09182018

10 1 0
                                    

Una pa lang...
Sinabihan ako na ang kwento ng buhay mo
Ay hindi tulad ng isang tanyag na taong
May ipinaglalaban na prinsipyo.
Alam ko...
Ika'y hindi tulad niya
Ngunit alam ko rin
Na may sarili kang kwento
Na kaiba sa kanya
At ito ang siyang magpapaliwanag
Kung bakit nga ba ganyan ka.

Napag-alaman ko rin na isa kang
Ehemplo na mananalamin
Sa mga pagkukulang ng maraming tao,
Mga pagkakamali nilang
Mas mapapagtanto...
Kapag ang kwento mo'y bibigyang pansin nang buong puso.

Hindi ko lubos maisip
Na ang taong nakilala ko lang
Mula sa mga nakalathala sa iba't-ibang libro,
Ay mas makikilala ko
At mas matutulungan ako
Upang makilala ang sarili ko
Matapos ko siyang kilalanin pa
Sa mas makamundong konteksto at katha.

Aaminin ko...
Ako man ay napa-isip:
Kung ako ba ay naghangad ng mga taong
marunong lang makisama
O ng mga taong lalaban kasama ako.
Kung ako rin ba ay isa sa mga taong
Nalito na kung sino nga ba ang tunay na ako.
Kung ako ba ay isa sa mga taong
May ipaglalaban na idolo
O may ipinaglalaban na prinsipyo.
Kung ako rin ay minsan nang na-GOYO
Sa mga pangakong nanatili lang sa salita
At hindi kailanman natupad ng kahit isang maliit na gawa.

Ang mga iyon at marami pang iba
Ang siyang sa isip ko'y nabuo.
At alam ko rin ang maisasagot ko
Sa mga katanungang paisa-isang lumilitaw.
Ngunit Salamat sa iyo,
Ngayo'y malinaw na ang mga bagay-bagay,
At alam kong papanindigan ko
At ipinapangako ko,
Na kahit kailan
HINDI AKO MAGPAPAGOYO...
Sa mga tao, bagay, kaisipan na
Lumalapastangan sa ating inang bayan.

Language of the HeartWhere stories live. Discover now