OIL #13: Sickness and Care

9 2 0
                                    

Iris POV








Para akong tanga. Nakangiti ako habang nakatitig sa payong na inabot sakin ni Stephen kanina. Hahaha... Bago sila umalis, inabot niya sa akin yung payong niya saka sinuong ang ulan papunta sa parking lot.




He's sweet.




Yun ang naisip ko kanina. Nag-bus ako pauwi. Naghintay pa ako ng matagal sa waiting shed. Sobrang lamig na lamig na ako at ngayon...




"Anak, kainin mo na ito at uminom ka ng gamot."




Ngumiti ako at niyakap si mama. "Salamat po..."




"Ikaw talagang bata ka... Kita mo ngayon, ang init init mo."




Natawa ako. "Baba niyo nalang po dyan... Pahinga lang ako sandali."




"Sige... pero siguraduhin mong kakainin mo yan para makainom ka agad ng gamot mo."




"Opo, ma'am."




Paglabas niya, nahiga ako at pumikit.




Sobrang hilong hilo ako pero hindi parin maalis ang ngiti ko dahil sa sweet gesture ni Stephen kanina. At least, may improvement na ako, diba? Hindi naman niya ako kinakausap tapos biglang..... Hahahaha... Kinikilig yata ako.




Maya maya, bumangon din ako para kumain at uminom ng gamot.


-----




Kinabukasan, mainit parin ako pero I refused not going to school. Kailangan kong pumasok. May mga quizzes kami na hindi ko dapat ma-miss. Scholar ako at may maintaining grades ako. Sayang din yung mababawas sa grades ko pag nagkataon.



"Anak, sigurado ka ba? Mas mainit ka pa ngayon kesa kagabi."




"Ma, okay lang p---" napaubo ako at lalo siyang sumimangot. Haha. "Okay lang ako, 'ma... Wag ka ng mag-alala ha? Kaya ko ang sarili ko."




"Haaay, mapipigilan pa ba kita?"




I playfully shook my head.




Nagbuntong hininga siya. "Ano pa bang magagawa ko? Kung buhay lang ang papa mo..."




"Hindi ako mananalo sa kanya... Alam ko naman, ma." natawa ako ng mahina.




"Sya, sige na... Mag-iingat ka ha."




Tumango ako at niyakap ko siya.




Halos kalahating oras ang biyahe papunta sa school. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising lang ako nung konduktor paghinto sa campus dahil sa uniform ko. Buti na nga lang eh.




Nakasuot ako ng mask at tinatahak ang daan papunta sa room. Pataas na ako ng hagdan ng makasabay ko si Stephen. Nagsalubong pa ang kilay niya.




Itinaas ko ang kamay ko. "Good morning."




Malat pa. Haaays.




"What's with that?" turo niya sa mask ko.




"Wala lang 'to... Sige, mauna ka na." sinenyas ko ang hagdan. "Gustuhin ko mang sumabay sayo, hindi pwede eh. Baka mahawa ka pa."



Officially, In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon