Capítulo Cuarenta - Bounce Back

184 8 8
                                    

Vice POV

Naglalakad kami pauwi pero iyak pa rin sya ng iyak. Ganun ba talaga kapag ikaw yung nang-iwan? Well, di naman nya ko iniwan talaga di ko alam yung tamang term. Lumayo? Nag-pahinga?

Naglalakad kami kapag may nakakasalubong, pinagtitinginan kami.

"Uy, tahan na.." parang di ba dapat ako yung umiiyak?

Masakit din naman na nakikita ko syang nasasaktan sa nangyari sa amin.

Masakit din naman sa part ko yung nararamdaman ko.

Yung wala kang alam na nasasakal mo na pala sya. Na nasasaktan mo na sya.

Sa akin pala babalik lahat yung ulit.

"Hindi naman kita gusto hayaan na mag-isa. Alam kong kaya mo yung nangyari sa'yo. Inisip ko lang naman yung sarili ko. Ang sama ko na ba dahil ginawa ko yun?"

Napalunok na lang ako dahil di ko alam paano sasagutin yun kahit alam ko naman na hindi masama yung ganun.

"I love you." Hindi ko alam kung bakit pero iyon lang yung sigurado akong kaya kong sabihin ngayon.

"I really do." Dagdag ko pa.

Tumango lang siya na parang sinasabing ramdam nya naman iyon at hindi nya pinagdududahan iyon.

Hindi ako naghihintay ng sagot pabalik.

Ayoko rin naman makasira ng relasyon.

Dumidilim na rin ang paligid.

Sabay na bumukas ang mga ilaw sa daanan na pqra bang binuksan para sa aming dalawa. Dahil kami nangangaunti na rin yung taong dumadaan.

Hanggang sa kami na lang dalawa yung naglakakad sa kalye.

"Sorry ha? Palagi mo na lang ako hinihintay." Sabi niya.

"Mahihintay mo pa ba ko?" Lumingon siya sa akin.

Napahinto kaming dalawa sa paglalakad.

"Paano si tom?" Tanong ko dahil, ang unfair lang sa kanya kung ganun.

"Bakit si tom?" Balik na tanong niya na nagpakunot ng noo ko.

"Kayo ba?"

"Walang kami."

"Eh bakit.. anong ginawa nya sa inyo kanina?"

"May naiwan kasi syang gamit nung nagsayaw tapos sa akin binigay di raw alam nung bagong member yung bahay nila tom kaya sa amin dinala.."

"Ahh, okayy."

Naglakad na kami ulit na tila nakalimutan yung mga pinaguusapan kanina.

Tinignan ko naman sya kung anong tingin ko ay nararamdaman nya.

Malungkot pa rin.

Ano bang dapat ko maramdaman sa nalaman ko?

Nasaktan pa rin ako syempre. Pero mahal na mahal ko talaga yung babae sa tabi ko.
May saya naman akong naramdaman kahit papano.

Kahit papano.

Na baka pwede pa

"Pagtulungan natin ayusin 'to. Okay lang ba?"

Tanong nya.

Iyon yung nagpangiti sa akin. Nabuhayan ng loob yung malapit na sumuko.

"Kaya natin 'to." Nilahad ko ang kamay ko, tinanggap naman niya iyon.

Hindi ko alam kung paanong gagawin ano sasabihin, may awkwardness pa rin sa pagitan naming dalawa kahit magkahawak kami ng kamay. Malamang sa malamang ganun din yung nararamdaman nya.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now