Capítulo Dieciséis - HAPPY BIRTHDAY!

382 8 0
                                    

"Yes, hello Madc?" Sagot ko sa Telepono kong kanina pa nagwawala. Di ko kasi sya nabalitaan. Hinahanap daw ako ni Jaki sa kanya dahil madalas kami mag-usap. Sakto namang nagmamaneho na ako kaya di ko mahawakan yung phone ko.

"Huy! Anu na!? Sabi mo alas seis andito ka na. Kanina ka pa hinahanap sa akin."

"Eto na. Sandali nagmamaneho ko. Mga 6:30 andyan na ko. Bilangan mo man ako."

Ni hindi ko na nga nagawang magbihis kakamadaling umuwi eh.


Tinanggal ko nalang yung coat ko kanina habang nasa traffic.

Sinulyapan ko naman yung regalo ko na nasa likuran ng sasakyan.
Napangiti ako doon. Excited na ko. Kung hindi lang ako nag-iingat ay pinalipad ko na itong sasakyan papuntang Antipolo.



Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Jaki ay kinabahan naman ako ng sobra.


Bakit ka ba nagkakaganyan self? Para kang aakyat ng ligaw at ipapaalam sa magulang eh.



Nagpark muna ko sa dati kong pinagparadahan. Di naman siguro iyon mahuhuli.




Sinilip ko yung bahay nila. Mukang marami siyang bisita. Sa bagay ay kakadating lang rin siguro ng iba.

Kinuha ko naman yung baboy sa passenger seat.

"Tara na, i-meet mo na yung magiging amo mo." Pagkausap ko pa dito.


Baliw na yata ako.



Mamaya ko nalang siguro ibibigay yung bag.


Nagpabuntong hininga naman ako bago lumabas ng sasakyan.



Agad namang napalingon si Jaki ng makarating ako sa tapat ng bahay nila.

Ngiting ngiti siyang kumaway at lumapit papunta sa akin. Habang sumusunod sa galaw nya yung mahabang buhok na kanina lang ay nakapatong sa balikat niya.

Sobrang simpleng tao talaga ng babaeng nasa harapan ko na ngayon. Nakared shirt lang siya at shorts na 1 inch nalang ay hanggang tuhod na niya. Suot nya yung pambahay na tsinelas na kulay pink.


"Magtatampo na sana ko akala ko di ka na darating." Biro pa nya sa akin.

"Tara sa loob." Pag-aaya nya pa sa akin. Habang nagsimula na maglakad. At muntik na ko maiwan dahil naestatwa na yata yung katawan ko sa gate nila.

"Saan ka ba kasi nagsuot?" Tanong nya pa.

"Ah- Jaki.. regalo ko nga pala sa'yo." Napahinto naman siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Nilabas ng baboy na hawak ko na kanina ay nasa likuran ko.


"Happy Birthday, Jaki." Bati ko sa kanya.



Di ko alam pero parang nagniningning yung mata nya noong makita yung baboy.


Sinampal nya naman sa akin yung baboy na marahan habang nakangiti. Medyo nagulat ako pero agad din naman iyon napalitan ng ngiti.

"Cute naman nito. Thank you! Nag-abala ka pa. Favorite ko 'to eh. Paano mo nalaman?"
Tanong nya sa akin habang titig na titig sa baboy at naglipat ng tingin papunta sa akin.

"Paborito mo ba 'yan? Di ko talaga alam kasi ireregalo sa'yo. Wala akong maisip kaya nag-aalangan ako kung okay lang ba yung regalo ko na 'yan."


PANSAMANTALA (ViceJack)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα