Chapter 42[41]

3.6K 120 105
                                    

If you can speak ill to others, you must learn to listen too - Christina Aguilera 

Nath POV

Nang makita namin ang kalagayan ng Prof namin hindi na nagdalawang isip si Alex para tulungan sila. Narinig ko pa na sinabihan nya sina Sandra at Marie na wag lalabas sa pinagtataguan nila. Naagapan naman ni Alex ang paparating na atake ng kalaban sa Prof namin. Pinapaalis sya ng Prof pero sadyang matigas ang ulo ni Alex. Nang nasa medyo hindi na maganda ang kalagayan ng paglalaban nila oras ko naman para tulungan sila. Pero laking gulat ko ng biglang lumabas si Marie at sumunod si Sandra.



Tsk!! Nararamdaman ko na hindi maganda ang kalalabasan nito. Sana nagtago na lang sila pero siguro katulad ko hindi din nila matiis na manuod na lamang. Makikita ang panginginig ng tuhod nilang dalawa pero tinago nila ang emotion na kinakabahan sila. Patingin-tingin din ako sa paligid pero di ko talaga makita sila Lady Mia at si Sensie Rei.  Bigla na lamang kasi silang dalawa nawala. Biglang nagsalita ang kalaban at walang pagaalinlangan para patayin si Sandra at Marie. Biglang lumaki yung mata ni Sandra at Mei at  lumabas na ako sa kinaroroonan ko. Bahala na kung ano klaseng depensa ang gagawin ko, kailangan ko syang mailigtas pero sa kalagitnaan ng pagtatakbo ko biglang sumulpot si Lady Mia na kinagulat ko at bigla nya itong pinugutan ng ulo.





"AAAAAAHHHHHHH!!!!" sigaw ng lalaki bago pa sya pugutan ng ulo. Mabilis ang reflexes nya pero nakita ko kung paano nangyari yun. Sa binti nya may nakatago na dagger don at sinaksak nya ito sa dibdib kaya sumigaw ito bago ito pugutan ng ulo.

"Gomene, Watashi wa sandora ga koko de shinu no o yurusanai. Kanojo wa ki ga kuruudeshou soshite watashitachi wa sore ga okoru no o nozomanai" – Lady Mia. (Sorry, I will not let Sandra die in here. She will get mad at me)



Sumigaw ang kalaban na babae at sumugod kay Lady Mia gamit ang kanyang matulis na sphere, mayroon pala syang may nakatago na sandata. Agad kung inilayo si Sandra para hindi kami makasagabal sa laban nila. Nakikita ko ngayon yung mga gulat na mukha ng Prof namin at higit sa lahat ay nagtataka kung sino ang tumulong sa amin. hindi ko maintindihan ang sinabi nya kanina pero nagpapasalamat narin dahil dumating sya. 

Napapasayaw na lamang ang mga buhok namin dahil sa sobrang lakas ng impact ng mga sandata nila pati mga Prof namin napapapuwing na lamang sa mga mata nila. Tsk!! Pero ang mas nakakabilib pa don ay mabilisang pagpatay ang ginawa nya. Hindi nga nakatagal ng 5 segundo ang babae sa kanya bago pinugutan ng ulo. Pati si Alex ay nakatulala na lamang dahil sa bilis ng kilos nya.




Ngayon lalaki naman ang kalaban nya. Sobrang laki ng espada ang gamit ng lalaki samantalang si Lady Mia ay saktong taas lamang ng dagger ang gamit nya. Pero ayon sa nabasa ko hindi iyan ang totoong sandata nya maaaring hindi nya pwede gamitin ito kung walang pahintulot ni Lady Az. Their weapons are extremely deadly. Hindi isa ang kalaban ngayon ni Lady Mia kundi tatlo na ito. Sumabay narin ang dalawang lalaki, ang sandata ng isa ay parang latigo pero maraming tinik ang makikita nito yung sa isa naman ay baril. Nakikita sa mata ang galit dahil sa pagkawala nang myembro nila. 






"T-teka?? Kakayanin nya ba?? Sino ba sya??" tanong ni Alex sa akin. Binigyan ko na lamang sya ng isang tango na sinisigurado ko na kaya nya. Siguro maaaring alam lamang ni Alex ay normal lamang ang kakayahan ni Lady Mia pero higit paron. Pati ako ay nanamangha narin dahil isa sa mga pangarap ko ay ang makita sila at mapanood ang mga laban nila. Makikita sa bawat galaw ni Lady Mia, na napakasimple lamang ng mga kalaban nya parang beginner kumbaga. Hindi ko na namalayan na patay na pala lahat sila. Tumagal lamang ang laban ng 30 seconds sa tatlong lalaki. Hindi ko maipaliwanag ang ngiti at saya na nararamdaman ko sa ngayon. Talagang totoo talaga ito, hindi na sa libro o sa telebisyon ang lahat na ito kundi aktual ko talaga na nakikita.







Napatingin naman kami sa kabila ng may tumawag sa pangalan ni Lady Mia. "Mia!!!" kumaway naman sya habang binabalik ang kanyang maliit na sandata. "Tignan mo Mia" sabi ni Sensei Rei habang may inihagis sya sa direksyon ni Lady Mia na nagpagulong-gulong ito papunta sa kinaroroonan nya. Napasigaw naman si Marie at Sandra dahil dalawang pugot na ulo ng babae ang inihagis pala ni Sensei Rei. Yan yung dalawang dalawang babae na nawala kanina yun yung pagkakarinig ko sa kanila Sandra at Mei "What the??!!" sigaw na sabi ni Alex na sinabayan naman ng mga Prof namin. "ANONG GINAGAWA NYO??!!! / PAANO NYO LAHAT NA GAWA YAN??!! MGA TAO PA BA KAYO??" sabay-sabay na sabi ng Prof namin. Aminin na natin kahit ako ay hindi narin makatiis, bumabaligtad narin ang sikmura ko. Nakikita ko din sa pheripical vision ko na sumuka na talaga si Sandra at Mei, ayaw ko silang tignan sa direksyon nila baka sumunod nadin ako. May naglakas loob na Prof namin na nilapitan si Lady Mia at pwersang ipinaharap ito sa kanya. Lalapitan ko na sana ng biglang nag-gesture ng 'hindi' sa akin si Lady Mia.





"Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa kanila?! Napag-isipan mo ba na pwede kang makulong dahil sa ginawa mo?! Kay bata-bata mo pa para pumatay?! Yan ba ang itinuro ng mga magulang mo sa iyo?! Ang pumatay?! Ha?! Tinuruan nila tayong lumaban para maipagtanggol ang sarili natin pero ang pumatay?! Wala?! Naiintindihan mo ba ako iha?! Ha?!" sa pagkahabang-haba ng sabi ng Prof namin. May halong iyak at pagod ang pagkakasabi nya dahil narin sa natamo nyang sugat. "Sumagot ka?!" sigaw na sabi nya. Nakikita kung biglang nagbago ang awra ni Lady Mia na ikinabahala ko! Shit!! "Naiinitindihan mo ba ako??!!" sigaw ulit ni Prof.

"Wala" tipid na sabi ni Lady Mia na kinagulat naman ng Prof namin pati narin sa ibang Prof namin na nanunuod sa kanilang dalawa. Habang si Sensei Rei ay pasipol-sipol lamang ito na parang wala syang may nakikita ngayon. Ako yung kinakabahan sa Prof namin. "ANO??!!" sigaw nya ulit.













"I told you. I dont understand what are you saying." - Lady Mia. "Alam mo ba ang ginawa mo??! Ha?!!" sigaw ulit ni Prof na halos makikita mo na ang ugat sa leeg nya. "Im well aware of what I did. I killed them and they died. Second, Im not going to prison. Third, Im not a child anymore. Fourth, my mother died when  I was 6 months young but I have my Master who taught me how to be brave, how to fight to protect myself and to protect my comrade. Fifth, yes they taught us to kill. In fact, I killed 6 people when i was 8 years old. And yes, in order to survive you have to fight too and to kill or be killed by enemies." - Lady Mia.









Natahimik na lamang ang Prof namin habang nakatingin ng diretso kay Lady Mia, makikita sa mukha nya ang pagkagulat dahil sa sinabi nya. "If you have nothing else to say, lets keep going. We know what is going on right now" sabi ni Lady Mia ng dahil sa sinabi nya at nagsimula na silang magtanong sa kanya. "Yosh!! Ang galing talaga ni Mia" papuri ni Sensei Rei na siniko naman sya ni Lady Mia. Napa 'Aww' na lang ang sabi ni Sensei Rei. Nilapitan naman ni Lady Mia si Sandra at kinamusta kung ok lang ba sya. Tumango naman ito pati narin si Marie, habang si Alex naman ay makikita na marami ngayong katanungan sa isip nya. "Mia?Yan yung pangalan mo diba?" tanong ng isang Prof namin, tumango naman si Lady Mia. "Anong nangyayari ngayon?" tanong nya. "At sino ang mga patay na taong ito?!" tanong ng isang Prof namin. "They're from Afghanistan. Mga Assassins sila" sabi ni Sensei Rei, tumango naman sila. "They are here to kill your head" sabi ni Lady Mia. Nagtaka naman sila sa sinabi ni Lady Mia pati ako din. Head? Ibig bang sabihin ay si Boss. Siya kasi ang Head dito sa paaralan. "Ang ibig mo bang sabihin si Master Evan?!" tanong ng isnag Prof pa namin. Umiling naman si Lady Mia at Sensei Rei. So, sino ang tinutukoy nila?

😊😊😊😊😊😊

To be continued

Azumi: The Tattoos (OLD)/ Under RevisionWhere stories live. Discover now