Capítulo Treinta Y Otcho - Magic!

327 18 22
                                    

Vice's POV

Pagkaabot ko ng phone ko ay chineck ko kung anong oras na ba.

Alas siete ng umaga.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit na naman ito.


Naupo ako sa kama.

Luminga ako sa paligid.

Nasa kwarto pala ako, sa bahay.

Na saan ba si Miguel?


Ano ba kasi pinainom nya sa akin kagabi. Sakit sa ulo talaga. Medyo blurred pa yung paningin ko.


Sinuot ko na yung tsinelas na nandito sa paanan ng kama.

Minabuti ko na magshower muna para mahimasmasan.

Di ko alam pero hinayaan kong bukas iyon kahit nagsasabon at shampoo ako.

Bawat patak ng tubig mula sa shower head ay damang dama ko.

Gustong gusto ko yung pakiramdam na yun. Nakakarelax.

Marahan kong ipinikit ang mata ko at yumuko para mas maramdaman sa ulo ko mismo yung tubig.

Tinukod ko ang isang kamay sa pader at huminga ng malalim at dahan dahang pinakawalan iyon.

Parang gusto ko na lang mabuhay dito. Sa panaginip na 'to.

Bigla ko namang naalala yung pinakita nya kagabi.

Nag-aabang na lang ako sa mga susunod pang mangyayari.

Baka sakaling malaman ko na kung ano ba dapat gawin ko.


Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ko ng preskong damit. Simpleng puting t shirt lang na may kaluwagan at bumaba na ko para kumain.

Naabutan ko naman yung dalawa kong kasambahay.

"Si boss Miguel nyo? Nasaan?"

"Ha?" Tanong ni Jackie

"Hakdog." Sagot naman ni Lalaine.

"Balakayodyan." Sabi ko na lang at naupo sa mesa.


"Asan na yung ano mo Kuya?" Tanong naman ni Jackie na nakatayo sa tapat ko.

"Alin?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Di ko alam tawag e hayaan mo na nga?" Sabi nya tsaka may pagkamot pa sa bandang likod ng ulo niya.

Hinayaan ko na lang at nagugutom na rin talaga ko.


San naman ako pupulutin after ko kumain?

Tanong ko sa sarili ko habang tulala na kumakain pa rin.

Apple lang tsaka yogurt yung kinakain ko. Napansin ko naman yun cereal sa harap ko.

May ganito pa pala ko?

Kinuha ko naman iyon tsaka naglagay sa bowl kasama nung apple at yogurt.

San ko hahanapin si Miguel? Baliw naman kasi. Bigla bigla na lang sumusulpot minsan.

Naramdaman ko naman na nagvibrate yung phone ko sa bulsa.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now