Chapter 2

286 13 0
                                    

Sarah's POV:

Nagpre-prepare ako ng pagkain para kay Señorita habang ang ibang inatasan dito sa kusina ay naghahanda rin para sa lahat ng nagtatrabaho dito sa Montana mansion. Ilang saglit lang may pumasok na mga katulong dito sa kusina at umupo na sila at nag-aantay na ng makakain.


"Ang tagal naman ni Trinity" biglang sabi ng isang katulong.


"Bakit? nasaan ba siya?" tanong ng kasama niya.


"Bumalik siya sa second floor para hanapin yung kapares daw ng hikaw niya" sagot naman ng isa na nakapagpatigil sa'kin. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya na hindi ko maintindihan kung bakit. Babalik na sana ako sa aking ginagawa ng may biglang narinig kaming malakas na sigaw.


"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! MULTOOOO!!!!!"


Napatigil ang lahat at nagsilabasan ng kusina kasama na ako, nagsilabasan din sa kanilang mga silid ang iba at yung ibang mga gwardiya na nagbabantay sa labas ay pumasok na dito sa loob.


"Saan nanggagaling ang ingay na'yon?" tanong ko sa kanila habang natataranta yung utak ko kung meron man.


"Sa itaas po Ms. Sarah" saad ng isang katulong habang nakaturo ang kanyang kamay pataas ng hagdan. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo na'ko agad pataas ng hagdan, may mga nakasunod sa'kin ngunit hindi ko na sila nilingon pa. Pagkarating namin ng second floor agad ko silang inutusan para maghanap sa buong floor.


" e check niyo lahat ng kwarto dito sa floor na'to" utos ko at agad na akong umakyat papunta sa third floor.


Pagkaakyat ko tumakbo agad ako sa kwarto ni Señorita at nang makarating ako doon ay nakita ko si Trinity na namumutla at walang malay na nakahiga sa sahig. Shit!!!


"Anong nangyari sa kanya?" Napalingon naman ako sa nagsalita, si Aling Amanda papa. Hindi ko alam na nakasunod pa pala siya sa akin.


" hindi ko alam" saad ko sa kanya. Mas lalo akong kinabahan sa nangyayaring ito. "Ikaw na muna ang bahala dito" saad ko kay Aling Amanda bago ako umalis.


Pumasok ako sa kwarto ni Señorita at pumunta sa banyo, ni-lock ko ang pinto nito para walang ibang makapasok. Pagkatapos ay kinapa ko sa ilalim ng lababo ang hidden switch at nagbukas naman ang pader sa gilid bathtub. Pumasok ako dito at dumiritso sa walk-in closet nina Señorita Samantha at Señorito Zero, lumapit ako sa harap ng salamin at itinapat ang kamay ko dito. May green light na linya namang nag sa- scan sa aking kamang.


"Handprint Confirm" saad nito na nakasulat sa itaas ng salamin at bumukas na ang hidden door o mas madaling sabihin na hidden elevator sa aking gilid na kung titingnan ay isang drawer na puno ng mga damit. Pumasok ako at pinindot ang green button kaya nagsara ito at umandar na pababa. Ang elevator na ito ay sinadya para lang sa daan papunta sa totoong kwarto ni Señorita Samara. Bumaba ang elevator sa second floor at bumukas ulit ang pinto kaya lumabas na ako. Humakbang ako ng limang beses papunta sa gilid at inilagay ulit ang kamay ko sa scanner para matanggal ang laser. Naglakad na ako sa hallway at ang aking tinatapakang tiles ay kulay white lang, dahil kahit natanggal na ang laser ay may mga patibong parin kung aapak ka sa maling kulay. Ito ang paraan ng mga magulang ni Señorita para maprotektahan siya laban sa kanilang mga kalaban sa negosyo lalong lalo na sa Mafia. Kaya sinadya nilang ipagbawal ang sino man na pumunta sa third floor ng walang paalam para kung may makapasok man na kalaban o ispiya ay iisipin nilang nasa third floor nagtatago si Señorita. Ngunit ang totoo ay nasa second floor talaga ang kanyang kwarto at hindi ito nakikita dahil napapalibutan din ito ng ibang kwarto at sound proof ito kaya kahit anong ingay ang gawin ni Señorita ay walang makakadinig sa kanya.

His Muted Wife Is A Faceless Mafia EmpressHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin