👑 4 : Shelthered

67 7 31
                                    

TAKE RISKS, SAVANNAH
loviesofteinyl | 2018

SAVANNAH

Mangiyakngiyak akong umalis sa kalagitnaan ng meeting namin sa council dahil napakatoxic ng naging usapin kaya humingi ako ng fifteen minutes break sa kanila. Napahinga ako nang malalim at napakagat labi nang makalabas ako sa office. Kunot noo rin akong napahawak sa ulo ko.

I am too young to be stressed but I don't know how to avoid it. Ang aga pa para ma-stress ako ng ganito. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip ng mga responsibilidad ko. Lalo pa't hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kaiisip kung sino ang patuloy na naglalagay ng rose at sulat sa loob ng locker ko.

"Too tired? Ang aga pa para mapagod ka."

Itinago ko kaagad ang emosyon ko. Napahinto ako saglit at napatingin sa lalaking tumabi sa akin at hindi nga ako nagkamali. Siya yung lalaking lumapit sa akin kahapon para pagtripan ako. Kung anu-ano ang mga sinasabi halatang naghahanap lang naman ng makakaharutan.

Boys these days? They were all impulsive and immature.

Nakangiti siya at nakasandal sa pader habang nakatitig sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakangiti siya at nakasandal sa pader habang nakatitig sa akin. I feel so unsafe and scared by his presence. Kaagad ko siyang tinalikuran at naglakad ako ng mabilis papunta sa cafeteria.

"Ang sungit mo naman." parinig niya.

Hindi ko pa rin siya pinapansin kahit alam kong sinusundan niya ako kahit saan man ako magpunta.

"You're too beautiful to be stressed. Lossen up." dagdag pa niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa cafe. Nasa tabi ko pa rin siya at kung anu-ano ang sinasabi niya. Hindi ko naman maintindihan dahil sa dami ng tao at napakaingay ng lugar.

"Miss, isang regular oreo milk tea with pearls," mahinahon kong sinabi sa cashier.

Kaagad niya namang kinuha ang order ko at sinuklian ang bayad ko. Wala sa sarili akong napalingon at napansin kong wala na ang makulit na lalaking 'yon. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi ko siya nakita.

"Hey, hey! Hey! Hinahanap mo ako, 'noh? Yieee." hiyaw niya sa likod ko.

Napapikit ako at napailing ng marinig ko ulit ang boses niya. Dahan-dahan ko siyang hinarap at sinalubong niya ako ng napakalapad niyang ngiti. May hawak-hawak siyang iced coffee at large-sized potato fries. Hindi ko na napigilang ipakita sa kanya na sobrang iritable na ako. Ang kulit-kulit niya! Hindi ba siya nakakaintindi ng personal space?

Fyi, hindi kita hinahanap. Nagtaka lang ako! Feeler!

Dali-dali akong umalis sa cafe ng makuha ko ang inorder ko. Magkasalubong ang dalawang kilay ko habang sinisipsip ang milk tea na binili ko. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ngunit sinusundan niya pa rin ako.

Take Risks, SavannahWhere stories live. Discover now