Hindi na sila naimik pa hanggang sa nag-bell na lang ang breakfast call. Unti-unti silang nagsialisan habang ako ay nakahiga parin. Iniisip at pinagkokonekta ang mga pangyayari noon at kahapon.

Base sa nangyari kahapon, puno ng galit si Sehun. Hindi ko masisising hindi siya magalit dahil sobrang bigat ng nangyari noon, sobrang laking gulo ang ginawa ni Sara. Kahit ako ay sobrang laki ng galit kay Sara dahil siya lang naman ang tumibag sa matibay na pagkakaibigan naming labing-dalawa. Siya ang dahilan ng pagkakahati ng eskwelahan sampung taon na ang lumipas. At siya... siya ang dahilan upang maging mortal na magka-away ang magkapatid na Sehun at Kris. Pero ang ipinagtataka ko ng sobra, mahal na mahal ni Sehun si Sara na kahit kapatid niya ay kaya niyang itakwil para lang rito. Mahal ni Sehun at Sara ang isa't isa pero bakit... bakit kahapon iba ang naging ihip ng hangin? Dahil ba nasira silang magkapatid at siya'y iniwan kaya siya galit rito? Pero kung ganoon, mapapatawad niya si Sara... sobrang mahal niya ito. At isa pang pinagtataka ko, ay bakit hanggang ngayon, nagpapakatanga si Kris kay Sara. Sa pagkakatanda ko noon, bago ito umalis at nang-iwan ay puno siya ng galit kay Sara... sobrang laki ng galit niya rito. Pero ngayon? Nakakapanghinala na lahat ng mga pangyayari. Mahirap i-konekta ang pangyayari ngayon sa nangyari noon.

Hindi kaya mayroon pang ibang nangyari bago siya umalis? Hindi kaya may itinatagong lihim si Kris sa'amin?

Napakagulo!

Sobrang laking problema na ang binigay mo, Bakit ka pa ba bumalik, Sara?

Ella's POV

Maaga akong nagising at umalis ng dorm para pumunta kay Montgomery upang magtanong sa mga bagay-bagay. Ngayon magsisimula ang larong sinabi sa akin ni Woodwell.

"Then, let's play a game."

"W-what game?" kinakabahan kong tanong. Sht!

"Don't worry, It will be a piece of cake. All you have to do is find the book within 3 days." sabi niya.

"What book?" kunot-noo kong tanong.

"The Book of Revelations." sabi niya, tinaasan ko lang siya ng kilay. Gets niya na yun, "That is the book of Geadwu, the good wolf. Old wolves said that that book will uncover and reveal your true identity. It's like The Revealing Book of Eswulf, but unlike that book, The Book of Revelations was from a god." sabi niya pa. Napatango nalang ako.

"Then, where can I find it?" tanong ko.

"I don't know. Nobody knows." sagot niya na kinataas uli ng kilay ko.

"Seriously? Are you crazy? Saan ko mahahanap yun kung in the first place wala naman palang nakakaalam kung saan 'yon?!" sigaw ko sakanya.

"Don't you remember? It's a game, Ella. And a game always have a twist." sabi pa niya habang nakangisi, tss.

"Fine, What if I found the book?" tanong ko, "Then you'll win this game, I'll give you the book and tell you everything right from the start." sabi niya kaya napangiti ako.

"And if I fail?" tanong ko.

"You'll get killed."

Hindi parin malinaw sa akin ang lahat, kahit na ang dahilan kung bakit gusto niya akong patayin. Like duh, ano bang mapapala niya? Nakakatakot parin isipin ang gusto niyang kapalit pero dahil sa determinado akong mabuksan ang bumabalot sa pagkatao ko ay pumayag na lang ako. Alam ko rin naman sa sarili ko na malakas ako, siya na mismo ang nagsabi nito. Kaya siguro ganito na lang kalakas ang loob ko. Hayst!

Nakarating na ako sa tapat ng office, mag-aalasais pa lang ng umaga at iilan palang ang nakikita kong tao sa labas. Sabi saakin ni Christy maaga naman daw si Montgomery kaya heto ako ngayon, nagbabakasakali akong alam niya ang tungkol sa sinasabing libro ni Woodwell.

Nakatatlong katok na ako sa labas ng pinto ngunit walang nagbubukas. Sumilip ako sa bintana nito at nakitang may taong nag-uusap.

"S-sara..." t-teka pamilyar yung boses niya...

"Kris, umalis ka na. Baka makita pa tayo ni auntie dito." si Kris?

"S-sara, please. Mahal parin kita." bakas sa boses ni Kris ang pagmamakaawa. S-siya ba talaga 'to?

"Kris, hindi kita mahal." sagot pa ni Sara.

"Pero--"

"Tama na Kris. umalis ka na. Hindi kita mahal." sabi ni Sara habang humihikbi.

"P-pero sabi mo noon.." bakas sa boses ni Kris ang sakit at parang unti nalang ay luluha na.

"Hindi yun totoo, s-si... Si Sehun ang mahal ko." t-teka, A-ano?

"P-pero mahal kita." sabi ni Kris.

Hindi ko namalayan, may tumulo ng luha sa mata ko at kusang pumunta papaalis ang mga paa ko.

Ano bang nangyayari sa'kin?

--

-Sea

Wolf AcademyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu