Capítulo Veinticinco - Gusto mo?

365 16 13
                                    

Vice POV

Yung mga ngiti ni Jaki, iyon yung ngiting nagpapahulog lalo sa akin.

Yung ngiting alam mong totoong masaya siya.

Yung ngiting gusto ko palaging makita.

"Alam mo anak, ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti ng ganyan si Jackque."

Napalingon naman ako sa mommy nya. Tinignan rin ako nito pabalik habang yung anak nya ligayang ligaya na nauna na at binubuksan ang pinto dahil nasa kanya ang susi.

"Pinipilit nyang maging masaya kasi ayaw nyang maging malungkot. Pero totoo yung saya na nararamdaman nya. Palagay ko'y nakikita mo naman iyon." Dagdag pa ng mommy nya. At ngumiti ito sa akin


"Salamat dahil nasa tabi ka palagi ng anak ko. Nakikita kong napakabuti ninyong kaibigan nila Madc." Parang niyakap yung puso ko ng isang mapagmahal na magulang sa narinig ko.

"Wala po iyon tita." Yun lang ang nasabi sa sobrang flattered. Di ko alam.

Tuluyan na ngang pumasok si Jaki. Tingin ko ay kumakain na iyon sa kusina.



Iniwang bukas ni Jaki ang pinto kaya't ako na ang nagbukas doon, binaba ko mhna ang mga bitbit ko at naunang pinapasok si tita.

"Baka po nasa kusina si Jaq, alam nyo naman po yun." Bahagya pang natawa si tita sa sinabi ko.


Pero pagpasok na pagpasok ko dala ang mga gamit ay wala siya sa kusina.

"Wow, himala." Bulong ko.

"Jaki?" Tawag ko sa kanya.

"Check ko lang po sa kwarto." Sabi ko kay tita na nakaupo ngayon sa sofa.

"Jaki?" Tawag ko muli nang naglakad ako papunta sa master's

Napahinto naman ako noong may nahagip yung mata sa isang kwarto dahil nakabukas ang pinto noon kaya't napaatras ako para tignan yun.

Nakita kong nakahiga na si Jaki sa kama at nakasapatos pa. Natutulog.

Ito yung taong masandal, tulog. Bakit kasi dito natulog. Napapangiti nalang ako sa itsura niya. Ang ganda kasi e.

Nilapitan ko siya at sinikap kong hindi makagawa ng ingay.

Naupo ako ng dahan dahan sa may paanan niya. Kung saan nakaharap ang katawan nya.

Nasa tabi pa nito ang phone nya.

Kinuha ko iyon at nilagay sa table sa gilid ng kama.

Tinanggal ko naman yung sapatos niya.

Knowing her di naman sya magigising agad pero mabuti na yung nag-iingat.


Binalikan ko naman si tita na tumitingin noong nakapatong sa kitchen counter ng mga lulutuin.

"Tita, nakatulog po si Jaki. Gusto nyo po magpahinga rin po muna kayo? Dalhin ko na po 'tong mga gamit nyo sa kwarto. Tapos po maluluto na po muna ko ng tanghalian ninyo."
Pagprisinta ko pa

"Vice, anak. Kumalma ka nga muna. Okay lang ako. Ako nalang ang magluluto. Ikaw baka gusto mo magpahinga muna? Sabayan mo na kaya kami pagkain mamaya? May lakad ka ba?" Tanong nya pa.

"Ay wala naman po." Hehe. Bait talaga ni tita.


"Oh dito ka na kumain." Makakatanggi pa ba ko tita? haha.

"Sige po tita. Namimiss ko rin po luto nyo e."

"Napakabolero mo pa rin talaga, Vice." Natawa naman ako dahil katunog ni Jaki mommy nya sa sinabi na iyon.


PANSAMANTALA (ViceJack)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα