Capítulo Dieciotcho - Intensity 1

386 13 10
                                    

Matapos ko ihatid sila Vhong noong araw na ininvite ko sila Jaki sa bar.

Pagpasok ko ng bar ay parang nakikipagtalo si Toper sa costumer kaya't nilapitan ko.

*Flashback*

"Excuse me sir? May I know your concern?" Pormal kong bati sa kanya.

Nagulat naman ako nang makita ko kung sino.
Namumula yung mata nya. Di ko alam kung saan ba galing 'yon. Pero parang sa iyak galing.



"Oh, ikaw pala yan. Ano nga ulit pangalan mo?"
Tanong nya sa akin. Medyo may tama na yata sya.

"JM, ikaw si Tom hindi ba?"

"Oo. So alam mo na pala?"

Sumenyas naman ako kay Toper na ako na ang bahala.

Anong oras na rin andito pa sya. Kaunti nalang nga yung mga tao dito.

"Alam ang alin?"


"Alam kong alam mong ex nya ko."

"E ano?" Nakita kong bahagyang nanggigil siya sa hindi ko sadyang tanong. Dahil nainis lang ako dahil medyo mayabang siya magsalita.

Pag nabasag nya yung glass ko babayaran nya yon. Higpit ng hawak eh.

"Do you like her?" Di ko alam kung dapat ko bang sagutin iyon. Di ko rin alam kung bakit di ko alam kung ano ang dapat isagot sa sitwasyon niya.


"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko sakanya pabalik. Uminom muna siya bago magsalita muli.


"I want to."


"I like her." I like her as a friend. I like her as a little sister. Pero di ko sinabi iyon. Bahala na sya mag-isip.

"I think I still love her." Sabi naman nya.

Eh gago pala 'to eh. Bat nya iniwan.


"Eh bakit mo iniwan?" Kumuha na rin ako ng shot glass.

"Kasi may doubt ako sa nararamdaman ko sa kanya. Kung magmamahal ako, gusto ko yung buong buo. Magiging unfair ako kung hindi ganun."


"Alam mo, gago ka pala talaga. Gusto kita sapakin para sa kanya."
Di ko rin naman sya masisisi. Dahil may point naman sya na kung di mo kayang mahalin ng di ka sigurado unfair sa tao. Pero gago talaga sya dahil mahal mo yung tao pero di buo? That's bullshit!

Uminom naman sya muli.

"Di nya deserve masaktan ng paulit-ulit."


"Pumasok ka sa relasyon na hindi ka sigurado?" Pagkukumpirma ko dahil kung oo ang isasagot nya papaduguin ko bibig nito.


"No! I love her! Sobrang mahal ko sya, before. Sobrang mahal ko si Jaki." Nagulat naman ako ng umiyak sya dito sa counter. Nakayuko na para bang batang iniwan ng magulang.


Hinayaan ko naman siya at uminom lang habang pinapanood sya.

"Mahal ko yun. Gusto ko lang naman mahalin sya sa paraan na alam kong dapat ibigay pero hindi ko magawa. Kaya nauwi kami sa ganito."


"Unfair mo." Tinignan naman nya ko.

"Di mo man lang naisip na baka para sa kanya enough na yung pagmamahal mo. Enough na yung nasa tabi ka nya. Pero iniwan mo sya. Kasi gago ka. Nanggamit ka pa ng ibang tao para lang palabasin na may babae ka."

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now