"Naman Klang eh, nakaready na ko o!" reklamo ni Maybelle.

"O eh di lakad, sumama ka! Pero ako maiiwan dito. Hindi pa ko nakakapag-ayos ng gamit at isa pa, hindi ako papayagan ni Mama no!"

"Actually, naiready na namin yung mga gamit mo at pumayag na rin si Tita na sumama ka samin. Basta nga daw kasama tong si Maybelle" nakangiting sabi ni Justine.

Agad namang napataas yung kilay ko. Seryoso? Napapayag nya si Mama?

"Promise. Hindi ako nagbibiro" sabi pa nya sabay taas ng kanang kamay.

Ay ano to? Panatang Makabayan lang ang peg?

"Kahit na, ayoko pa ring sumama! Ano namang gagawin ko don? Manonood habang nagsshooting kayo?!"

"Klang sama na tayo please" pa-cute na sabi ni parrot.

"Tse! Wag kang magpa-cute parrot! Hindi bagay sayo. At wag kang ngumusu-nguso dyan at baka sungalngalin lang kita!"

"Klang naman eh! Excited na ko eh!" maktol pa nito.

"Eh di sumama ka nga! AKO, maiiwan dito!"

"Ayoko, syempre gusto ko kasama kita! Baka mapagkamalan pa kong alalay nitong si JT kung sasama kong mag-isa!"

"Ayoko nga kase!!"

Malungkot na tumingin lang sakin si Justine.

"Gusto lang naman kitang makasama don babe eh. Pero kung ayaw mo talaga, sige alis na kami. Tawagan na lang kita pag may oras ako" lulugu-lugong sabi nito.

"Sorry JT ha, si Klang kase pag ayaw nya sa isang bagay, hindi yan mapipilit eh. Mag-enjoy na lang siguro kayo don nila Jordan at CHA!" narinig kong sabi ni parrot na hindi ko alam kung inilakas nya talaga yung pagsasabi ng 'CHA' para iparinig sakin.

"Cha as in Charity? Yung ex ni Justine?" tanong ko sa kanila.

"Oo Klang. Si Charity na ex ni JT na sinabihan sya nung isang araw na mahal pa rin sya at gagawin lahat para bumalik sa kanya yung girlfriend mo." Sagot ng hinayupak na parrot na alam kong sinadyang sabihin yon para magbago yung isip ko at sumama sa kanila.

Alam na alam ni parrot kung gaano ako kaselosa. Kung kay Jordan nga dati, bonggang pagseselos yung naramdaman ko kahit wala naman kaming relasyon, dito pa kayang kay Justine?

"O sige, una na kami ha." Sabi ng bruha kong girlfriend.

"Oy bruha teka lang!" sigaw ko dito bago sila tuluyang lumabas ng pinto.

Takang tumingin naman sya sakin.

"Hintayin nyo ko, maliligo lang ako"

Bigla namang nagliwanag yung mukha nila pareho.

"Sasama ka na?"

"Malamang magpapahintay ba ko kung hindi?" sabay irap ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti lang sila at tumango. Agad naman akong pumunta sa banyo para maligo at mag-ayos. Bwisit na parrot yon, alam kong pinlano nya tong lahat! At ako naman dahil sa sobrang selos, kumagat naman sa plano nya. Tsk!

Hinding-hindi ko papayagang makalapit yang Charity na yan kay Justine no! Akin lang ang BABE ko!

JUSTINE'S POV:

"O sabi ko naman sayo, effective yung plano ko eh" buong pagmamalaking sabi sakin ni Maybelle.

Kagabi ko pa kasi sinabi kay Maybelle na isasama ko sila ni Klarisse sa Palawan. Nung sinabi kasi sakin ni direk na pwede kaming magsama pareho ni Kuya, pinalista ko agad yung pangalan nung magpinsan. Wala namang isasamang iba si Kuya kaya pumayag na rin sya sa gusto ko. Pinagpaalam ko agad si Klarisse sa Mama nya at pumayag naman ito basta kasama nga daw si Maybelle. Sinabi din nya na wag ko daw papalanguyin sa malalim si Klarisse kase hindi daw yun marunong lumangoy.

Under my spellWhere stories live. Discover now