12032017

37 1 0
                                    

HULING TULA NG PAGSINTA

Iniisip kita
Sa tanghali, sa gabi, at umaga...

Mali...
Ang kwento nating dalawa
Ay di tulad ng isang liriko sa kanta.

Oo, iniisip kita.
Pero maiisip lamang kita
Tuwing ang araw ay sisikat na
At ni isang mensahe mula sayo ay wala.

Hindi lamang sa ganoon maiisip kita...
Pagkat kapag ako'y may ginagawa
Sa isip ko, mga ala-ala nati'y lilitaw bigla.
At kahit isara ko pa ang aking mga mata
Naroon ka pa rin sa madilim nitong pagsara.

Huwag kang mag-alala,
Hindi naman minu-minutong naalala kita,
Hindi rin oras-oras ay ikaw na lang ang nagugunita.
Ngunit magsisinungaling ako pag sinabi ko na
Kinalimutan na talaga kita.
...pagkat hindi pa...

Sa katunayan ay gustong-gusto kong iniisip ka
Tuwing gabi habang nakahiga ako sa kama
Habang nakatingin ako sa mga tala,
Habang pumapatak ang aking mga luha,
Gabi-gabi gusto kong isipin ka
Pagkat nais kong tulog mo'y mawala
Ng sa gayon ay mapa-isip ka.

Nais kong maisip mo
Lahat ng pait at sakit na dinulot mo
Sa isang tulad kong minahal ka ng buo.
Nais kong maisip mo
Na hindi lahat ng pagkakamali mo
Ay ipipikit ko ang mga mata ko
At ititikom ko ang bibig ko.
Hindi ganoon ang pagmamahal ko para sayo.

Alam kong mali ako nung pinakawalan kita
Pero ayoko nang mas masaktan pa
Alam kong mas magiging masaya ka
Kapag hahayaan kitang sa yakap ko'y kumawala.
Kung kaya't sinulat ko itong tula
Hindi para sisihin ka
Kundi para tuluyan nang pakawalan ka.
Nawa'y maging tunay na masaya ka.
Paalam na (aking sininta).

Language of the HeartWhere stories live. Discover now