Chapter 10: Graduation Day

Mulai dari awal
                                    

"Lian, tara tumabi ka sa amin." Yaya ng Mama ni Shot.

Matagal ng nakaupo sila Lian sa loob bago pa nagsimula ang martsa ng mga magsisipagtapos. Agad bumaba ang Mama ni Shot para kumuha ng mga litrato. Naiwan sa upuan si Lian kasama si ang Tita Maggie ni Shot pati na rin ang anak nitong si Snappy. Tumayo rin silang dalawa pansamantala upang masilip si Shot na nagmamartsa papasok. Kumaway pa ito sa kanila bago tuluyang pumunta sa hanay ng mga upuan.

Makalipas ang halos isang oras ay nagsimula ng tawagin ang mga pangalan ng magsisipagtapos. May pagkainggit na naramdaman si Lian sa kanila, kung hindi sana siya tumigil at nagpatalo ng husto sa sakit niya ay kasama siya ngayon ng mga ito at magtatapos din. "Suzette Banzon" wika ng gurong nagsasalita sa itaas ng entablado. Napatayo si Lian at sinulyapan ang magtatapos na si Suzi. Hinintay niya na ring tawagin ang pangalan ng iba pa niyang kaibigan. Para syang tangang pumapalakpak sa kanilang lugar. Proud na proud siya sa kanyang mga kaibigan.

Hindi niya alam ay nakita iyong lahat ni Shot. Minamasdan siya ni Shot habang nakaguhit sa mukha niya ang halong saya at lungkot na may kaunting pagkainggit. Sandaling huminto si Shot sa pagtingin sa dalaga ng narinig niya ang tawag ng kanyang guro.

"Okay IV-Bonifacio Boys pumila na kayo sa gilid ng stage at susunod na kayo" wika nito.

Nakita rin ni Shot na tumayo na ang ama at pumwesto na sa gilid ng stage. Naglakad siya ngunit patuloy niya pa ring sinisilip si Lian. Ilang sandali pa ay nagsimula ng tawagin ang pangalan ng section nila Shot.

Sandaling iniwan ni Shot ang pila nila. Sinubukan pa siyang pigilan ng kanilang guro pero hindi nagpapigil si Shot. Tinungo niya ang lokasyon nila Lian.

"Lian! Tara!" sigaw ni Shot habang inaabot ang kamay ni Lian.

"Bakit?" pagtataka niya ngunit hindi siya nagdalawang isip na abutin ang kamay ni Shot at sumama dito.

"Aakyat tayo ng stage." Agad na sambit ni Shot.

Gusto sanang bawiin ni Lian ang kanyang mga kamay at bumalik sa kanyang upuan, ngunit hindi niya maitangging gusot niya ring maranasan ang umakyat sa stage. Tumatakbo pa sila ng marinig niyang tawagin ang pangalan ni Shot.

"Shotaro Chua"

"Ikaw ba yon? Chinese ka ba o Japanese?" Gulat na wika ni Lian. Halata namang maypagka-Asian ang feature ng mukha ni Shot pero hindi niya naman talaga inakala na hindi ito purong pilipino.

"Tanungin mo si Mama mamaya, siya ang nagpangalan sa akin ng Shotaro." Dire-diretso silang umakyat na dalawa sa taas ng stage at sinalubong sila sa kabila ng kanyang Papa. Kinakabahan si Lian sa sibrang dami ng tao. Pero masaya siya na nakikita siya ng lahat na nasa itaas ng entablado. Nakita niya ang IV-Rizal na dati niyang mga kaeskwela na nakatayo at nagpapalakpakan. Hindi niya napigilan ang pag-iyak lalo na ng inabot sa kanya ni Shot ang diploma. Kakamayan sana siya ni Shot ngunit napa-akap siya dito. Nagsigawan naman ang mga tao habang nagpapalakpakan.

Pagbaba nila sa entablado ay sinalubong siya ng kanyang mga dating ka-eskwela at niyaya sa lugar nila. "Shot! Isasama muna namin ang girlfriend mo dito sa amin ha." Biro ni Suzi. Nagulat naman ang iba ng marinig na girlfriend ni Shot si Lian. "Haba ng hair mo ha, campus crush dito yan." Sabi ng isang bading na classmate ni Lian.

"Hindi ko yan boyfriend." Tanggi ni Lian sa mga classmate. Tumingin ang mga classmate ni Lian kay Shot na parang ngahihintay ng kumpirmasyon.

"Ayaw pa akong sagutin eh." Sagot na lang ni Shot.

"Gaga ka! Choosy ka pa, kung ayaw mo akin na lang." Biro uli ng bading niyang classmate. Sabay kamot na lang ng ulo ang naisagot ni Shot.

"Kita na lang tayo sa labas mamaya?" tanong ni shot kay Lian.

Hope in a Bottle (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang