"Sweetheart wake up...Sweety wake up,we're here"...naalimpungatan ako sa mahinang bulong ni kuya Aeson sa aking tenga.

Nakasandig ang likod ko sa dibdib ni kuya Aeson habang nakayakap naman saking bewang ang dalawa niyang braso.Nakapatong naman mga paa ko kay kuya Jason na kasama namin sa backseat.

"How are you Love ,feeling better now?"... marahang tanong ni kuya Jason na hinahawi ang buhok sa mukha ko at inipit sa aking tenga.

Nginitian ko siya at nag-unat ako ng mga braso at umupo na ng maayos.Pagtingin ko sa labas ay halos malaglag ang panga ko sa aking nakita.Isang napakalaki at misteryosong malapalasyong gusali ang nasa aming harapan...

"Kuya Aeson,akala ko ba school ang pupuntahan natin.. manghang tanong ko kay kuya habang di maawat ang pagkamangha sa paglibot ng mata sa gusaling nakatayo sa harap ng sasakyan namin.

"School nga Angel, this is Aeon Paradise"... nakangiting sabi sakin ng nasa manibela na si Aayan habang sinerado ang nakanganga kong bunganga gamit ang isang daliri niya.

Bigla kong tinignan si Aliya na katabi ni Aayan sa front seat.

"Aeon Paradise?"...  naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Yes,Kaylee.Aeon Paradise is real.
Pinalabas lang na di na to nag-eexist dahil dinumog ito ng mga masasama at gahamang tao dati dahil sa mga di pangkaraniwang estudyanteng nagtatapos dito but the truth is they still operate secretly." ...nakangiting sabi sa akin ni Aliyah.

Ngumiti ulit ako kahit namumugto ang mga mata ko sa kakaiyak sa byahe.Mula kahapon ay pilit kong inaayos ang damdamin ko dahil alalang-alala na sa akin ang mga kasama ko.Nagbyahe kame dahil pinatay ang mama at papa namin ng mga di kilalang grupo ng mga tao.

Noong pinasukan kame ng grupong nakamaskara ay kinulong kame nina mama at papa sa secret vault na di ko alam na meron palang nakatago sa loob ng kwarto ko.

Pagbukas ng vault ni Mang Ernesto na noon lang namin nakilala ay mulat ang mga mata at wala ng buhay na naliligo sa sarili nilang dugo sina mama at papa.Dati pa raw ay alam niya ng may vault sa kwarto ko para makapagtago sa mga masasamang tao.Silang tatlo lang nina papa at mama ang nakakaalam sa password which is birthday ko.Tumunog raw ang alarm niya sa bahay kaya nagmadali siyang pumunta sa bahay dahil kabilin bilinan sa kanya na rumesponde siya agad pag tumunog ang alarm.Nakakapanghinayang lang dahil pagdating niya at mga nakakalat na pulis sa paligid ay huli na ang lahat.Patay na sina mama at papa.

Sigaw ako ng sigaw habang panay ang tangis sa aking nasaksihan.Nahimatay ako sa tindi ng sakit at gulat na aking naramdaman.Paggising ko ay nasa biyahe na kame.May mga nakalaban daw sina papa na grupo ng sindikato kaya sabi ni kuya na mas mabuti daw na lisanin nalang namin  agad-agad ang aming tirahan.Naiwan lang si Mang Ernesto ang matalik na kaibigan ni papa sa bahay.Siya na raw bahala sa labi nina papa at mama.

Lima kameng nagbyahe papunta dito sa school na sinabi ni kuya na magiging bagong tahanan namin.

Ito raw ang paaralan na inaplayan nilang dalawa ni  kuya Jason  na pagtratrabahuan.Natanggap na raw sila at sinabing stay in raw ang mga teacher dito.Dito narin kame mag-aaral nina Aayan at Aliya

Si Kuya Aeson  Alvara at ang kambal niyang si kuya Jason Alvara na nakakatanda sa aming grupo ay beinte singko na ang edad.Si Alliya Aelfrun at si Aayan Vilmaris  disiocho at ako si Kaylee Fleur Suadela naman ang pinakabunso ay disi siete palang.Lahat kame ay ampon nina Papa Vicente at mama Theadocia.Iniwan daw kame sa isang bahay ampunan nung mga sanggol palang kame.Di makaanak si mama kaya inampaon niya kameng lima.Di niya na daw pinalitan mga pangalan at apelyido namin dahil yun lang daw ang alala na bigay sa amin ng aming mga magulang.

WhispersWhere stories live. Discover now