Chapter 23

5 0 0
                                    

Heto na naman po tayo sa time lapse. Sorry po, pero needed lang po siya netong panget na Georgina na 'to para mag-heal yung sugat na dulot ng kalandian nila ni Cam. Hahahaha. Anywaysss.....

-------- ❤ --------

10 months later...

Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip ng kung anu-ano. May report ako bukas. Well, hindi naman talaga ako ang gagawa nun originally pero iniwan ako sa ere ng ka-team kong si Yuan. Siya dapat yung reporter namin eh. Baklang yun, nagdahilan pang inatake ng asthma para makapag-absent ngayon. If I know, hindi lang niya napaghandaan yung irireport niya kasi mas inatupag niya pa yung boylet niya. Sa kanyang apartment daw kasi muna tumutuloy yung boyfriend niya for this week kaya andun ang buong atensyon at time niya.

Pasalamat talaga siya hindi ako traydor na kaibigan.

On my way to work ay nagreply muna ako sa text ni Jared. He's wishing me good luck.

Anyways, kami na ni Jared. Sinagot ko na siya, nung hinatid niya ako sa bahay pagkagaling namin sa family dinner with his whole family.

He has a joyful clan. Masaya sa bahay nila, nakadagdag sa saya ang mga pamangkin niya sa kuya niya na sa kanilang bahay tumutuloy. Makikita mo talaga kung gaano sila ka-close na pamilya. And very God-fearing.

Dumaan muna ako sa isang coffee shop na halos katabi lang ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Dito ako madalas pag hindi maganda ang mood ko sa umaga.

Kuya Anton welcomed me with heartful smile.

"Good morning, kuya Ant," pabirong bati ko bago lampasan siya.

"Good morning, ganda," he replied.

Yun na talaga ang tawag niya sakin. Siyempre, sjno ba naman ako para umangal. Totoo naman yung sinabi niya eh.

Kahit di ako pumapasok dito sa coffee shop ay nagbabatian parin kami ni kuya Anton kasi dito ako laging dumadaan araw-araw.

"Ang honest nito," tatawa-tawang sabi ko. Tinawanan niya lang ako.

Dumiretso na ako sa counter at um-order.

"The usual, George?" tanong ni Finn.

And yes, it's the Finn na kaibigan ng kaibigan ko.

Nginitian ko siya. "Ikaw na rin pala nagkakahera ngayon?"

He just shrugged. "What can I do? Life gave me lemons, so better make lemonade."

Natatawang hinampas ko siya. "Ayusin mo nga yang jokes mo minsan. Di kami natatawa sa laman ng joke eh. Natatawa kami kasi walang kasense-sense. Pinalaki ka naman siguro nang maayos ng mga magulang mo. Wag mo naman silang ipahiya."

Sinimangutan niya lang ako habang may kinakalikot sa harapan niya. "Alam mo George, napansin ko lang. Tahimik na babae ka naman, pero bakit pag inuukray mo ako, humahaba yung mga linya mo?"

"Naks! Rhyme yun, sir ah!" malakas na kantiyaw ni kuya Anton.

"Aba, siyempre, kuya Ant. Flip-Topper kaya to!" Paangas na sagot ni Finn.

Natawa naman ako sa 'Flip-Topper' niya.

Hindi naman kami close ni Finn eh. Ni dati nga, kahit alam kong kaibigan siya ni Cam, hindi naman kami nagkakausap. Nagkataon lang talaga na nabili niya ang pwesto na to a month after kong nag-start ng work. Naging suki na ako sa coffee shop na to ng ilang weeks bago ko nalamang siya pala ang may-ari nito. Simula nun ay madalas na kaming nagkakausap pag natambay ako dito. Mostly ay about sa mga kalokohan nila ni Cam nung college. Yung mga kalokohan nilang hindi kinwento sakin ng dakila kong kaibigan.

And here I thought wala yung tinatago sakin.

"Bukas na nga pala yung kasal ni Tylan, George. Punta ka ha. Magtatampo yun pag di kayo nakadalo."

Tumango ako. "Of course."

Marami na ang nagbago after we all graduated. First of all, yung samin ni Cam. Yes, we're still friends. Nothing will change that. Pero kung dati dikit na dikit kami, ngayon may kunting space na. Mabuti na rin siguro to nang magkaroon naman ng space sa buhay namin ang ibang tao. But I admit I miss him. So damn much. OA pero totoong iniyakan ko yan ng ilang gabi. Naninibago ako na wala siya, knowing that he's a city away and ilang buwan pa bago siya makauwi. Umuwi naman siya nung pasko at new year. Nagkausap kami. Nandun pa rin yung awkwardness pero iniignore nalang namin and pretended like we're both okey in this setup.

And yun nga, ikakasal na si Tylan.  She met the girl just recently. Hayun, nagkainlove-an daw agad as what Finn told me. Actually, magkasosyo sila ni Tylan sa business nilang coffee shop. Pero doon sa isa pang branch nila lumalagi si Tylan kasi tagadoon yung fianceè niya.

And oh have I mentioned that Kim and Cam are still together? Yeah, it's record-breaking, I know.

I wonder if pupunta din ba sila sa kasal ni Tylan. We barely talk these days. We're both busy and halos wala nang time para makipagkumustahan. Kahit nung first week na wala siya, hindi kami halos nag-usap. Simpleng 'good morning', 'kumusta diyan?' Mga ganun lang. Sa pagkakaalam ko ay di naman sila close ni Tylan but for old time's sake, I think mas mabuti kung pumunta siya. Siya. Di na niya kelangang isama yung girlfriend niya.

Muntik na akong ma-late pagpasok ko sa office. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Finn. Naghanda na agad ako para sa presentation pagdating sa cubicle ko. Hindi lang naman kasi ang mga heads ang kompanya ang kaharap ko, dahil nandun rin ang may-ari mismo. Yung presentation ko lang naman ay about sa current stock sales namin, with suggestions and ideas on how to improve our sales in the market.

I think okey naman yung kalabasan ng report ko, ang totoo nga niyan, the owner congratulated me and said I have to work on those ideas immediately.

"Gagi ka talaga, Bench," away ko kay Bench when he reported to work after lunch break. "Ano ba kasing nangyari na naman sa 'bahay' niyo?" I made quotation with my fingers at the mention of bahay. Kasi ayon pa nga kay Bench, bahay nila yun ng boyfriend niya, which in fact is just an apartment. 

"Hay. Pano kasi, nag-away kami kagabi. Nagseselos na naman kasi eh," sagot niya habang inilalagay ang bag sa table niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At siya pa talaga ang nagselos ha?"

"Abah! Siyempre naman. Mahaderang 'to, anong akala mo sa love niya sakin? Puppy love? True love yun, lol!"

Natawa ako, nang may na-realize...

"Tawa ba yung 'lol' mo or you were actually calling me ul--"

"I love you, George!" Pinutol niya ang sasabihin ko at hinila ako for a tight hug. A very very very tight one na halos hindi na ako makahinga.

"Luhh. Nagiging lesbian ka na, Bench?" Tatawa-tawang bulalas ko at inalis siya sa pagkakayapos sakin. Yapos talaga eh no.

Nagpumilit pa siya na sa labas na daw kami magdinner after work kaya hayun, napatuloy kami sa City's Grill. Tumutol pa ako nung um-order siya ng isang bottle ng beer. Mapilit kaya wala na rin akong nagawa. Pinagbigyan ko na kasi alam kong may pinagdadaanan din ang isang to. Baka gusto lang makalimot.

I lost count after my fifth glass and an hour of him whining about how messed up his life was. Alam ko sa sarili kong di ko na kayang umuwi. I can barely stand on my feet, let alone drive home. At this hour. Anong oras na nga ba? Mukhang gabig-gabi na. Well, I won't mind spending a night here. Kaya ko namang matulog nang nakapatong lang ang ulo sa mesa. Gawain ko yun nung high school eh.

Ang kanina pa nagtatatalak na si Bench ay pinapaypayan na ang sarili. With my not-so-focused vision, I watched him reach for the 3rd bottle of beer na nangangalahati na ang laman.

"Girl, antok na ko," mahinang sabi ko kay Bench habang nakalapat na ang isang pisngi ko sa mesa.

"Gaga. Uwi pa tayo," he laughed at tinungga ang laman ng bote.

And that was my last memory of last night before I drifted to sleep.

Cam and GeorgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon