Chapter 5 - Technically considered

Comenzar desde el principio
                                    

        ---------

        "Ba't mo ginawa yun, Xands? Ganyan na ba kalala ang topak mo?" Tanong ko sa kanya habang isa isa nang lumabas ang mga kaklase ko sa room. Sawakas. Pagkatapos ng 1 hour ay natapos na rin ang lecture.

        Dismissal na talaga! Hallelujah!!

        Pero, damn. Sakit ng legs ko!

        Sana naman hindi ako magkaroon ng varicose veins. Huhuhu! Gusto ko pang mag shorts at mini skirt! Ifaflaunt ko pa ang wow legs ko kay Xander! Hmp.

        "Trip ko lang." May pa stretch stretch pa sa legs syang nalalaman! "Masakit ba legs mo?"

        "Di naman. Sus. Ako pa!" Pagsisinungaling ko. Baka kasi mag worry sya at kung anong kabaliwan pa ang gawin. Mabuti nang safe.

        Deep inside ay may guilt ako dahil nasali pa si Xands sa kahihiyan. Pero ano nga bang magagawa ko? E mapilit ang mokong eh.

        Parang ginusto rin nyang mapahiya. Ewan ko ba pano ang takbo ng utak nya.

        "Xands, thank you ha? Sinamahan mo pa ako sa kahihiyan. Ibang klase ka talaga. At dahil jan, manlilibre ako ng 10 pancit canton para mamaya! Woo!" Masaya kong sabi bago kami nag apir.

        Tama nga si Xands, mababaw lang talaga ang kaligayahan ko. Edi siya na! Siya na talaga ang may deep na deep na kaligayahan. Nahiya naman ang Pacific Ocean sa lalim nun.

        --------

        Dali dali kaming umalis ni Xands palabas ng campus. Ganto na rin ang nakasanayan kong setting everyday eh. Yung every morning magkasama kami pati na rin every class, though may iba na 'di kami kaklase. Iba course namin eh. Then every dismissal sabay kami paalis ng campus.

        Minsan tumatambay pa kami sa Aling Foping's para mag meryenda bago umuwi. Libre ni Xands syempre! Kamag-anak ko kasi si tita Kuri. Kuripot! At tsaka masarap kaya ng halo halo dun! Walang binatbat yung sa Chowking.

        Kaya nga parati kaming mapagkakamalan na magnobyo't nobya eh.. Sa close ba naman namin to eh aba. May point naman silang mag assume ng ganun.

        Eh magsisinungaling pa ba ako? Kinikilig din kasi ako eh. Hihi. Sana naman kasi lahat ng pag-aasume magkatotoo! Ugh.

        After mga 10 minutes ay nakarating na kami sa isang convenience store. Sinabihan ko si Xander na sa labas na lang siya maghintay tutal mabilis lang naman ako. Pagkatapos ng maiging kombinsingan ay napa-Oo ko rin siya.

        Hirap naman makuha ng Oo niya. Di ko to liligawan, promise! Haha.

        Pagpasok ko ay kumuha agad ako ng sampung pancit canton (Extra hot and spicy ang trip namin ngayon) at naglinya na sa counter.

        Matapos ang ilang minuto ay ako na yung susunod sa cashier nang marinig ko ang conversation nina kuya na buyer at si ate cashier.

        Ate Cashier: Sir, bale P135 po lahat.

        Nag-abot si kuya ng P200 bill.

        Ate Cashier: Sir, may 35 pesos po ba kayo?

        Kuya: Miss, alam mo para kang yung ex gf ko. Binigay ko na nga lahat ng meron ako pero kulang pa din. Siguro ay ganun ka din ano?

Lovers in Denial (ON HOLD)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora