Capítulo Dos - Breakfast

962 18 2
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Medyo pakiramdam ko rin na hindi ako komportable sa suot ko at ang dumi ko.

Naaalala ko pa yung mga nangyari kagabi kaya ako nandito sa condo.

May ilan naman akong damit at twalya dito kaya't naligo na rin ako.

Pinakiramdaman ko ang bawat pagpatak ng tubig na nagmumula sa shower head.

Nakayuko ako. Nag-iisip ko pa rin kung bakit ako? Bakit ako palagi yung niloloko? Wala naman akong tinatapakang tao. Bakit ako?

Kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung hanggang kelan ako lalaban o hihinto. Alam ko kung hanggang kailan ko iisipin yung mga tanong ko. Alam ko kung paano ako malilibang. Alam ko kung hanggang kailan ako magtatanim ng sama ng loob. Alam ko kung paano makalimutan yung ganun bagay. Madaling magpatawad. Pero mahirap makalimot.

Matapos ang siyam na minuto ay natapos na ko sa paliligo.

Napasulyap ako sa wall clock.

Alas siete y media ng umaga.
Hinahanap ko yung phone ko.

Kinapa kapa ko sa bulsa ng pantalon ko kahapon. Napafacepalm nalang ako ng maalala kong nakalimutan ko sa office sa bar.

Asar!

Sinigurado ko na ngayon na wala akong naiwan sa condo hawak ko naman yung susi ng kotse ano pa bang dala ko?

Napakamot nalang ako sa ulo ko at lumabas ng unit.

Pagbaba ko ng condo naalala kong wala nga akong naiwan. Pero may nakalimutan ako. Ang patayin ang shower.

Conserve water Viceral! Ano ba!

Inis akong bumalik paelevator.

Laking gulat ko nang iluwa nito yung lasing kagabi at yung kaibigan nya. Plain white hoodie at black shorts na hindi gaanong maiksi ang suot nya

Nagkatitigan kami nung Jackque(?)

"He-llo po." Kaway ni Madc sa akin.

"Ah, hi? Nice to meet you. Again."

Hinila nito yung kaibigan nya upang lumabas ng elevator.

"May unit ka rin ba dito?" Tanong naman ni Madc.

Sa pagkatulala ko sa kaibigan nya ay naiwan na ko ng elevator.

"Oh no!" Paghahabol ko sa sumarado ng pinto.

Napayuko nalang ako at pumindot ulit.

" Ay. Sorry, JM. Tama?"
Napabaling naman ako sakanila.

"Ah oo. Oo may unit ako rito. Naiwan ko kasi yung ano.. yung shower."

Nahihiya kong sabi. Napatingin naman ako sa kaibigan nya na parang nagpipigil ng tawa.

"I mean naiwan kong nakabukas."

Pinandilatan naman ni Madc yung Jackque.


Maganda nga mapangalaska naman. Tss. Parang kagabi lang makapaglasing akala mo wala ng bukas.


Siniko pa ni Madc 'to. At may binulong.
Nagbago naman yung ekspresyon ng mukha nya. Real quick.


"Ahm.. ano.. pasensya na po sa abala kagabi. Salamat po pala sa paghatid." Medyo nagbow pa sya habang sinasabi iyon. Ang cute lang.


PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now