elisha sa akin.

"Cellphone mo ata Ash." Sabi ni El.

Pagkakita ko, cellphone ko nga.

"Sige guys, mauna na kayo, sunod na lang kami." Sabi ko.

Sabay sabay naman na tumakbo sila Elisha,MM at Autumn papunta sa may Restaurant na halatang sobrang excited nila.

"Sino yan?" Tanong ni Clark.

"Si mommy." Sabi ko.

"Patay." Sabi ni Clark.

Videocall pala to. Sinagot ko rin agad.

"Hey mom." Sabi ko.

"I will be there on Friday." Sabi ni mommy.

"What do you mean?" Tanong ko.

"I will go back there in the Philippines." Sabi ni mommy.

"R-really????? B-b-bakit? Wala namang okasyon mommy." Sabi ko. Usually kasi kapag may okasyon lang umuuwi si mommy dito.

"Ayaw mo ba?" Tanong ni mommy.

"G-gusto po syempre." Sabi ko.

"Yun naman pala eh. And besides, I want to meet that girl na nababalitaan ko na malapit daw sayo." Sabi ni mommy.

"Gusto mo syang makilala mommy?" Tanong ko.

"Of course!" Sabi ni mommy.

"Okay mommy! I'm very sure na magugustuhan mo sya." Sabi ko.

"Haha, make sure!" Sabi ni mommy na medyo sarcastic.

"Yes of course." Sabi ko.

"Oh, where are you? Mukang ibang view yung nakikita ko ngayon ah." Sabi ni mommy.

"Ah yes,nandito kami sa Siargao mommy." Sabi ko.

"Ah...kasama mo ba yung Elisha?" Tanong ni mommy.

"Ah ye-"

"No tita! Kami lang tatlo nila El at Ash." Sabi ni Clark sabay agaw ng phone sa akin at saka nya pinakita yung paligid para maipakita na wala si Elisha.

"Oh..good to know. Okay okay, bye." Sabi ni mommy at saka na nya pinatay yung tawag.

Halata namang kinakabahan si Clark at El. "Bakit ka nagsinungaling?" Tanong ko.

"Hindi ba obvious Ash? Ayaw nga nya kay Elisha. And knowing na may babae kang dinedate, mas lalong kumukulo yung dugo ng mommy mo dahil ang gusto nyang maging girlfriend mo eh yung sobrang yaman din." Sabi ni Clark.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now