Chapter 18

5 3 0
                                    

Hi, my name is Jelly hikhikhik. Love you, Cam 😘 'Wag ka nang magalit kasi

----------- 😠 -----------

"Mukhang close na kayo agad ni Nick ah?"

Nilingon ko ang dakilang kaibigan ko na nakakainis na ang amoy ng hininga kasi nakainom din siya. He's very much sober naman kaso ayaw ko talaga ng amoy ng alak.

Kinuha ko kasi ang phone ko sa sasakyan ni Cam. Di ko namalayang sumunod pala siya.

"I like him. Masarap siya kausap 'tsaka... basta nakakatuwa lang talaga siya," nangingiting sabi ko at kinuha na ang phone ko na nasa dashboard at isinara na ang pinto ng kotse.

Isa lang naman ang lagi kong kausap kanina pa eh. But come to think of it, 'di ko man lang natanong ang pangalan niya.

"Nick pala pangalan niya?"

Nakasunod siya sakin habang pabalik kami sa resto. Ba't biglang naging tuta ang isang 'to? Sunod nang sunod kahit sa'n ako magpunta.

"Yes. And may girlfriend na siya."

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Muntik pa niya akong mabangga kasi di niya napansin ang paghinto ko sa harap niya.

"So?" Nakataas na ang kilay ko niyan. Eh sa nainis ako sa sinabi niya eh.

"So?"ulit niya sa tanong ko.

Alam kong alam na niya by now na naiinis ako. "We were just talking. Hindi ko naman siya aagawin sa girlfriend niya for Pete's sake!"

Padabog na iniwanan ko siya. "Of course."

I plastered back a smile nang makarating ako sa kumpulan nila. Tylan and another guy was busy sa pamimingwit. Lumapit ako sa kanila.

"Oy, George. Andiyan ka pala," nakangiting sabi ni Tylan. "Malapit na daw dito si Jared."

Jared? Iisa lang ba ang Jared na kilala ko sa kilala niya?

"Jared?" Naisaboses ko. "You mean Jared Talens?"

"Yes. Ah hindi mo nga pala alam. We're cousins. Siya rin ang dahilan kaya 'di ko na naituloy ang panliligaw ko sa'yo," sabi niya na napakamot pa sa ulo. There's also a hint of blush on his cheeks.

Napatango-tango na lang ako. Walang nababanggit si Jared sa akin. And papunta na raw siya dito? Alam ba niyang nandito ako?

Umupo ako sa tabi ni Tylan. Nakalawit lang ang mga binti namin pero di naman enough para mabasa kasi may kataasan din ang sahig nito mula sa tubig-dagat.

"So totoo nga talagang nililigawan ka na ni Jared?" tanong ng katabi ni Tylan. Again, I don't know the name of this guy.

Ramdam ko ang init ng pisngi ko lalo na't nakatingin sila pareho sakin. I was hearing 'Kruu kruu...' na kasi pakiramdam ko nakikinig na rin yung mga nasa likuran namin kasi biglang nagsisitahimik. Problema ng mga to? Ang lakas naman kasi ng boses ng lalakeng to eh.

"Uh, that's what he said," napayuko na ako. Nakakahiya. Nagkunwari na lang akong tumitingin-tingin sa mga isda sa ibaba namin.

"Wow. No offense meant, George, ha pero akala ko talaga di lalake ang type mo."

Napanganga ako at napatingin sa kanya. Did he think I'm lesbian? Ganun ba ang tingin ng mga lalake sa akin? WTF. Di ko alam.

"What?! How could you bro?" Tylan exclaimed. "Ang ganda naman ni George para mapagkamalan mong ano."

"Wait- let me explain," depensa nung lalake na itinaas pa ang dalawang kamay. "Sa room kasi namin, pag may mga blockmates kaming nakiki-'hi' sa'yo through Cameron, he'll always say 'Di kayo type nun. Iba type nun'," sabi niya with exaggerated gestures pa na ginagaya si Cam. "You know how guys think when they're all together. We thought girls ang type mo. At saka idagdag pang you've never been in a relationship with any guy before. So yun nga. Sorry ha, hope you're not offended."

Cam and GeorgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon