Chapter 6

19 4 0
                                    

-------- 👄 --------

"Hey, everyone!" Masiglang bungad ko pagkapasok ko ng bahay.

Sinalubong ako nina mama, papa at kuya Luigie ng yakap. "Happy birthday, George!"

Ito naman... Kala mo di kaming lahat nagkita-kita kaninang umaga.

"Thank you!" Ngiting-ngiti na sabi ko. Isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi. "Thank you!"

It's good to know that my family is happy that I was born. Hindi lahat ganun ha. Yung iba nga iniiwan ng pamilya sa ampunan, yung iba naman pinapalaglag.

"Magbihis ka na dun. Dadating na ang mga bisita maya-maya."

Natigilan ako sa sinabi ni mama. Di ba napagkasunduan na namin kagabi na walang party na mangyayari? Napatingin ako sa paligid ng sala namin. Di naman nag-ayos si mama, except sa napalitan ang curtains. But all-in-all, walang sign na may party.

So anong bisita ang sinasabi niya?

"The Whites will also be here to celebrate with us, honey," dagdag pa ni mama, na tila nabasa ang nasa isip ko.

"Oh." Of course.

Pagkaakyat ko ng kwarto ay agad akong naligo at nagbihis ng disenteng damit. Usually kasi, pajama na agad ang suot ko pagkauwi. But this isn't just an ordinary day, may bisita kami.

Isang minuto ko ng tinititigan ang sarili ko sa salamin pero parang di naman bagay sa kin tong white knee-length dress. Or should I say, I'm not comfortable in it. I'm never comfortable wearing dresses. You see, I'm a 'shirt and jeans' type of girl. This dress I'm wearing is actually the gift from last Christmas galing sa mama ni Cam.

Ugh! I look so ugly in this outfit! Makapag-jeans na nga lang.

"George!"

That. Cam. The voice came from his window opposite mine.

"What?" I answered, still facing my mirror.

"Buksan mo yung bintana mo. I'll show you something. Important"

"I'm actually in the middle of doing something more important." I said back, giving emphasis on the last two words.

Binuksan ko ulit ang closet ko at naglabas ng pair of jeans at yellow blouse.

"George, come on! You have to see this!"

Ughh!

"Sandali lang!"

Mabilis na ibinaba ko ang zipper ng dress sa likod ko para hubarin pero di umabot sa kalagitnaan yung zipper nang tumigil yun.

"Fudge!" Naipit yata yung tela.

Iniharap ko ang likuran ko sa salamin but duhh... Namimilipit na ang leeg ko, di ko man lang makita yung zipper.

"Damn!" Nausal ko. Kinapa ko pero ayaw matanggal sa pagkakaipit nung tela.

"You alright?"

Sinubukan kong hubarin ang damit kahit di pa nangangalahati ang pagkakabukas ng zipper. But it wouldn't work.

"George!"

Di ko na nasagot si Cam. At nagpapanic na rin ako. He'll just insist na buksan ko ang bintana ko.

He can't see me like this! Yes, we're bestfriends and all but he have never seen me in a dress and such girly clothes. Kukutyain lang ako nun.

Tumakbo ako papuntang banyo. Pero napatigil ako sa may pinto ng banyo ko. What the heck would I do in the bathroom?

Cam and GeorgeWhere stories live. Discover now