"Hawakan mo si Kaylee ,Aliya"..Tensyonadong sabi ni Aayan na parang hanging biglang sumulpot sa aking tabi at hinila ako papunta sa kanyang likod.

Pumwesto agad sa likod ko si Aliya at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Lumingon ako sa ingay na nagmumula sa likod at nakita kong nagmamadaling nagtatakbuhan sina kuya Aeson at Kuya Jason papunta sa aming kinaroroonan..

Kinabig ako agad ni Kuya Aeson papunta sa kanyang dibdib.Rinig na rinig ko na parang nagkakarerang mga kabayo sa lakas ng tibok ng kanyang puso.

Bakit???naguguluhan ako sa bigla nilang pagkabalisa...oo,alam kong nakakatakot ang aura ng lalakeng may magkahalong abo at asul na mata,pero paano nila nalaman na nangamba ako kanina,eh nasa baba sila.

Nanatili si kuya Jason sa tabi ni kuya Aeson at sinusuri din ako ng mga mata niya mula ulo hanggang paa.Parang chinicheck kung meron ba akong pinsala sa katawan.

Kapag ganito sila ay di ko mapigilang makaramdam ng saya but at the same time mainis din sa aking sarili.Magmula ng magkaisip ako ay ilang beses ko ng nasaksihan na willing silang magsakripisyo para sa kaligtasan ko.Kaya madalas kong iniiwasan ang kahit anong problema dahil alam kong di magdadalawang isip ang mga kapatid ko na ialay ang buhay nila para sa akin.

"What happened Love?"...kalmadong tanong ni Kuya Jason,pero sa lalim ng intensidad na nakikita ko sa kanyang mga mata ay alam kong malayo sa pagiging kalmado si kuya sa paraan na rin ng pagkuyom niya ng dalawang kamao niya..

"Oooh,the protectors,....
the knights,.....the guardians of the beloved princess"...sabi ng nakakatakot na gwapong lalaking di kalayuang nakatayo sa aking likod....

"Hmmm,princess". Ungol niya na parang kumain ng masarap na ice cream at humalakhak ng malakas...

Lalong inipit ni kuya Aeson ang mukha ko sa dibdib niya dahil tiyak na pumula at uminit ang mukha ko sa lutong ng kanyang halakhak. parang nababasa niya ang aking iniisip...mind reader ba siya?...

"What's happening here?"...boses ng isang babae malapit sa amin.
Inangat ko ang aking mukha at nakita ko ang isang magandang babae na naka itim na hanggang takong ang damit.Tumayo ako agad ng tuwid upang matamang tignan ang bagong dating. Neat na naka bun ang brown niyang buhok sa tuktok ng kanyang ulo...heart ang shape ng kanyang mukha.may salamin pero di matatakpan ang kulay itim nitong mga mata,matangos ang ilong at cute ang manipis nitong mga labi...

"Wala naman Headmistress...pababa na sana ako sa dinning hall pero nakita ko tong mga binibini na hinarangan ng grupo ni Brandon.Makikipagkilala sana ako pero biglang sumulpot tong mga kasama nila na parang gusto akong bawian ng buhay sa paraan ng pagtitig nila sa akin"...parang amuse pa sa paglalahad ng estrangherong lalake sa mga nangyari kanina...

'Ahh siya pala ang headmistress na sinasabi ni Aliya kanina' tanto ko sa aking sarili habang mataman paring nakatitig sa babae...

"Ganun ba?..nakita ko sina Brandon sa baba may iba pa bang problemang nangyari Mr. Raghnall?"...bakas ang awtoridad sa boses ng headmistress.

'Raghnall pala,,,may address na ang gwapong mama'..

Kumunot ang noo ko dahil biglang tumingin sa akin si Raghnall at bumungkahit ng panibagong halakhak.

"Kanina ka pa tawa ng tawa naiinis na talaga ako sayo!"... galit na sabi ni Aayan na tumingin muna sa akin ng may pagdududang mga mata bago humarap ulit kay Raghnall..

"Oooh,selos ka  Aayan?edi,tumawa ka rin jan"...sabi niya kay Aayan na may nakakalokong ngisi at binalik nanaman ang tingin sa akin.

Kilala niya na pala si Aayan.Siguro nagkakilala na sila kanina.

WhispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon