Dahan-dahan at nakayuko akong pumasok para hindi ako mahalata ni Sir, daks. Nang malapit na ako sa upuan ko ay may nakita akong dalawang pares ng sapatos na nakatayo sa harapan ko.

P-A-T-A-Y

"You're late again, Ms. Montes."

Naramdaman ko na unti-unting yumuko ang nasa harapan ko, kaya napatingin ako sa kanya. Pinakitaan ko sya ng pinakamatamis kong ngiti pero mukhang walang effect sa kanya..

"Ar-aay! ara-aay! Sir. Daks. naman ang sakit na." sigaw ko ng bigla nya kong pingutin at hinila papunta sa harapan..

"Tigil-tigilan mo yang kakatawag mo sakin ah. Ikaw lang ang nagiisang babaeng laging nagpapastress sakin." banggit nya.

Wala nalang akong nagawa nang pag squatin nya ko sa harapan. Puro tawa naman yung mga kaibigan ko sa likod kaya pinakyuhan ko sila.

"Mga bobo!" sabi ko sa kanila ng walang tunog..

"Wag nyong gagayahin itong kaklase nyong ito ah. Bad influence to' sainyo." banggit ni Sir. Daks sa mga kaklase ko.

Nagmamakeface lang ako ng sinasabi nya yun.

Ilang minuto ang nakalipas ng napatingin ako sa bintana ng classroom namin kung saan nakikita ang mga studyanteng naglalakad.

Napangiti ako ng napadaan ang mga kaibigan ko na nasa ibang section. Napatingin sila sakin at tsaka kinawayan ako, kumaway din naman ako pabalik. Nakangiti ako sa kanila habang sila parang naawa pa sakin. Parang sinasabi nila na dapat kasi ay wag na kong magpupuyat at pumasok ng maaga. Napailing nalang ako.

" Okay. Class dismissed."anunsyo ni Sir. Daks.

"Yeeeeessss.." sabi ko at nagunat-unat.. Ang sakit sa likod nun ah.

Nagsilapitan yung mga kaibigan kong ugok sakin at isa-isa akong inapiran. Mga matagal ko na silang kaibigan, simula pa noung una akong nakapasok dito. Sobrang saya nila kasama, kahit na minsan ay ang sarap nilan bugbugin, at OO, halos lahat sila lalaki, dalawa lang kaming babae sa grupo namin. Bale sampu kaming lahat. Walong lalaki at dalawang babae. Si kim, sya yung babaeng sobrang bait, matalino, maganda kumpara sakin.

"Ayos ka lang ba, Sesa?"

Speaking of kim. Napatingin ako sa kanya at nginitian sya.

"Ayos na ayos ako, kim." sambit ko.

" Hindi ka pa ba nasanay sa kanya, kim. Laging ganyan naman yan eh." natatawang sabi ni troy.

Tumawa naman silang lahat kaya ako, sinungitan ko sya tsaka binatukan. Sanay na kong laging inaasar ng mga ugok na kaibigan ko, pero hindi namin naasar si kim. Masyado syang precious samin. Ako naman yung pinakaclose sa kanilang lahat dahil ako yung mastermind nila.

B-O-I  yan ang tawagan namin lahat. Maliban kay kim, kim lang tawag namin sa kanya at yung pangalan naman namin ang tawag nya samin. Gets nyo ba?

" Tara na, guys. Punta na tayo sa canteen." yaya ni kim.

"Oo nga. Gutom na gutom ako eh. Ito kasing babaeng ito. Hindi pumasok ng maaga kaya wala akong nakain kanina."

Napatingin ako kay josh ng sabihin nya yun.

"So kasalanan ko pa. Ako ba kakainin mo ha?" natatawang sabi ko sa kanya.

"Oww."

"Kainan."

"Yuck."

"HAHAHAHA."

"Eww, boi.. Kadiri mga iniisip mo." sambit ni josh. Tinawanan ko lang sya tsaka kami nagpunta sa canteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My DiaryWhere stories live. Discover now