Chapter 4 [T3-1]

9.9K 285 13
                                    

It is forbidden to kill; therefore all murderers are punished unless they kill in large numbers and to the sound of trumpets. -Voltaire

Alexander Rodriguez

Ako si Alexander Rodriguez, Alex for short ... ako ang pangalawa sa kinatatakutan dito sa paaralan. Mess with me and I will make your life miserable.

Well ang Mafia Prince wala dito, matagal na syang hindi nag-aaral, pero may balita-balita na dito na sya ulit mag-aaral. Ang tawag sa grupo namin Dark Blood Gang ang rank 1 na gangster sa Pilipinas. Ako ang leader sa grupo namin, maraming mga rogues ang kumakalaban sa amin pero lahat yun ay natalo namin.

Nandito kami ngayon sa headquarters namin, malaki ito 2 storey, may kanya-kanya din kaming kwarto dito. Talagang masasabi mo na parang bahay na, kumpleto narin sa gamit pang-bahay. Kaya wala kanang poproblemahin pa, halos parang dito na kami tumira. Hindi lamang kami ang may headquarters, pati ang rank 1 sa assassins meron din sila. Pero ang mas pinakamalaki ay ang nag-ngangalang Mafia Prince, halos mala mansion na ang bahay nya kaya nga hindi sa loob ng paaralan pinagawa kundi katapat lamang ng school nato.



Close kami ng Mafia Prince, magkaibigan na kami simula 10 yrs old pa lang ako at sya ganun din, pero mas ginusto ko ang mapabilang sa gangster, ayaw kung mapabilang sa Mafia's, dahil narin sa mga ginagawa nila. Ok naman sa kanya na maging gangster ako, kaysa mapasapi ako sa Mafia's, halos magkapatid na ang turingan namin. ng panahon din na nalaman nya na rank 1 kami sa arena, sobrang tuwa nya at tama lang na ito ang pinili ko.Hindi ko kayang pumatay ng tao, sabihin na lang natin na oo gangster ako, pero hanggang pangbubugbog lamang ang kaya kung gawin sa mga kalaban ko.

"Alex, totoo nga ang balita" ang sabi ni Chris ang playboy at mayabang sa grupo namin. Kilala sya bilang si Dark Ring sya ang nagsasabi sa schedule namin kung kaylan kami lalaban.


"Anong balita?" ang sabi naman ni Dennis, playboy din sya pero matakaw, kahit anong pagkain isubo mo sa kanya, hindi nya aayawan, siguro kahit may lason na ang pagkain basta maganda ang pagkakadesign ng pagkain, kakainin nya parin siguro yun. Tsk ... Sya naman si Dark Snipe, sya ang sniper namin don sya magaling eh.


"Na babalik na ulit ang Mafia Prince" ang sabi naman ni Nathaniel sya naman ang taong hindi palasalita, palaging tahimik. Pero kung magsalita naman, lahat may laman... kaya mas mabuti pa na hindi na sya magsalita. Sya naman si Dark Spec magaling naman sya sa paghahack ng system.

"sino nagsabi na totoo?" tanong ko

"tumawag sya kanina sa akin, bukas daw ang dating nya" ang sabi ni Nath short for Nathaniel

"grabe bakit, ikaw lang tinawagan? It's UNPAIRR!!" pasigaw na sigaw ni Chris sabay busangot ng mukha nya

"tumigil ka nga Chrisanto ang pangit ng mukha mo!!" pasigaw din na sabi ni Dennis, mas lalo namang bumusangot ang mukha ni Chris.. tsk palagi na lang sila nag-aasaran

"wag mo nga akong tawaging Chrisanto, ang pangit nun Yackk!! Chris ang pangalan ko no!!" wika ni Chris

"pwede ba tumahimik nga kayo!!" sigaw ko din, baka saan naman mapunta ang pag-aasaran nila. Tumahimik naman sila at nagkatinginan sila sa isa't-isa ng masama.

"grabe ilang taon narin natin sya hindi nakita, sa wakas bumalik na din" wika ni Dennis sabay kuha ng hershey's sa bulsa nya at kinain. Takaw talaga nito

"ang tanong bakit kaya sya bumalik dito? Diba sabi nya hindi na sya babalik dito?" ang sabi ni Chris na kumukuha ng pagkain sa bag nya.

"ano ba kayo, baka naman namiss na nya tayo, oh baka naman naka-moveon na sya" ang sabi ko

Azumi: The Tattoos (OLD)/ Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon