Chapter 58 - Gentle (November 20, 2018)

Start from the beginning
                                    

"Hindi nga pwede. Ang kulit mo. Bawal walang helmet."

"Mag-iingat naman po."

"Maingat ka nga. Paano kung 'yung truck na kasalubong mo?"

"Grabe naman 'to!" Kumatok si Andres sa poste.

"Bakal kaya 'yang kinakatukan mo. Ang sabi, knock on wood daw. Hindi bakal."

"Ikaw kasi."

"Kaya nga huwag ka na muna umalis."

"Hala. Miyaw. Anong gagawin ko dito? Hindi na ba ako uuwi? Paano kami makakauwi nito ni Angelina? Paano 'yung dinner?"

Natawa si Miala. Oo nga naman.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Caroline.

"Hello? Caroline?"

("Mia! Oh my gout! Ano nang nangyari?! Parang aatakihin ako sa puso dito nahuli niya ako!")

"Nahuli, o sinabi mo? Loko ka. Nandito na siya, magkasama na kami."

("Talaga ba?!")

"Oo, kaya favor naman. Okay lang ba?"

("Siyempre depende sa favor. Ano ako bale?")

"Gagi. Ano lang kasi. Padala naman kami dito ng dalawang helmet diyan? Sige na oh."

("Bakit?")

"Huwag ka na magtanong. Sige na. Dito kami sa kabilang kalye katapat ng school."

("Alam mo parehas na kayong kupal.")

"Hoy hindi kami kupal, adik ka talaga. Sige ba-bye na."

Tumingin siya kay Andres.

"Ayan. Pupunta na dito si Caroline."

"So, kelan pa kayo naging close?"

Napaurong siya at natawa.

"Adik ka! Siyempre siya 'yung kinulit ko 'nung kailangan ko ng address ng school niyo. Alam mo na naman 'yun."

"Ah. Okay."

"Baliw."

Pagtapos noon ay naupo na lang silang dalawa sa bangketa at inantay ang pagdating ni Caroline. Ang kaso, isang oras na ang nakakalipas, hindi pa rin ito dumadating.

"Shit. 8 'yung reservation ko eh. Abot pa kaya?" Nagaalalang tanong ni Andres habang kinukuha ang cellphone niya.

Tinawagan nito si Caroline.

"Hoy, traydor, saan ka na? O? Dapat nag tren ka na lang may pa bus-bus ka pa. O sige na. Bye."

"Maka-traydor 'to."

"Bakit? Kami 'yung magkaibigan tapos, 'di man lang sinabi 'to. Eh 'di sana 'di tayo trapped dito. Hay."

"Ikaw din naman 'di mo sinabi sa kanya 'yung pa-dinner mo. Kwits lang."

"Magkaiba 'yun Miyaw. Involved ako dun sa surprise. Pero siya hindi involved sa dinner."

"Kaya nga surprise."

"Huwag na tayo mag-away. Biruan lang 'yung kay Caroline. 'Di naman kami nagseseryosohan. At okay, sorry. Kasalanan ko na 'hindi ko dinala 'yung helmet."

"Okay. Sorry din kasi fail 'yung pagplano ko 'di ko man lang i-ensure kung nasaan ka."

"O, kwits na tayo. Tayo na?"

"Sira." Tinulak niya ito ng bahagya.

Maya-maya, wala pa rin si Caroline. Stuck pa rin daw sa traffic. Nagdecide sila na umupo na lang sa may bus stop ilang blocks mula doon. Pagod na pagod na talaga si Miala. Sinandal niya na lang ang ulo niya sa balikat ni Andres.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now