Chapter 13

20 3 0
                                    

---------- 👄 ----------

"May gusto ka bang bilhin?" tanong ni Jared habang naglalakad kami sa loob ng MoA. "We can stop by. Two hours pa naman bago magsimula yung show eh."

Napaisip ako. Sakto. Matagal ko nang pinag-isipang bibili ng isang set ng sketching pencils. Yung brand na nakita ko online. Nabasa ko kasing maganda ang quality nun at may kakaibang effects pag b-in-lend.

Manonood kasi kami ng concert ng Why Don't We. Turned out may tickets pala si Jared para dun na bigay ng isang pinsan niyang addict dun sa boy group. Pero mamaya pa magsisimula kaya gumala muna kami.

Sinabi ko sa kanya ang balak kong bilhin kaya naghanap na kami nun.

Masayang kasama si Jared. Honestly, hindi ko pa rin mapaniwalaang umabot kami sa ganitong stage: yung gala-gala together. I have never hang out with a guy before except kay Cameron. Pero iba naman pag si Cam ang kasama ko kasi kaibigan lang kami. Kaya ngayon ko lang na-experience ang ganito.

Kinikilig ako in everything he does na hindi niya namamalayan. Like tumitingin ako sa mga display na nadadaanan namin to the point na hindi ko pansin kung may makakabangga na pala ako. He'll take me to his side and say, "Careful, George."

I know. May pagka-tanga-tanga ako kaya kelangan ko talagang mag-ingat but the way he says it, he's like telling me he doesn't want me to get hurt and all. And minsan ay napapasulyap siya sa akin at ngingiti lang.

I remember that time nung nasigawan ko siya during our Math exam. I can't believe umabot kami dito ngayon. Siguro dahil sa araw-araw kaming magkatext kaya feeling namin kilalang-kilala na namin ang isa't isa kahit 3 weeks pa lang simula nung debut ni Katie, kung saan nagsimula ang texts at tawagan namin.

"Red, remember that time during our Math exam?" I asked randomly habang namimili ako ng mga klase ng lapis.

"Yes, how could I forget that? That was the first time you looked at me, George."

Parang may biglang nagtatatakbong mga daga sa tiyan ko sa  sinabi niya. Though it wasn't really the first time na tumingin ako sa kanya kasi matagal ko na siyang crush. Ilang taon na. But yung time na yun ang nagkatinginan talaga kami at malapit pa.

Pero hindi ko na siya tinama dun kasi nakakahiya. Malalaman lang niyang matagal na akong palihim na tumitingin sa kanya. That will surely freak him out and he'll realize how creepy I can get at times.

"I didn't get the chance to say sorry dahil dun. Kaya sorry. I didn't really mean to yell at you. Frustrated lang talaga ako that time and weird noises really breaks my concentration and focus. Pasensya na talaga, Red."

Ngumiti lang siya at medyo nawala yung mga mata niya. "It's okey. Hindi naman talaga kelangang mag-sorry ka sakin cuz if any, you just made my day brighter that time."

Hindi tuloy ako nakasagot. Ibig ba niyang sabihin...?

"I hope this won't freak you out but I really found you cute nung galit na pinagsabihan mo ako tapos biglang nag-iba yung expression mo nung nakita na ako yun."

I bit my lip. Nakakahiya. Napansin niya pala yun noon.

"And you did that," parang natatawang itinuro niya ang bibig ko. I let go of my lip.

"You were biting your lip like you were caught red-handed. You really amused me."

Napayuko ako. Nakakahiya.

Na-sense niya yatang nahihiya ako kaya nag-iba siya ng topic. "I didn't know you like sketching."

Hayun. Napagkwentuhan namin ang hobby kong pagdo-drawing. Hanggang sa nakita ko na yung set na hinahanap ko at binayaran na yun sa counter.

Cam and GeorgeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu