👑 2 : Castle

95 14 63
                                    

TAKE RISKS, SAVANNAH
loviesofteinyl | 2018

"Beyond the fear is growth. Beyond the temporary comforts is the true comfort of knowing you are living life from your truth and not your fears." 

SAVANNAH

Humalakhak siya sa tabi ko kaya tiningnan ko naman siya nang may pagtataka. Puno pa rin ng katanungan ang isip ko kung sino sa mga kaibigan niya ang nagbigay sa akin ng white rose at may kasama pang sulat.

"Ayaw mo talagang sabihin sa akin kung sino?" naiinis na tanong ko sa kanya.

"I'm just joking! Naniwala ka naman," sagot niya sabay hampas sa balikat ko. Hindi matigil-tigil ang pagtawa niya sa tabi ko.

"'Yung totoo," seryoso kong tanong sa kanya.

Nagsisimula na rin akong maging iritable dahil ang ayaw ko sa lahat ay yung pinapakialaman ang mga gamit ko.

"Believe me, Savannah. Nagbibiro lang ako at ang totoo wala akong alam kung sino ang naglagay ng rose at note sa loob ng locker mo. Hindi mo friends ang friends ko at hindi ko rin kaibigan ang mga friends mo, so how do I know?" taas-kilay niyang sinagot sa akin. Nakatitig siyang maigi sa mga mata ko na para bang pinipilit niyang ipahiwatig sa akin na nagsasabi siya ng totoo kaya kaagad akong napatahimik.

Tama. Hindi ko kaibigan ang barkada niya. Minsan na niya akong isinama sa mga gala nila ngunit hindi 'yon gumana dahil hindi ako kinakausap ng mga kaibigan niya.

Buong araw kaming magkasama sa baminton court ngunit buong araw lang akong nakaupo doon sa gilid at pinagmamasdan silang maglaro. Na-out of place lang ako kaya sa mga sumunod na lakad nila hindi na ako sumama.

Mas komportable pa ako sa loob ng kwarto ko kaysa makisalamuha sa ibang tao. Mas gusto ko pang magbasa na lang ng mga libro kaysa makisama sa mga mapanghusga, yung mga taong hindi ka pa nakakausap pero may nasasabi na silang hindi maganda tungkol sa'yo.

Mababait ang mga kaibigan ni Sabrinah sadyang nahihiya at hindi ko lang siguro kaugali kaya ganoon sila sa akin. Baka ganun din ang ibang tao sa university kaya ganoon na lang kung makaiwas at makalayo sila sa akin.

"Twins, nandito na tayo!" Pareho kaming napatahimik nang marinig namin ang sinabi ni Yaya Jena.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Biglang naging santa kami pareho. Mula sa pagbukas ng dalawang gwardya ng malaking gate hanggang sa paghinto ng van sa tapat ng malaking pintuan tahimik lang kami ni Sabrinah na para bang nasanay na sa ganitong routine araw-araw.

Napatingin siya sa wrist watch niya at napakagat labing hinawakan ang relo niya. Bakas sa mukha nito ang kaba at pasimpleng tumingin sa akin na parang tinatanong ako ng mga mata niya kung ano ba ang dapat gawin.

Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at nakipagtitigan lang ako sa kanya. Totoo ang sinasabi nilang nagkakaintindihan ang magkakambal sa mga tingin at galaw. Napaiwas siya ng tingin at dahan-dahang bumaba sa van. Yung masigla at mala-bata niyang awra kanina habang nakikipagkwentuhan sa akin ay biglang nawala at napalitan ng pangamba.

Magkasabay naming binuksan ang malaking pinto. Hindi pa man kami nakakahakbang sumalubong na sa amin ang seryosong mukha ni daddy. Nakahawak pa sa beywang nito ang dalawa niyang kamay at palipat-lipat ang mga mapanuri niyang tingin sa amin ni Sabrinah.

"Why are you late? Alam niyo ba kung anong oras na? We have been waiting for like two hours now!" he shouted. His rough voice was very unpleasant to listen to, but I don't have the right to complain because he is our father. He has the right to be strict and to be in control. Always.

Take Risks, SavannahTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang