Chapter LXIX: AUTUMN VS. ASH

Start from the beginning
                                    

Nakipagkamay naman si Autumn sa kanila. Napapairap lang si Ash kay Autumn.

"Nice to meet you guys." Sabi ni Autumn.

"Nga pala bakit pala kayo napadaan dito?" Tanong ko.

"Si Ash kasi may sasabihin sayo." Sabi ni Clark.

"Ano yun?" Tanong ko kay Ash.

Nakayuko pa rin sya.

Siniko naman sya ni El.

"Bakit?" Tanong ni Ash na parang nagulat dahil sa sobrang lalim ng iniisip.

"Ano daw yung sasabihin mo kay Elisha?" Sabi ni El.

"Ha? W-wala." Sabi ni Ash.

"Ha? Diba magsosorry ka sa kanya?" Sabi ni Clark.

"Bakit sya magsosorry kay Elisha?" Tanong ni Autumn.

"What did you do to Elisha?" Sabi ni Autumn at medyo nag iba yung tono ng boses ni Autumn.

"Don.." saway ko kay Autumn at saka ko sya hinawakan sa braso.

Since then kasi si Autumn lagi yung nagtatanggol sa akin lalo na sa mga umaaway sa akin. Minsan napaaway pa sya nun dahil inaasar ako ng mga kaklase kong lalaki kaya nakipagsuntukan si Autumn.

Tinignan ni Ash si Autumn at saka sya nag step forward sa mismong harapan ni Autumn.

"Bakit? Anong gagawin mo sakin?" Tanong ni Ash.

"Sinaktan mo ba si Elisha?!" Tanong ni Autumn.

"Oo sinaktan ko sya!" Sigaw ni Ash.

"Ash-"

"Pinagsalitaan ko sya ng masama! Sinigawan ko sya!" Sabi ni Ash.

"Ash, tigilan mo na to." Sabi ko.

"Magsosorry naman talaga ako sayo Elisha eh. Kung di lang pakealamero tong lalaki na to!" Sabi ni Ash.

"Bakit ba ang yabang mo bro?" Tanong ni Autumn kay Ash.

"Wag mo kong ma bro bro dahil hindi tayo magkapatid." Sabi ni Ash.

"Sino ka ba sa tingin mo?" Tanong ni Autumn.

"Nililigawan ko si Elisha bakit? May angal ka don?" Tanong ni Ash.

"Manliligaw ka lang, bestfriend ako." Sabi ni Autumn.

"Yun na nga eh, kaibigan ka lang." Sabi ni Ash at saka sya napatawa ng mahina.

"Ang yabang neto ah!" Sabi ni Autumn at saka umamba na parang susuntukin na si Ash.

"Don! Please!!!" Sigaw ko.

"Ash! Pwede ba?! Umalis na kayo!" Sabi ko.

"Tara na ash!" Sabi ni Clark at saka nila hinila si Ash pabalik sa kotche at saka na sila sumakay sa loob.

"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Autumn.

Agad na humarurot paalis yung kotche ni Ash.

"I can't believe this! You let that man court you?!" Tanong ni Autumn.

"Don, mabait naman kasi sya.." sabi ko.

"Mabait??!! Anong kinabait non!! Arghh! Elisha wake up! Hindi ka para sa lalaki na ganon!" Sabi ni Autumn.

"Autumn, please calm down." Sabi ko sa kanya.

Halos mamula na sya sa sobrang galit.

Nakailang inhale exhale sya.

"Sorry. Ayoko lang talagang nalalaman na may nananakit sayo. Anyway, ano ba kasi yung ginawa nyang lalaki na yan sayo? At paano mo yan nakilala? Tell me everything."Sabi ni Autumn.

Kinuwento ko sa kanya halos lahat ng nangyari simula sa pinakauna bago ko sya makilala. Halos abutin na kami ng alas nwebe ng gabi kakakwento ko sa kanya.

"Diba? Mabait naman sya?" Sabi ko.

"I don't think so." Sabi ni Autumn.

"Bakit?" Tanong ko.

"Diba sabi mo na sobrang yaman nila? Of course papakitaan ka nyan ng puro kayamanan. Iisipin nyan na pera lang naman yung katapat mo dahil hindi naman kayo mayaman. Hindi mo ba napapansin? Na halos dalhin ka nya sa kung saan saan. Halos sagutin nya pa lahat ng gastos. Halos ilibre ka nya kamo lagi?" Sabi ni Autumn.

Possible kaya yun?

Possible kaya na ganun yung tingin sa akin ni Ash? Na konting pakita lang ng pera, bibigay na? Na yaman lang yung habol?

:(

//
Author's Note

What do you think guys? Ganun nga ba si Ash? Hmnn...

Our next target is 25k reads to get a bonus chapter! :)))) anyway, thank you for reading! Thankful ako dahil lagi nyong hinihintay yung update ko grabeeeee :">>

Anyway, my next update will be on Friday!!! :)))

Sa mga pupunta ng baguio sa 24, kita kits!!! :)))

PS. Alam nyo bang sinampal ako ng TOTOONG BALIW/ SIRAULO. Girl sya na medyo matanda na. Nagulat ako sobra. Ang sabi nya sa akin, "NASAAN SI ERLINA?" Tapos agad nya akong sinampal hanep. Akala ko kung sino. Tapos nun ko lang naisip na yun pala yung sinasabi nila na baliw nga raw sa kabilang barangay namin HAHAHA!

~kim

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now