Bigla kong naisip ang dalawang mama sa Gym ng Sisters of Mary nung araw na pinagtulungan nilang patayin si Nina. Ang lalaki nila at nakakatakot talaga ang mga itsura. Hindi mababakas sa itsura nila ang pag-dadalawang-isip sa pagpatay ng inosenteng tao. Malalabanan ko kaya sila kahit papano? Sa hindi malamang dahilan, biglang tumulo ang luha ko. Kahit anong tapang ko, kahit anong bilib ko sa sarili ko, alam ko...natatakot ako. Sobrang natatakot ako. 

Any moment pwede nila akong kunin dito at dahan-dahang patayin. Pwedeng sa paggising ko, kapag wala na si Rachel, o kaya sa hagdanan pababa ng Dorm na ito. Pwede nila akong hatakin kapag papunta na ako sa Cafeteria o kaya habang papunta sa Main Building. I curled into a ball and held back my tears. Jennifer, Nina, Anastacia...Ano bang dapat kong gawin? Tulungan niyo ako, gusto ko nang matapos ito.

I closed my eyes and tried to sleep but I couldn't. Sino ba naman ang makakatulog kung nalaman mong anytime pwede ka palang mamatay? Naglakas-loob pa akong lumabas ng Monte Carlo! I somehow felt safe inside the school's premises. Feeling ko walang mangyayari sa akin dito sa loob, pero paranoid pa rin ako. Kailangan maging maingat na ako lagi. I can't let myself to be alone. I SHOULDN'T. 

Those three girls...anong meron sa kanila, bakit ginawa sa kanila yun? There must be something linking the four of us that lead us to this threat. Gusto ko pa sana mag-isip, pero bumigay na din ang katawan ko from exhaustion at nakatulog na lang ako with tears on my eyes.

I woke up the next day with heavy eyes. Ang sakit ng ulo ko at ng mga mata ko. I groaned and looked around as I stretched on my bed. "Buti naman gumising ka na. Sobrang worried na ako, akala ko, kailangan ko nang tumawag ng nurse." Sabi ni Rachel habang naglalagay siya ng make up at nakaharap siya sa full-sized mirror niya. Teka...

Napabalikwas ako sa kama ko nang makita kong nakabihis na siya ng uniform. Ibig sabihin late na! I grabbed my cellphone from under my pillow and saw that it's already seven in the morning. Shit. Agad akong nagtungo sa aparador ko at kinuha ang tuwalya ko.

"Dawn, okay ka lang ba? You look haggard." There was concern in her voice kahit parang negative ang construction ng sentence niya. Siguro ganun lang siya talaga.

Tumango lang ako at pumasok na sa banyo. Nanginig ako nang sumayad ang malamig na tubig sa katawan ko. Bigla kong naalala ang nalaman ko kagabi. Pwede akong mamatay any moment. I shivered at the thought at lalo kong binilisan ang pagligo. "Rachel?" Sigaw ko sa loob ng banyo.

"Yup?" 

"Pwede mo ba akong antayin? Matatapos na ako dito." I can't let myself be alone. Kung kailangan kong sumabay sa kanya araw araw, okay lang.

"Sure."

Nasa Cafeteria na kami at nakapila sa counter. Patingin-tingin ako sa paligid at naghahanap ng something na kakaiba. Sobrang paranoid na ako at lahat ng tao pinag-hihinalaan ko na. Andito kaya sa Monte Carlo ang mastermind? Tinitignan niya kaya ako ngayon? Ipapadukot na kaya niya ako sa mga tauhan niya dahil alam ko na ang tangka sa buhay ko?

"Uy, Dawn!" Napatalon pa ako nang tawagin ni Rachel ang pangalan ko.

"Ha?"

"Okay ka lang ba? Para kang...ewan! You're not yourself today. Ano daw order mo, sabi ni Ate?"

"Ay, sorry po, Ate. Uhm. Pancake at orange juice lang po."

Umupo kami sa isang bakanteng table at tahimik na kumain. Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako. Ano ba'ng nangyayari sa akin?

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighWhere stories live. Discover now