Habang naglalakad kami ay madaming napapatingin sa amin. Yung iba puno ng paghanga, pero mas madami padin ang may galit samin or should i say sakin.

"Ako na bibili ng pagkain natin. Ano bang gusto nyo?" tanong ko sa kanila. Inaaninag ko kung mahaba ba yung pila, buti nalang ay maikli lang yung pila. Makakakain kami ng maaga.

"Naks! Libre mo boi?"

"Yayamanin kana pala, boi."

"Gago! KKB tayo dito mga ugok." sambit ko tsaka sila isa-isang siningil. May balak pa silang hindi magbayad pero dahil sinusunod nila ako, nagbayad nadin sila.

Wala akong masyadong pera kaya hindi ko sila nalilibre. Simpleng buhay lang naman ang meron ako. Hindi mayaman, pero hindi naman mahirap. Nagigipit din minsan dahil sobrang daming schoolworks na kailangang bayaran.

"Samahan na kita, boi."

"Ako din, boi. Sama ko."

Tinanguan ko lang sina jasper at clark. Sinennyasan ko naman yung iba na maghanap na ng pweston mapapagkainan.

Alam ko na yung mga paborito ng mga tropa ko kaya hindi ko na hiningi kung ano bang kakainin nila dahil lagi naman nilang binibili yung mga gusto nila. Halos lahat naman kami puro chicken at coke yung binibili, depende nalang sa iba kung gusto pa ng panghimagas.

Habang nasa pila ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa kabilang section. Napatingin sila sa banda namin kaya nginitian ko sila saka sinenyasan na lumapit samin.

"Sesaaaaaa!!"

"Beeee."

" Sessssss!"

Iyan agad ang bumungad sakin at dinamba nila ako ng yakap. Mga babae sila, tatlo. Sina abby, amor at nicole. Hindi ko na sila nakakasama dahil magkaiba nga kami ng section at  
masyado na ding busy kaya minsan nalang kaming magbonding.

"Uy, 'di ako makahinga." sambit ko sa kanila at isa-isa naman silang kumalas. Hayyyy. Salamat.

"Kamusta, bakasyon?" tanong ni abby.

"Ayos lang. Nilibot ko lang buong bahay namin."simpleng sagot ko. Nagtawanan naman silang tatlo.

Napatingin sila sa gawi ng dalawa kong kasamang lalaki at napatingin ulit sa akin.

"Ahh. Guys, si jasper at clark. Single silang dalawa." nakangiting pakilala ko sa kanila.

"Ang gwapo, beshywap." bulong sakin ni Amor. Napatango-tango ako at tumingin sa dalawang ugok na kasama ko. Ang sama ng tingin nila sakin, siguro alam nilang ibubugaw ko sila.

" Nga pala. Si abby may bagong bebe." sabi ni Nicole. Saglit akong huminto at napatingin kay Abby na nakayuko at mukhang nahihiya. Shookt!

"Hinayyyy!! Sino?" tanong ko sa kanila.

"Yung isa sa mga kaklase namin. Transferree lang sya eh." banggit ni Amor habang nakatingin kay Clark. Mukhang nagugustuhan ng kaibigan ko, kung sino pa yung pinakaplayboy sa mga tropa ko ah.

"At alam mo ba, Sesa. Si abby ang muse at si Mhac sya yung escort. O' diba bongga." dagdag ni Nicole habang kinikiliti si Abby.

"So Mhac is his name? Hmm. Pangalan pa lang alam ko ng magugustuhan ni Abby." sambit ko at tinignan si Abby. Namumula talaga sya ah.

"Ano pong order nyo?"

Natigilan ako tsaka humarap sa tindera. Hindi ko napansin na kami na pala oorder.

" Sige, Sesa. Next time nalang ulit tayo magchikahan. Babush." sabi nila. Tumango naman ako tsaka tuluyan na silang umalis.

Humarap ulit ako sa tindera tsaka sinimulan ng magorder. Pagkatapos ay sila jasper na ang pinagbuhat ko ng mga pagkain.

" Sa wakas andyan na."

"Bakit parang ang tagal nyo naman?",

"Oo nga. Kanina pa kami gutom."

Bungad na tanong nila samin.. Isa-isa ko silang tinaasan ng kilay. " Sa susunod, kayo nalang bumili." sabi ko.

"Joke lang, boi. Ikaw naman."

"Hehehe nagbibiro lang boss."

"Tara na nga at kumain na tayo." Sa wakas ay nagsalita si Kim kaya inumpisahan na naming lumamon.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay natapos na din kami.. Sobrang solid ng pagkain, ang sarap talaga kaya pala parang ginto mga bilihin dito eh.

"Aaaaaaahhhhhhh..."

Napadighay ako ng wala sa oras kaya napatingin silang lahat sakin. Taka naman akong tumingin sa kanila.

" Lagi kang ganyan. Iwas iwasan mo nga iyang kagaganyan mo. Parang 'di babae." sambit ni Amil.

"Hindi naman kasi babae yan eh." birong sabi ni Troy tsaka sila nagtawanan.

"Eh kung sapakin kaya kita dyan?" hamon ko kay Troy. Nagpeacesign lang sya at kinausap na si Josh.

Pagtapos naming magpahinga ay naisipan naming pumunta sa Main Campus at duon tumambay.

Nakaupo lang kami sa isang hagdanan na kung saan malakas ang hangin kaya presko dito. May kanya-kanyang ginagawa ang mga ugok. Ako naman ay nagdadrawing lang.

Matagal na kong mahilig magdrawing. Lagi kong ginuguhit yung mga bagay na nangyayari sakin. Natuto din kasi ako, simula noong turuan ako ng Erpats ko. Magaling syang magdrawing eh, gusto nyang magengineering nun kaso lang hindi nya natupad dahil sa hirap ng buhay.

Simula nang mawala ang Erpats ko ay mas lalo kong nagustuhan ang pagdrawing, para bang ito na yung nagbibigay buhay sa akin.

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Kim. Mukha syang nagaalala sakin. Nginitian ko naman sya tsaka tumango.

"Para kasing kanina ka pa walang gana eh." dagdag pa nya.

Hindi ko alam kung paano namin naging kaibigan itong si Kim. Masyadong mabait, maalalahanin at higit sa lahat maganda. Nasa kanya na nga ang lahat eh pero thankful padin kami dahil sa kanya parang may angel na nagbabantay sa amin.

"Kilala mo ba yung dalawang babae dun na laging kasama nung mga lalaki sa Grade 11?"

"Oo nga. Ang ganda nung mahaba yung buhok na may pagkabrown.Si kim ba yun."

"Tama. Ang ganda ganda. Yung short hair kasi mukhang masungit eh."

" Ang ganda kaya ni Sesa, pre. Sobra. Kung baga ang fierce nya tignan. Ganun yung mga type ko eh."

"Sus! Hindi ko sya type. Masungit."

Lahat kami napahinto nang may narinig kaming naguusap. Mukhang padaan sila samin ah. Sanay na akong pinaguusapan lagi, hindi naman sa pagmamayabang.

"Hoy!"

Napatingin ako kay Ash ng sumigaw sya. Tinatawag nya yung tatlong lalaking naguusap. Gulat na napaharap silang tatlo sa banda namin. Naramdaman ko yung tension sa mga kaibigan ko, mukhang nagalit sila ah. Si Kim naman ay parang wala lang sa kanya. Hindi nya hilig ang pakikipagaway, never ko pa siyang nakitang magalit eh.

"Alam nyo bang hindi maganda na pagusapan ng masama ang isang tao ah?" tanong naman ni Mike.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila. Ayoko munang makigulo. Mukha pa namang kinakabahan yung tatlo.

"S-sorry."

"Pasensya na, pre."

"Sorry."

Kanya-kanya nilang sabi habang nagsosorry kay Mike. Paalis na dapat sila ng magsalita naman ako.

"Yah! Bakit kayo nagsosorry sa kanya? Hindi ba dapat sakin kayo magsorry?" sambit ko habang nakatingin sa kanilang tatlo. Mukhang lalo ata silang kinabahan. Tsk! Tsk!

"Sorry." sabay-sabay nilang sabi habang nakayuko pa ng konti.

Napangisi ako tsaka tumayo na. Pinagpagan ko muna ang palda ko bago tuluyang lumapit sa kanila. Tinignan ko yung lalaking nagsabi na hindi daw nya ako type.

"Hindi din kita type." bulong ko sa kanya tsaka ko sya tinapik sa balikat bago tuluyang umalis. Sinenyasan ko nalang sila Josh na sumunod sa akin.

























You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My DiaryWhere stories live. Discover now