"Are you ok?" tanong niya sa akin. Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos ito. Tumango naman ako—or should I say pilit na tumango?

"Yeah. I'm just tired." sagot ko. Tumango-tango naman siya saka hinawakan ang kamay ko.

"Tara na. Mag pahinga ka na honey." sabi niya pag ka-hawak niya sa kamay ko. Tumango naman ako at nag simula na kaming mag-lakad papasok sa bahay niko habang naglalakad kami.

"Honey?"

"Hmm?" tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya, nasa baba at tingin ko.

"Anong... iniisip mo kanina?" tanong niya. Napatigil ako ng bahagya sa paglalakad pero agad ding nag patuloy ng tumingin siya sa akin.

"N-nothing. Inaantok lang ako kanina." I lied. Nung hindi siya nag salita ay napalingon ako sa kanya. "Haven?" tanong ko sa kanya.

Patuloy pa rin siyang nakatingin sa akin kaya medyo kinabahan ako, pero nawala naman agad yun nung matauhan siya. "A-ah. Inaantok ka na? Halika na, hatid na kita sa kwarto mo." mabilis na lumapit ito sa akin at inakbayan ako. Hindi na lang ako nag salita hanggang maihatid niya ako sa kwarto ko.

"Night." sabi ko sa kanya ng makapasok na ako sa kwarto. Nasa pinto lang siya at bahagyang lumapit sa akin. My heart skip a beat when he leaned closer and then he kissed my forehead.

"Sleep well honey, I love you." mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa huli niyang sinabi. Agad na namula ang pisngi ko and I'm thankful dahil madilim na.

Nginitian ko na lang siya bago isara ang pinto. Pagkasara ay tumakbo ako sa kama at tumalon dito. Hinawakan ko ang dibdib ko na patuloy pa ring natibok.

D*mn Honey.

'You've done your mission.'

"Am I?"

'Yes.'

"P-pero hindi ko pa nahahanap ang mga magulang ko."

'Do you want me to help you?'

"Yes Mother death! Please..."

'Laguna, Hendrace Village, B418, N.V.'

"W-what?"

'....'

"Mother Death!"

*BLAAAAAAAAAAGGGGGG!*

Napamulat ako ng mata kasabay ng pagbangon ko ng mabilis sa kama. Inikot ko ang paningin sa buong kwarto at madilim pa rin. Napatingin ako sa orasan na nasa table na katabi ng kama ko. 2:40 AM.

Again? May napanaginapan na naman ba ako?

*BLAAAAAAAAAGGGG!*

Agad na nagulat ako ng marinig ang malakas na tunog na iyon. Napalingon ako sa bintana at may mga patak iyon ng ulan. Probably rain. Masyado naman atang malakas ang kidlat na iyon para magising ako? Humiga ulit ako sa kama at binalot ang sarili ko ng kumot dahil masyadong malamig.

*tok!* *tok!* *tok!*

Napalingon ako sa pinto ng tumunog ito. May kung anong kaba akong naramdaman sapagkat masyado pang maaga. W-who's that?

*tok!* *tok!* *tok!*

Dahan dahang bumilis ang tibok ng puso ko. D*mn! Takot din ako sa multo! Agad na binalot ko pa ang sarili sa kumot at tinakpan ang buong katawan ko.

Then suddenly—

*eeeennk!*

"Havea? Tulog ka na ba?"

Haven?

Agad na tinanggal ko ang kumot sa mukha ko at tinignan ang pumasok sa kwarto ko. "H-haven?" tanong ko. Bakit gising ito? Saka anong ginagawa niya dito?

*BLAAAAAAAAAAGGG!*

"WAAAAAAAAAAAHHHH!" nabigla na lang ako ng tumakbo patalon sa kama at yumakap sa akin!

"N-nakidlat! I'm scared!" sumbong nito. Napa buntong hininga na lang ako at tinanggal ang yakap nito.

"Don't be scared. Hindi naman nangangain ang kidlat, bumalik ka na sa kwarto mo." inaantok na sabi ko dito. Agad na umiling naman siya.

"No! I'm going to sleep here." agad na humiga siya sa tabi ko pagkasabi noon at nag kumot. Inis na tinignan ko siya. Tss! Ilang beses na ba siya naka tulog dito?

"Haven get out." sabi ko. Hindi naman ito gumalaw kaya nawalan na ako ng pag asa. Kapag may ginawa siya, wala ng bawian. Sumandal na lang ako sa headboard ng kama at tumitig sa picture frame ng family picture ng mga kano ang nakalagay.

Where's my family?

"Let's go back to sleep Honey." inaantok na bulong ni Haven. Hindi ko siya pinansin at tumitig sa picture frame.

Mom... Dad...

Hahanapin ko kayo.

DEATH HEARTWhere stories live. Discover now