Chapter 7

6 2 0
                                    

------- 👄 -------

"Anong nangyari?" Bungad ni mama pagkapasok niya ng room ko. She smiled nang mapasadahan ako ng tingin. "You look so lovely! I told you so, bagay na bagay yan sayo."

Nilapitan niya ako sa kama. At hinanap agad ang zipper sa likuran ko.

"Cam told me na nastuck yung zipper ng damit mo. I didn't know it's this dress."

Di ako nagsalita. Wala ako sa mood magsalita. Siguro napansin ni mama yun kaya di na siya umimik pa habang kinakalikot ang zipper. Ganun yata talaga ang mga mama, madaling nakakabasa ng anak.

Nang matanggal na ang pagkakaipit nun ay nagpaalam lang ako kay mama at dumiretso ng banyo para magbihis.

Yung black jeans at yellow shirt na kinuha ko kanina ang isinuot ko. Paglabas ko ng banyo ay nandun pa rin si mama, nakaupo sa kama ko.

Nag-iwas ako ng tingin. "Nandyan na po ba sina tita? Susunod na po ako."

"Nag-away na naman kayo ni Cameron?" she asked instead.

Umiling lang ako.

I heard her sigh then tumayo. "Alright, hihintayin ka namin sa baba."

Tango lang ang iginanti ko. Nang makalabas si mama ay nag-ayos ako.

Di na ako nagsuklay, ipinusod ko lang ang buhok ko in a bun. Powder... 2 sprays of perfume...then I'm done. Yes, ganito ako mag-ayos.

I took a deep breath bago lumabas ng kwarto ko. Kinakabahan ako. I don't know how to face Cam considering na iniisip niyang pinag-iisipan ko siya nang maniac just because he tried to fix my clothes. Nakakainis lang kasi di niya ako pinagpaliwanag. Tapos magko-conclude siya ng kung anu-ano.

Natagpuan ko silang lahat sa sala. When I say lahat, I mean lahat, kasama na sina tita Belle, tito Feb, at si Cam.

So he decided to show up still? I sighed, maybe in frustation...or maybe in relief.

"Georgina, hija!" Agad tumayo si tita Belle nang mamataan ako at sinalubong ako ng yakap. "Happy birthday, Georgina! Gosh, ang laki-laki mo na," sabi niyang kumalas sa yakap at pinasadahan ako ng tingin.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa ginawa ni tita. I chuckled.

"Tita Belle talaga...para namang ang tagal-tagal nating di nagkita. But anyway, thank you."

Si tito Feb naman ang yumakap at nag-greet sakin. Di lang pala ang pamilya nina tita Belle ang nandito, narito rin yung iba pa naming kapit-bahay. Isa-isa nila akong binati at pinapasalamatan ko lang sila.

Lumipat kaming lahat sa pool area dahil dun nilagay ang mga pagkain. Nakita namin dun si kuya Luigie na naggi-grill. Nilapitan agad siya ni Cam para tulungan.

Gosh, ha. Nandito nga siya pero di naman na niya ako pinapansin. Galit ba talaga to?

Wala namang naglakas-loob lumusob sa pool. Takot lang nilang manigas sa lamig. Maggagabi na rin kasi.

"Naku, 'wag mo nga akong pinaglololoko,mare," narinig kong tawa ni tita Ellen, isa sa mga kapitbahay namin. "Sa ganda ba naman ng dalaga mo, imposibleng walang manliligaw yan."

Aissh. Ba't ba nila sinasabi yan?

Inilibot ko na lang ang paningin sa paligid. Nasa mesa sa poolside sina papa at tito Ferb na nagtatawanan. Sina mama naman at tita Belle, tita Ellen at tita Elise ay nasa katabing mesa nina papa pumwesto.

Sina kuya naman at Cam ay abala sa pag-iihaw at nagtatawanan pa. Panaka-nakang tumitingin ako sa gawi nila. I feel guilty.  Kasi naman eh, kung pinag-explain niya lang ako...

Cam and GeorgeWhere stories live. Discover now