Seriously? Sa tanda nyang yun hindi sya marunong lumangoy?

Maaga pa lang kinabukasan ay pumunta na kami sa bahay nila Klarisse para ayusin yung mga gamit na dadalhin nya. Sinabihan na rin ako ni Maybelle na sigurado syang hindi papayag agad-agad yung babe ko kaya may naisip syang plano. Sumakay na lang daw ako.

At gaya ng inaasahan, hindi nga agad pumayag si Klarisse. Nalungkot ako kase gustung-gusto ko syang makasama. At hello, 3 days kaya akong mawawala. Hindi ako sanay na hindi sya nakikita at nakakasama. Oo na, ako na yung clingy.

At ang walanghiyang Maybelle na to, si Charity pala yung gagamitin para mapilitan si Klarisse na sumama samin. Well tama naman yung sinabi nya kasama talaga sa shooting si Cha, pero lokong to, sinabi pa sa girlfriend ko yung plano ni Cha na magkabalikan kami.

Pero in fairness, effective naman, bigla ngang nagbago yung isip ng babe ko. Sasama na sya samin.

"Oo na magaling ka na" sagot ko sa kanya habang nakaupo kami sa salas nila Klarisse.

"Hindi mo alam kung gaano kaselosa yung pinsan ko. Goodluck sayo" iiling-iling na sabi nito.

"Parang gusto kong makita kung papano magselos si babe"

"Bahala ka, basta winarningan kita ha!"

Natigil kami sa pag-uusap nang lumabas na si Klarisse sa kwarto. Agad syang lumapit samin at may iniabot na t-shirt sakin.

Takang tumingin naman ako sa kanya.

"Ano to?"

"T-shirt, bulag ka ba?"

"Babe, alam kong t-shirt to. Anong gagawin ko dito? Bat mo iniabot sakin?"

"Isuot mo!"

"What?! Eh nakabihis na ko o!" reklamo ko sa kanya.

Ano na naman kayang trip ng babaeng to?

"Basta isuot mo yan, tapos ang usapan!"

Naiiling na pumasok na lang ako sa banyo. Pero bigla akong napangiti nang mapansin yung nakaprint sa t-shirt. Tsk, tama nga si Maybelle.

Nagkunwari akong sumimangot nang lumabas ako ng banyo. Kahit anong totoo nyan, kinikilig ako. Ang cute palang magselos ni Klarisse, nagiging sobrang possessive.

"Ayan, bagay naman pala sayo eh" nakangiting sabi pa ng babe ko.

"Wow! Ang swerte mo JT, ikaw yung unang nakapagsuot nyan. " natatawang sabi ni Maybelle.

"Seryoso ka ba? Eto talaga yung isusuot ko sa buong byahe?" tanong ko kay Klarisse na nakangiti ng bonggang-bongga.

"Oo naman, bakit, ayaw mo ba?"

Agad naman akong umiling.

"Di ah! Gustung-gusto ko kaya!"

"Good! O tara na! Baka hinihintay na tayo ng Kuya mo" yaya nya sakin sabay labas ng bahay.

Nakangiti naman akong sumunod sa kanila ni Maybelle. Pagdating namin sa labas ay naghihintay na samin si Kuya at biglang natawa nang makita yung suot ko.

"Wow! Klarisse's property ha! Ang cute, bagay sayo" tatawa-tawang sabi nito.

Opo, yun nga yung nakasulat sa harap nung t-shirt, "Klarisse's Property". Well siguro sa iba, mahihiya silang isuot to pero ako, gustung-gusto ko. Ang sweet kaya, ibig sabihin, proud syang sabihin na pag-aari nya ko.

Ngumiti lang ako kay Kuya. Pagtingin ko kay Klarisse, kumindat lang sya sakin. Mas lalo namang lumapad yung ngiti ko. Kahit simpleng kindat lang, kinikilig na agad ako.

"Ay oo nga pala JT, tumawag sakin si direk, nauna na daw sila sa airport kase may kailangan pa silang asikasuhin so tayo na lang lima yung dadaanan nung van na maghahatid satin don" sabi pa ni Kuya.

Takang tumingin naman ako sa kanya.

"Lima? Apat lang tayo di----"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang lumabas galing sa bahay namin si Charity. Huh? Anong ginagawa nya dito?

"Hey guys! Goodmorning! Nakangiting bati nito. Pero agad ding napasimangot nung mapansin yung t-shirt ko.

Mas lalo namang lumapad yung ngiti ni Klarisse sabay lapit sakin.

"Ang ganda ng t-shirt nya no? Bagay na bagay sa kanya" sabi pa nito kay Charity.

Pilit lang na ngumiti si Cha sabay tango.

Nagulat naman ako nang bigla akong hilahin ni Klarisse sa isang tabi sabay pingot sakin. Ano na naman bang ginawa ko?

"Hoy babae! Bat galing sa bahay nyo yung ex mo? Don't tell me sa bahay nyo sya natulog ha! Baka naman magkatabi kayo kagabi! Umamin ka, umamin ka!"

"Di ah! Nagulat nga din ako nung lumabas sya sa bahay eh."

"Nagsasabi ka ba ng totoo?" taas kilay na tanong nito.

"Oo nga! Promise."

"Nako Justine, malaman ko lang na may iba kang kinakalantari, lagot ka talaga sakin!"

"Wala nga. Ikaw lang sapat na" pa-cute na sabi ko sa kanya.

"Tse! Wag mo kong artehan ng ganyan! At isa pa, wag na wag kang makalapit-lapit sa babaeng yon ha!"

"Opo, sayo lang po ako titingin"

"Ok good!"

Pagkatapos ay hinila nya ulit ako pabalik sa pwesto nila Kuya pero hindi na nya binitawan yung mga kamay ko.

"Wow JT, wagas makangiti ah!" nakatawang sabi sakin ni Maybelle.

Ilang saglit pa ay dumating na yung sundo namin. Nauna ako pumasok at umupo sa may tabi ng bintana. Nagulat ako nang tumabi sakin si Charity. Pagtingin ko kay Klarisse, nakataas ng kilay nya habang nakapamewang at hindi pa sumasakay ng van.

"Excuse me lang no, pwede bang ako yung tumabi sa GIRLFRIEND ko?" mataray na sabi nya kay Charity.

"Sorry, NAUNA ko dito eh. Humanap ka na lang ng IBANG pwesto" sagot naman nung katabi ko.

Naku naman! Dito pa talaga nag-away eh!

"Oh, oo nga naman, NAUNA ka nga pala, kaya lang, wala ka nang PUWANG dyan eh. So pwede, lumipat ka na lang?"

"Akala mo lang wala na, pero alam kong MERON pa!"

"Wag ka nang umasa dahil pagmamay-ari ko na yan! Kaya pwede, tsupi! "

"Diba sabi ko ayoko?!"

"Fine! Eh di dyan kang mag-isa! BABE, dun tayo sa likod. Wag ka dyan, amoy cucumber dyan!" mataray na sabi pa ng girlfriend ko.

Agad naman akong sumunod dito at lumipat sa likod. Pagdaan ko sa pwesto ni Maybelle, narinig ko syang bumulong sakin.

"Taray, pinag-aagawan ka te, di ikaw na maganda" natatawang bulong nito.

"O diba sabi ko naman sayo sakin na sya eh, sa susunod, matuto kang lumugar ha!" narinig ko pang sabi ni Klarisse kay Charity bago umupo sa tabi ko.

"At ikaw, nakita mo na ngang tinabihan ka, hindi ka pa agad lumipat!" mataray na bulong nya sakin.

"Babe, lilipat na naman ako eh, kaso bigla kang nakipagtarayan kay Charity."

"Eh pano ba naman, halatang gusto kang landiin"

Napangiti naman ako sa kanya.

"O anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong nya sakin.

"Ang cute mo palang magselos."

"So kinikilig ka na nyan?"

Nagkibit-balikat lang ako at humilig sa balikat nya.

Oo kinikilig ako. Gusto ko tong selosa at possessive side ng girlfriend ko. Yun pa nga lang na magkatabi kami sa upuan ni Charity nagseselos na sya, papano pa kaya pag nalaman nyang madami kaming eksena na magkasama sa movie? Well, goodluck na lang sakin. At lalong GOODLUCK kay Charity.

Under my spellWhere stories live. Discover now