Chapter 11

9 2 0
                                    

--------- 👄 ---------

"Habang tumatagal, lalong sumasarap..."

Nilingon ko ang mga katabi ko habang nagla-lunch. Tiningnan ko nang masama si Miggy, kaklase ni Cam na sumama saming mag-lunch. "Ang bastos ng bibig mo, Mig."

At sumubo ulit ako ng kanin.

"Anong bastos dun? I was just singing. Tsaka commercial lang naman yun ng beer ah."

Umingos ako. Alam naman naming tatlo na may ibig sabihin yung kinanta-kanta niya. How did I know? Right now, they're talking about some S scandal na kumakalat sa facebook. Lasing daw kasi yung girl tapos hayun nga.

I also heard na pinasa ni Miggy yun sa group chat nila sa klase and syempre nakita na rin yun ni Cam. Ang kaibigan kong ito pa? Eh di pa nga yata masyadong kumakalat sa SNS eh may copy na siya ng mga yun.
Ang mamanyak.

"Ses. Ito naman. Akala mo di ko alam na nanonood ka ng mga ganun gabi-gabi. Abot pa hanggang kwarto ko yung mga ingay ng phone mo. Di ka man lang nag-abalang mag earphones," pasaring ni Cam.

Nanlaki ang mata ko. What the heck! Nakakahiya. Baka akalain ni Miggy totoo yun.

"Seryoso?!" sakay ni Miggy  sa sinabi ni Cam.

Kaya pinaghahampas ko sa braso si Cam nang malakas. Kung anu-anong pinagsasabi eh. Grabe naman yubg iwas niya.

Natigil lang kami nang tumikhim si Miggy. May ininguso siya sa may gilid ko. Nang lingunin ko, muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko sa gulat. Napatayo ako.

Jared?!

"Uhm... Hi?"

"H-Hi!" Ngali-ngaling umupo ako ulit. Ba't nga ba ako tumayo?

Siniko ako ni Cam. Ah! Napaka-rude yata ng asta ko. Kaya tumayo ako ulit.

Dinig ko pa ang mahinang tawa ni Cam.  Dapak!

"Can I talk to you for a minute?"

Kruu kruu kruu....

Yah. Parang ganun na yung background namin kasi biglang tumahimik. Pati nga yung mga nakaupo sa tabing mesa namin eh nagsisitigil. Sino bang mga to? Di ko naman kakilalang mga yan, grabe kung maka-react.

"Uh sure," sagot ko tsaka tiningnan ang plato ko. Tapos na pala akong kumain. Tumayo ako at tinanguan na lang sina Cam at Miggy na mukhang bigla ring nagseryoso.

Siguro nagtataka rin sila kung bakit biglang gustong kumausap sakin si Jared. Si Jared na walang kamalay-malay na pinapakilig na niya ako sa mga sandaling ito.

Dun kami napadpad sa may mga bench sa ilalim ng malaking Acacia, malapit sa may fountain. Sinenyasan niga akong maupo saka siya sumunod. Ang gentleman, besh!

"So...," naapakamot siya ng ulo, parang nahihiya. "I'm sure nagtataka ka kung bakit bigla-bigla na lang akong nakikipag-usap sa'yo--- wait, do you stil remember me?"

Mahina akong natawa. Seriously? "Of course, silly. Hindi naman ako ulyanin."

Yes, once lang kami nagkausap. Nung pareho kaming nalate at napunished. Magkasama pa nga kaming naglunch nun. Minsan ko lang siyang makita. Maybe because I sit in the first row in class and I don't give attention to the people behind me tsaka after class ay ako ang laging nauunang lumabas kasi ako ang pinakamalapit sa pinto.

"Yes of course," he chuckled at napakamot ulit sa ulo. "Uhm gusto lang sana kitang iinvite sa 18th birthday party ng sister ko. Everyone needs a date and.... Well, will you be my date?"

Cam and GeorgeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum