TRES

20 1 0
                                    


"Hello... Luanne." natigilan ako sa aking pagmumuni-muni. Biglang nagsitaasan ang aking mga balahibo mula ulo hanggang paa. Ako lang ang nakakaalam ng lugar na ito at medyo tago at malayo rin, paanong may nakapuntang tao dito? Tsaka ang mas nagpakilabot sa akin ay paano niya nalaman ang pangalan ko? Kaya naman dahan-dahan akong lumingon sa taong nagsalita sa likuran ko.

Isang lalaki ang sumalubong sa aking mga mata. Nakasuot siya ng puting polo at nakasuot ng mukhang komportableng pantalon,  matangkad siya pero medyo mapayat atsaka maputi rin pero hindi ko makita ang itaas na parte ng kaniyang mukha at ang labi niya lang ang naiilawan ng buwan... Red lips.

I snapped out of my thoughts when he suddenly smirked as if he knew I was checking him. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya at nakapamulsa lamang.

"S-sino ka!... Anong ginagawa mo dito?!"

Okay, this guy is creeping me out kaya dahan-dahan naman akong umatras para sana makalayo sa kaniya at umuwi nalang. Who knows what could happen? Kaming dalawa lang ang nandito kung saan tago ang lugar at walang makakarinig o makakakita at 'di ko rin alam kung ano ang binabalak ng lalaking 'to plus he freakin' knows my name! What is he? Some kind of stalker dude?

Nung naghahanda na ako para tumakbo ay saka palang siya umalis sa kadiliman at dali-daling nilapitan ako. "Hey, I won't do anything...." he blurted out suddenly.

Ang gwapo niya...

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakakunot ang noo at ang dalawang kamay ko naman ay nakasecured protectively sa aking harapan. "I just... I just need a place which is peaceful." napataas naman ang isa kong kilay. "And gusto ko lang ding... mapag-isa." napatungo naman siya.

I furrowed my eyebrows. He wants to be alone? And he chose this place as well? But why this place? I mean, ako lang ang nakakaalam nito. Napatingala ako sa buwan...

Did you grant you it?

No, it can't be and I must be out of my mind for thinking these kind of nonsense. Maybe kailangan ko ng umuwi para makapagpahinga at para mapag-isa din ang lalaki na nakatayo 'di kalayuan mula sa akin.

"Ah okay... A-aalis nalang ako." tatalikod na sana ako nang bigla naman siyang nagsalita.

"No! I mean, I want to be alone ... Like you. You can stay." nakatingin lang ako sa kaniya and my head is battling with my mind kung dapat ba akong umalis na o kung pwede ko bang pagkatiwalaan ang taong nasa harap ko ngayon.

Pagkatapos ay umupo siya sa ibaba ng puno at isinandal ang kaniyang likod sa puno sabay ipinikit ng kaniyang mga mata. I studied his face, I don't want judge right away but I don't want to be reckless. Mukha naman siyang inosente and how can a good-looking man do such things.

Ugh! Bahala na nga... I don't want to spoil my moment in here just because of an unexpected situation.

Umupo naman ako sa damuhan na medyo malayo sa kaniya. At nagdecide na ipagpatuloy ang pag-eenjoy sa kapaligiran at ang kapayapaan nito but still on full-alert in case this weird guy do something. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog na nanggagaling sa may lawa na 'di kalayuan sa akin... Napatingin naman ako sa aking kaliwa. Kaya pala kasi naghahagis siya ng mga pebbles sa tubig .

Pinagpatuloy niya lang ang paghahagis niya ng bato sa tubig at walang 'ni isang nagsalita sa aming dalawa. Tiniklop ko ang aking mga binti at inilapit ito sa aking dibdib saka isinandal ang aking baba sa ibabaw nito.

Nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa nang bigla siyang magsalita.

"Uh, pwede magtanong?" he asked out of a sudden.

Napatingin naman ako sa kaniya. Patuloy parin siya sa paghahagis niya ng mga bato at walang ekspresyon ang mukha pero mayroon akong nakita sa kaniyang mukha. Something na makikita din sa mukha ko... Sorrow.

Hanggang sa ibinaling niya ang atensiyon niya sa direksiyon ko and then a seconds later he tilted he's head to the other side and raised one of his eyebrows sabay narealize ko na may tinatanong pala siya.

"Oo... Okay lang." sabay inilipat ko naman ang aking paningin sa aking sapatos to hid my blushing cheeks and bit my lower lip embarrassedly.

Gosh... That was awkward.

"Bakit mag-isa ka lang pala dito?" he asked.

Bakit nga ba ako mag-isa dito? Well, let's see. Hindi ako pinapalabas ng bahay kaya ako nakulong sa loob ng isang lugar kung saan puro pader lang ang sasalubong sa akin, meron din pala akong mga magulang na mas mahal pa ang trabaho nila kaysa sa anak nila, and take note... I have a mother who never gave me the warmth that I need and a father who treats me as if I am just a burden, na para sa kaniya isa lang akong pabigat na kailangan niya lang pakainin at bigyan ng matitirhan at matutulugan.

"Kasi wala rin namang gustong makasama ako." I don't even know if I have someone. I think all I have was just me, me, and me.

Naramdaman kong tumayo siya kaniyang kinauupuan. Thank God aalis na siya, kanina pa akong nagpaplanong sumandal sa puno eh, pero ipinatili ko lang muna ang aking paningin sa aking sapatos at hinintay na makaalis na siyang lubusan pero naramdam ko nalang na may presensiya na sa tabi ko.

Itinaas ko naman agad ang aking ulo at nakitang nasa tabi ko na nga siya, nakastretch-out ang isa niyang binti habang nakatiklop naman ang isa at nakasandal dito ang isa niyang mga kamay.

Too close...

Umusog naman ako ng unti. "S-sinong nagsabing pwede kang lumapit?" tanong ko naman sa kaniya. He's still a stranger at ayokong maging kampante dahil hindi ko pa siya kilala.

"Chill, Paano tayo magkakaroon conversation kung malayo tayo sa isa't-isa." Itinaas niya naman ang kaniyang dalawang mga kamay to show that he's not gonna do anything.

"Um, ikaw bakit ka naman napunta dito?" at natanong ko din ang kanina pa bumabagabag sa aking utak. "Because I want to stay away from them... Kasi I think na yun din yung gusto nila na gawin ko." he paused for a while and then look at me and he opened and closed his mouth na parang may gusto siyang sabihin o tanungin.

Kumuha ulit siya ng mga bato at inihagis ulit ito sa tubig. Noong una ay mabagal lang ang paghagis niya ng bato pero maya-maya ay bigla na itong lumalakas hanggang sa makapagdesisyon siya na sabihin ang nasa isip niya. "Alam mo ba yung pakiramdam ng binabalewala?..." Tumingin siya sa akin at pagkatapos ng ilang minuto ay bumuntong-hininga sabay tumingin sa ibang direksyon. "Of course you don't... I think you have a parents who—" I cut him off dahil mali akala niya. Not all families were perfect at isa ako sa biktima non.

"I know... How it feels." I said. This time all his attention were on mine. He tried to open up to me and I just listened to him, and then later on ay ibinuhos ko na rin lahat ng kinikimkim ko. I think ito ang isa sa kailangan ko at matagal ko ng hinahanap, yung may mapagsasabihan ng saloobin ko sa taong nakakaintindi ng nararamdaman ko dahil ganun ang nararamdaman niya. Hindi ko na inisip kung kilala ko ba ang taong 'to o hindi basta gusto lang ay ang makalaya mula sa kalungkutan na nadarama ko sa loob ng sarili ko.

"I guess... I found this place for a reason." he said. I don't know what he mean by that kaya napatango lang ako at biglang sumagi sa isipan ko ang unang eksena kanina. "Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" nakatingin lang ako sa kaniya habang naghihintay ng sagot. Tumingin siya sa akin saglit sabay ibinalik ang tingin sa itaas at napatingin din naman ako sa tinitingnan niya at nakatitig pala siya sa tanging nagbibigay liwanag sa kadiliman ng lugar na ito... Ang buwan.

"I just know it..."

B U W A NWhere stories live. Discover now