Chapter 20

7 0 0
                                    

I smell something fishy in here. Parang may alam na ako sa mangyayari. Magbibigay na lang ako ng babala para sure. Ehem ehem. Ang susunod na mga kaganapan ay rated SPG. Ito ay maaaring may halong Sekswal (eherm! Friends lang po sila. Mga green-minded na 'to), horror (ay oo! Yung eyebag ni George napaka-horror hikhikhik) o droga na hindi angkop sa mga batang nagbabasa. Ay wait- baka nga nag-aadik na  'tong dalawang 'to! Lagot!

---------- 😈 -----------

Nasa hapag na silang lahat nang bumalik ako ng bahay, nakasunod naman sakin si Cameron.

"Someone is joining us for dinner," sabi ko habang umuupo. Tumabi naman si Cam sakin.

"Uh, no. Actually, nagdinner na ako sa labas," pigil niya nang abutan ko siya ng plato.

"Galing nga kasi sa date, George. Siyempre busog na tong kaibigan mo. Palibhasa, hindi mo pa nasubukang makipag-dinner date," kantiyaw pa ni kuya sakin.

Kita mo tong isang to, aalis na nga't lahat, nang-aasar pa.

"Excuse me, maraming beses na kaming nagdinner date ni Jared, no," depensa ko.

"Isang beses ka lang nagpaalam sa amin ah," sabi pa ni papa.

Tuloy, sa akin nabunton ang kantiyaw nilang lahat. Pati sina mama ay tawang-tawa kasi pinagalitan ako ni papa. Lumalabas daw ako kasama ang manliligaw ko nang di nagpapaalam. Sa susunod daw, magha-hire na siya ng secret bodyguard para bantayan ako.

"Secret bodyguard? May ganun ba pa?" Natatawang tanong ni kuya.

"Abah oo naman. Yan yung bodyguard na hindi obvious kasi patago ka lang na babantayan. Aba, hindi na pala kayo updated sa mga trends ngayon?"

Lahat kami natawa sa sinabi ni papa.

Si kuya Lue naman ang tinadtad namin ng mga tanong. Nang makorner namin siya about sa girlfriend niya ay hindi na siya nakaiwas. Napilitan na siyang ikwento kung pa'no niya nakilala si Gabi. Dati kasi, namention niya habang magka-chat kami sa messenger na may cute daw siyang officemate. Kilos lalake nga raw kaya di niya type. Pero lagi naman niyang sinasali ang pangalang Gabi tuwing nagkukwento siya ng mga happenings sa trabaho niya. Kaya alam kong may something.

So apparently, niligawan niya na pala nang palihim yung si Gabi. And sinagot na raw siya ng palihim. Kaya ang nangyari, yung relasyon nila ngayon ay palihim lang rin daw.

"Hanep talaga dumiskarte tong si kuya," kantiyaw ko.

Nagkatawanan kaming lahat.

Mag-aalas diez y media  na nang nagsiakyatan na kami sa mga kwarto namin para matulog. Pagkatapos kasi ng hapunan ay itinuloy namin ang kwentuhan sa sala habang naglalaro kaming tatlo nina kuya Lue at Cameron ng board game at nanonood naman sa amin sina mama at papa.

Pagkaakyat ay tumungo agad ako ng banyo para makapag-half bath at nagbihis na rin ako ng pajamas ko.

Nang bumalik ako ay naka-on na ang TV at nanonood na ng palabas si Cameron. Yung shirt niya ay nakasampay na sa isang silya sa tabi ng study table ko.

"Hey, bawal ang pakitaan ng balat dito, bata," saway ko at initsa pabalik sa kanya ang damit niya.

Ngumiwi lang siya na parang bata. "George naman. Ang init eh. Hininaan mo yata ang aircon."

"Hoy, kung ganyang reklamo ka nang reklamo, umuwi ka na lang sa inyo. And FYI, ang lamig nga dito. Feeling ko nga negative na yung temperature."

"Seryoso ka? Tingnan mo nga't  pinagpapawisan ako't lahat o," turo niya pa sa katawan niya.

Cam and GeorgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon