KUWATRO

11 0 0
                                    


Nagising ako ngayon ng medyo magaan ang pakiramdam. Nanatili parin akong nakahiga sa aking kama nang pumasok naman sa aking isipan ang huling usapan namin kagabi bago namin tahakin ang kaniya-kaniyang landas.

"You just know it?..." I asked with furrowed eyebrows. How come that he just know my name? What is he a fortuneteller  or a soothsayer? Or...

I took a lung full of air."You're a stalker! A creep!" napatakip naman ako sa aking bunganga. He looked at me amused, seriously? Gusto niya pa akong tawanan?

"No, I am not a stalker, dummy..." He said and I managed to see him playfully rolled his eyes despite of the darkness. Bigla naman niyang kinuha ang braso ko at...

"L-U-A-N-N-E... Luanne." ipinakita niya sa akin ang bracelet na niregalo ni Darvey noong christmas party namin na kung saan nakasulat ang first and second name ko . Ugh! Why didn't I thought about that.

Binawi ko naman ang mga braso ko at  ibinalik ito sa aking kandungan. He knows my name but I don't know his. "You already know my name... But I don't know your's." I said and then chewed my lower lip in anticipation.

"You can call me... Anything."  Anything? Wow, I never heard a name like that. Hi! Anything! Haha, okay waley.

So anything you say, huh. "Can I call you–..." napatingin naman ako sa kapaligiran para humanap ng bagay na pwedeng ipangalan sa kaniya hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang buwan. I always admire the moon, it's so vibrant and mysterious and...

That's it!

It's like this guy... Mysterious. "Buwan... Can I call you that?" I said, with sparkle in my eyes. He studied my face and then he nodded with a smile on his face.

That smile though...

Umupo na ako mula sa aking pagkahiga at nasagi ng aking paningin ang salamin na nasa pader ng aking kwarto. I saw myself in the mirror smiling. Why am I smiling?

Because?... Ah! Because it's a beautiful day, that's it no more further reasons. Dumiretso na ako sa banyo para gawin ang aking hygiene at bumaba agad para kumain.

Pagbaba ko ng hagdanan ay nakahain na ang mga pagkain sa lamesa samantalang ginagawa lang ng mga katulong ang mga trabaho nila.

"Magandang umaga Luanne." bati ni Nanay Helen. Binati ko rin siya at umupo na. Umupo naman si Lola Helen sa isa sa mga bakanteng upuan at niyaya ko siyang kumain ngunit umiling lang siya.

Patuloy lang ako sa aking pagkain ng bigla ulit sumagi sa aking isipan ang litrato na nakita ko sa kwarto nila Mom. Baka may alam si Nanay Helen tungkol sa litratong yun. Dahil wala akong alam na may kaibigan pala sila Mom at Dad dahil lahat ay puro business associates lang. "Nanay Helen... Alam niyo po ba kung 'pano nagkakilala sila Mom t Dad?" tanong ko.

Napatingin sa akin si Nanay Helen at ngumiti. "Ang Mom at Dad mo ay magkababata. Naaalala ko pa dati noong bata pa si Xander ay walang siyang ibang bukang-bibig  kundi ang Mom mo. Puro siya katherine ng katherine." she chukled and then paused for a moment. "Hanggang sa ipinagtapat niya ang nararamdaman niya kay Katherine, naging mahirap ito sa kaniya dahil hindi lang siya ang umiibig ka kay Katherine. Pero naging sila ni Katherine ngunit may kapalit ito." napabuntong hininga si  Nanay Helen at nang mapansin kong hindi na siya magsasalita ay agad akong nagtanong para makarinig ng karagdagang impormasyon.

"Ano 'pong kapalit?" tanong ko. She intertwined both of her hands. "Nasira ang pagkakaibigan nila ng isa niyang matalik na kaibigan. Ang dati niyang kaibigan ay tinatrato niya na ngayon bilang kaniyang matinding kaaway." naguguluhan ako. Anong kinalaman ng pagkakatuluyan nila Mom at Dad sa friendship nila ng kaibigan niya? Who could that friend be... Hindi kaya siya yung lalaki sa picture? There must be a story behind that photo.

***

Unti-unti ng dumidilim ang paligid at pasimple akong nagmamasid sa mga katulong kung meron bang makakakita sa akin sa paglabas ko ng bahay.

At ng paningin ko ay wala ng mga katulong na nagtatrabaho sa kusina ay agad-agad akong pumunta sa back door at tumakbo para makalusot agad sa pagitan ng rehas ng gate.

Nakarating ako sa lugar na iyon ay madilim na. Sakto lang dahil mas lumiliwanag na ang buwan. Sinalubong naman ako ng malamig na hangin kaya napahawak agad ako sa magkabila kong braso.

Pinakiramdaman ko lang buong paligid and again it feels odd. Nandito kaya ulit siya? Imposible, siguro kailangan niya lang na mapag-isa kahapon. I tossed that feeling at napagdesisyunan na sumandal sa puno.

Pagkasandal ko sa puno ay may narinig akong paggalaw ng tubig sa may lawa. Napakunot ang aking noo at tinalasan ko ang aking pandinig ngunit wala na akong narinig.

It must be my mind playing games with me. Pero mali ang iniisip ko dahil maya-maya ay napansin ko na may unti-unting umaahon sa tubig. W-what is that!?... Taong-lupa!? No, that's insane! Hindi gaano naiilawan ang parte ng lawa na kinaroroonan niya kaya nakakatakot siyang tignan dahil ang silhouette niya lang ang makikita.

Kaya dahan-dahan naman akong tumayo dahil papalapit  siya sa kinaroroonan ko pero nang tuluyan na siyang makaahon sa tubig ay napagtanto ko na malayo pala siya sa pagiging taong-lupa. Because it's him... Buwan.

Napahawak naman ako sa dibdib ko at inilabas ang hangin na kanina ko pala hindi nailalabas. "Hello... Luanne." He smiled dahil sa reaction ko.

"Akala ko taong-lupa..." bulong ko sarili ko and he frowned, he must've heard it so now it's my time to smile. Nakatayo lang siya 'di kalayuan sakin at narealize ko na nakatopless siya. Ang gwapo pero ang patpatin, kinuha niya naman ang damit niya na nakasabit sa sanga ng puno, bakit hindi ko yan nakita kanina?

"Last night you've mistaken me for being a stalker, tapos ngayon... Taong lupa?" He said while wearing his shirt. "Hindi ba pwedeng kaibigan?" napatingin naman ako sa kanya.

Long moment of silence...

"Can you be my friend?... " pagbasag niya sa katahimikan, aside from Darvey wala na akong naging kaibigan dahil ayaw nila sa akin, kasi daw lagi akong may special treatment from the teachers kaya sila galit. Hindi ko na tuloy alam ang feeling ng magkaroon ng bagong kaibigan but it's nice to hear that he wants me to be his friend. Nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita ay nagsalita siya ulit.

"Because... I can be your moon."

For once ay paningin ko hindi ako nag-iisa. Maybe the universe had heard my wish and decided to grant it, and I think I found that someone.

I nodded with a smile on my face. Umupo naman siya sa tabi ko at inilapit ang mga tuhod niya sa kaniyang mukha. "Nilalamig ka ba?" tanong sa kaniya. Napatingin siya sa akin ng saglit at umiling.

"Bakit mo ba naisipang lumangoy ngayong oras na 'to?" tanong ko sa kaniya. Natry ko ng pumunta sa lawa pero malamig ang tubig kapag ganito na ang oras kaya hindi rin ako nakakatagal. Napabuntong hininga siya and then he pursed his lips. "Maybe- maybe it could take the pain away... So I almost end it." napatingala siya sa itaas at tumingin din ako kung saan siya nakatingin.

What does he mean "I almost end it".

I furrowed my eyebrows, did he do something stupid? Is it what I think it is? I know I'm just getting started to know him pero hindi parin solusyon yung binabalak niya. Me, I admit that I was seeking for someone's company ng tao na hindi ako babalewalahin, but I never think that getting rid of my own life will solve it.

He must've noticed my expression dahil ibinaling niya ang lahat ng atensiyon niya sa direksiyon. "I almost end it... But I didn't." He paused and continued to look into my eyes. Sa tagal ng pagtitig niya sa akin ay siya 'ring pagbilis ng tibok ng dibdib ko. I don't know why but it feels like may gusto pa akong malaman.

...

....

"Because I think I will miss a once in a lifetime happiness."

B U W A NWhere stories live. Discover now