OIL #16: Getting Closer

4 2 0
                                    

Iris






Three days...



Three days akong nilalagnat at pinapagalitan na ako ni mama kaya naman hindi na ako pumasok. Nagpaalam ako na sa monday nalang papasok pero habang nasa bahay, sinubukan ko naring aralin ang topic ko sa pollution pati na ang iba para sa oral defense this week. Tapos naman na at naaral ko na lahat. Sana lang maganda ang kalabasan. Hindi parin naman kase mawawala ang kaba doon at isa pa, in-announce daw yung panel at napag-alam namin na Isa sa board of directors, tapos yung presidente ng school, yung prof namin at isa pang Natsci professor at yung SC President nga.



Sa isang araw na ang presentation kaya todo review parin kami sa mga topics. At isa pa, pang-unang una kami kaya mas lalong nakaka-kaba.



"Oh my gosh, I need my inspiration." sambit ni Ashley habang nakasabunot sa buhok.



Nandito kami ngayon sa library para peaceful. Kung ano anong libro narin ang nasa long desk. Imagine? Anim lang kami pero pinili namin ang long desk. One seat apart pa nga kami, side to side eh.



"Hey... Can you please see me?"



Natingin ako kay Ashley. May kausap na siya sa cellphone ngayon.



"Library..... Okay, thanks." pagkababa ng telepono ay agad niyang ibinagsak ang noo sa desk. "Aish. My head aches."



"Ako nga rin eh." pag-agree naman ni Andrea.



"Ikaw, Iris?"



Natingin ako kay Kaira.



"Kagagaling mo lang sa sakit, diba? Baka mabinat ka."



"Yeah, you should rest." sabi naman ni Pierre.



I smiled at them. "Ano ba kayo... Hindi naman ako gumagalaw dito. Hindi ako mabibinat."



I continued searching.



Mas mabuti ng malawak ang kaalaman sa topic namin. Okay na ako sa topic ko pero sa kanila, hindi pa.



"Basta, guys... Kapag may tanong ang panelists tapos hindi alam nung may topic, let's help each other ha?" Andrea said.



Nag-oo-han lang sila.



Panandaliang katahimikan na naman ng magsimula ulit silang magbasa basa. Nag-ttake down notes din kami in case of emergency. Hahaha. Girls scout, laging handa.



Nababagot na ako. Nakakainip.



"Tapos na pala yung powerpoint presentation natin." sabi ni Louie. "Siguro, bukas tayo mag-rehearsal."



Tumango lang kami.



"Hey..."



Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Pamilyar kasi. Medyo nabigla ako kasi nakita ko si Daryll sa likod ni Ashley at nakahawak sa magkabilang balikat niya.



Uh?



"Okay na kayo?" tanong ko.



Ngumiti si Daryll. "Thanks, by the way, Iris."



Ha? Anong ginawa ko?



"Sorry, guys... I told you I needed my inspiration right now." sabi ni Ash.



Officially, In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon